Chapter 18

1.3K 61 35
                                    

Chapter 18

Huminga ako nang malalim bago nagpasyang kumatok sa music room sa mansiyon ng mga Suarez. Ang sabi ni Czeila, dito nagkukulong si Jed kapag may malalim na iniisip.

There was no answer after I knocked three times.

Sinubukan kong ipihit ang seradura ng pintuan at nakahinga nang maluwang nang matantong hindi naman iyon naka-lock. Hindi ko pa tuluyang nabubuksan ang pintuan pero narinig ko na agad ang malakas na tugtog mula sa loob. Mas lalong lumakas iyon nang itulak ko pabukas ang pinto.

And there, at the far end of the music room, kung saan bahagyang nakaangat ang sahig sa bandang iyon na nagmistulang stage at naka-set up ang drums, Jed was playing and beating his drums along with Linkin Park's New Divide. It was so loud that I had to close the door immediately para hindi kumalat ang ingay sa labas.

Hindi niya ako napansin agad dahil nakapikit siya habang tumutugtog. Bukod doon ay napansin ko ring may suot siyang in-ear monitor kaya alam kong hindi rin niya narinig ang mga katok ko kanina.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya habang iginagala ang aking paningin sa kabuuan ng kuwarto. Kulay abo ang mga dingding. Sa aking kaliwa ay nakasabit at nakahilera ang iba't ibang uri ng mga gitara. Sa kanan naman ay pintado sa likod ng keyboard piano ang wall-sized logo ng Lyricbeat. At ang nasa likuran ni Jed ay ang wall-sized din na portrait ng banda.

Mas lalo pa akong lumapit at pinagmasdan siyang pinupukpok ang kanyang paboritong drumsticks sa mga drums. I didn't mind if it was too loud. His eyes were still closed, so I considered this an opportunity to stare at him without being teased by him. Sa sobrang paninitig ko sa kanya ay hindi ko na namalayang patapos na ang kanta.

Hinihingal siya nang huminto siya sa pagda-drums. Tinanggal niya ang suot na in-ear monitor at nang magmulat ng mga mata ay saglit na natigilan.

Bago ko pa man mapigilan ang aking sarili ay humakbang na ako palapit sa kanya.

Unti-unting pumungay ang mga mata niya nang nasa gilid na niya ako. Bahagya niyang inatras ang kanyang upuan at iniharap sa akin ang buong katawan. He raised and extended his arms and let them snake around my waist and lock me in. Marahan niya akong hinila palapit sa kanya hanggang sa makulong din ako ng mga binti niya.

Nang tingalain niya ako ay mas lalong lumambot ang mga mata niya, the total opposite of how hard he had beaten his drums a while ago.

"I love you," masuyong bulong niya. "Are you okay? No more vomiting?"

Linkin Park's song went on again on their large speakers. I realized he played it on repeat.

Umiling ako.

"My kisses were effective, huh?" pagbibiro niya sabay pinatulis ang nguso sa akin.

Kinunutan ko lang siya ng noo. "Are you okay, though?" pag-iiba ko ng topic. "I heard about... your military enlistment in Korea."

Humina ang boses ko sa huling sinabi. Ang ibig sabihin ba niyon ay kailangan niyang umalis?

He sighed. "Don't worry about it, Rhyne."

"Are you going to leave? Are you really required to enlist?" Ayoko mang itanong iyon ngunit gusto kong malaman kung ano ang mga plano niya.

"Yes. It is required, Rhyne. It's too late to revoke my Korean citizenship now," tila pagod na sabi niya.

"Are you going to leave, then?" ulit ko.

Kumunot ang noo niya. "No. No, I won't, Rhyne. Don't worry about it. I won't leave you here pregnant, alone and unmarried. We'll get married first. I already sent them an email requesting a delay in my enlistment. Hinihintay ko na lang ang approval nila. I'm only twenty-six. Before thirty sila usually nagpapadala ng draft notice kaya nagulat ako dahil masyadong maaga pa."

Rhyne's Heartbeat (SUAREZ SERIES I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon