Chapter 15

1.3K 88 9
                                    

Chapter 15

Natigilan ako sa pagnguya at kinunutan siya ng noo. "What do you mean?"

"What do you think?" balik-tanong niya sa akin habang patuloy sa pagkain.

Hindi pa rin niya ako tinitingnan kaya nagduda na ako. "Ano 'to, Jed? Ano naman ang gagawin mo kung wala ang banda?"

Sure, marami pa siyang ibang magagawa. Alam ko ang kakayahan at diskarte niya. But please tell me that he is only kidding. I've seen how happy he was when they started Lyricbeat back in college. Mahal na mahal niya ang musika at lalung-lalo na ang pagda-drums kaya ano na naman kaya ang iniisip ng damuhong 'to?

"Hindi naman mawawala ang banda. I will just quit being the drummer. What do you think?" cool na cool pang tanong niya na lalong ikinainit ng ulo ko.

"I think it's stupid," naiinis na sabi ko. "Ano na'ng gagawin ng banda kung wala ka? At ano'ng gagawin mo?"

I couldn't imagine it. Lyricbeat without Asher? It wouldn't really be... Lyricbeat anymore. I could never imagine it. At ayoko rin talagang isipin na wala siya sa bandang iyon.

Nag-angat siya ng tingin at bahagyang nagtaas ng kilay. "Don't forget that I am still a songwriter, Rhyne. I still have so many songs I want to write about you."

Muntik na akong mabilaukan sa narinig.

Sa sumunod na Sabado ay nasa Mico Moco ulit kaming lahat. Mas marami ang tao ngayon kumpara sa nakaraang weekend. May special event na naman kasi at saka lang namin nalaman nang makarating kami kanina. May special showdown ang Lyricbeat at Zodiac, isang banda rin na hindi pa gaanong kilala. Iilang buwan pa lamang sila sa industriya.

Dalawang table ang okupado namin ngayong gabi dahil nandito ang boyfriend ni Princess na si Keeno. And also Czeila's boyfriend, Zodiac's lead vocalist, Adriano. O manliligaw, ewan ko sa kanya.

Kagaya ng nakasanayan, kasalo namin sa iisang lamesa ang Lyricbeat. Sa kabilang table naman ang Zodiac. I was a bit surprised that the crowd wasn't suspicious at all of our table arrangement. Magkatabi kanina sina Czeila at Adriano pero wala man lang akong napansin na palihim na tumitingin sa kanila o kahit bulungan mula sa ibang mga lamesa.

Ngiting-ngiti ang kaibigan ko habang nakatanaw sa stage. Zodiac ang nakasalang ngayon. Nagiging wild na rin ang crowd dahil medyo maingay ang mga kanta nila.

Inikot ko ang aking paningin sa ibaba. Pagkatapos ay tumigil iyon sa backstage na medyo kita mula sa puwesto namin. Nag-uusap sina Zeldon, Ardo at Jed habang bahagyang natatawa ang huli. I saw Maddison fixing her bass guitar, and Troy... looked seriously pissed off, like he was about to murder someone.

Napataas ang kilay ko at napabaling kay Czeila na ngayon ay nakatayo na't todo suporta sa kanyang manliligaw kuno. Apat lang kami rito sa aming table at nasa kabila sina Kuya Mico, Deb at saka si Ashley.

Kumirot ang sentido ko nang lumakas ang sigawan ng mga fans sa ibaba dahil sa pagtatapos ng kanta ng Zodiac. They left the stage afterwards. Sinundan ko ng tingin ang buong Lyricbeat nang sila naman ngayon ang umakyat sa stage at pumuwesto.

"I love you so much, Asher!" biglang sigaw ng isang fan mula sa crowd na ikinatawa ng lahat dahil bahagya pa itong pumiyok sa dulo. Paos na sa kakasigaw ngunit bigay todo pa rin.

Umangat na naman ang kilay ko nang makitang ngumiti nang maluwang si Jed. When they started playing, hindi na natanggal ang tingin ko sa kanya. He became one with the music again. He was banging his head along with every beat of his drums. Iyan ba ang nag-iisip nang iwanan ang banda? He loved Lyricbeat and drums so much!

Pagkatapos ng ikatlong kanta ay nagkaroon muna ng break. Agad na umakyat papunta sa amin ang Lyricbeat.

Naupo sina Zeldon, Ardo at Maddison sa tabi nina Princess at Keeno. Si Troy naman ay pumuwesto sa tabi ni Czeila na madilim ang tingin sa hawak nitong cellphone. Hindi iyon napansin ni Czeila at tumayo pa ito habang nasa stage ang tingin.

"Usog nga, Dalmatian! Hindi ko makita," sabi pa nito.

Hindi nagpatinag si Troy.

Napangiti ako nang palihim. Hindi ko alam pero... I think Troy is better than Adriano.

Naalis ang tingin ko sa dalawa nang maramdaman ko ang pagdantay ng mainit na palad sa aking ulo. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang nakangiting si Jed habang nilalaro ang dalang drumsticks sa isa pang kamay.

"Did you drink?" naninimbang na tanong niya bago naupo sa tabi ko at saka pasimpleng humalik sa sentido ko.

Kumunot ang noo ko. "No." Pasimple kong inikot ang aking paningin dahil baka may nakakita sa ginawa niya. There was none, though. Kahit ang mga kasama namin sa table ay hindi iyon agad napansin.

Nakahinga siya nang maluwang sa sagot ko.

"Akala ko ba, break na?" biglang puna ni Princess sa amin.

Nagkamali ako. Makakatakas kami ni Jed mula sa lahat, but not from this princess' watch. Naniningkit pa ang mga mata nito habang nakataas ang kilay sa amin.

Tinapunan kami ng tingin ni Czeila at ngumiti nang nakakaasar. "Hindi iyan. Patay na patay si Kuya kay Rhyne. Hindi niya kayang mahiwalay riyan."

Jed extended his left hand behind me and reached for his sister. Pinitik niya ang braso nito. Natatawa namang umilag ang kapatid habang patuloy sa pagte-text. Natigilan lang sila nang i-serve na ang mga inumin at pagkain. Natuon na roon ang atensiyon nito.

"Kanino itong orange juice?"

"Para kay Rhyne iyan," sabi ni Jed sabay abot agad sa juice at lapag niyon sa harap ko.

Hindi ako kumibo at tiningnan lang iyon.

"Really, Kuya? An orange juice in a bistro bar?" Nakataas ang kilay ni Czeila nang tingnan si Jed. "Rhyne can hold her alcohol better than you."

Ang kamay ni Jed na hindi ko namalayang nasa balikat ko pa rin pala ay muling umangat sabay lamukos sa mukha ng kapatid. "Shut up."

Umingos lang ito bago kumain.

Nagpaalam ako sa kanilang pupunta muna sa comfort room. Agad na nagpahiwatig si Jed na gusto niya akong samahan pero pinandilatan ko na siya agad ng mga mata. Sa lahat na lang talaga ng kilos ko, gusto niya ay lagi siyang nakamatyag.

"Huwag na!" mariing pigil ko.

Kumunot ang noo niya at ngumuso. Walang imik na tumabi siya para makadaan ako.

Nasa kabilang dulo ang comfort room. Pagpasok ko ay medyo natagalan pa dahil puno ang lahat ng cubicle at may mga nakapila pa. Panay ang lukot ng ilong ko sa iba't ibang klase ng perfume na naaamoy sa loob. Naghahalo na ang mga iyon at pati ulo ko ay sumasakit.

Nakahinga ako nang maluwang nang sa wakas ay nakapasok na ako sa pinakadulong cubicle. Pagkatapos gawin ang ipinunta ko roon, pagkaangat ko ng aking pantalon ay may narinig akong nag-spray ng pabango mula sa katabing cubicle. Mabilis na naramdaman ko ang tila pagbaliktad ng aking sikmura nang maamoy iyon.

Bago ko pa man mapigilan ay nasuka na ako. Mabuti na lang at napayuko ako agad sa inidoro dahil kung hindi ay damit ko ang madadale.

Wala nang tao paglabas ko ng cubicle dahil nagsisimula na yata ulit ang event. Naririnig ko na ang malakas na sigawan mula sa labas. Hindi muna ako lumabas at dumiretso sa sink para maghilamos at pakalmahin ang sarili. Nahihilo ako sa dami ng isinuka ko. Pakiramdam ko, lahat ng laman ng tiyan ko ay nailabas ko.

"Rhyne!"

I heard Jed's voice outside.

"Are you still there, Rhyne? Are you okay?" muling tawag niya nang hindi ako sumagot.

Napabuntong hininga ako at pinunasan na ng tissue ang buong mukha. I swallowed a mint candy afterward. Paglabas ko ay nakita ko siyang nakasandal sa dingding sa mismong tapat ng comfort room.

Napatuwid siya bigla ng tayo nang makita ako at nag-aalalang lumapit sa akin. "Hey... What happened? Namumutla ka."

"I'm okay. I—" Muli akong naduwal kaya hindi ko natapos ang sasabihin ko.

"Did you vomit, Rhyne?!" bayolenteng react niya nang mahinuha ang nangyari. May kasama pang panlalaki ng mga mata iyon.

"Yes, but I'm okay. I just had too many chocolates before com—"

Napatiim-bagang siya. Halatang nawawalan na ng pasensiya. Madilim sa kinatatayuan namin ngayon ngunit mas madilim na ang mga titig niya sa akin. He held my hand so tight. "Let's go to the hospital now, Rhyne. You're pregnant. I'm a hundred percent sure!"

Rhyne's Heartbeat (SUAREZ SERIES I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon