Chapter 29
As far as I could remember, Orazon was a small town located at the bottom of the Philippines. Maliit lang ang probinsiya at napapaligiran iyon ng dagat at mga maliliit na isla.
Sa paglipas ng mga taon, maraming nagbago sa lugar kung saan ako ipinanganak at lumaki. Noon, puro tricycle lang ang makikita sa daan at iilang motorsiklo at pamapasaherong jeep. Ngayon, every street was filled with different kinds of vehicles at nagkaka-traffic na rin. Minsan pa nga ay mas mabagal pa ang usad kaysa sa EDSA.
Marami na ring mga matataas na building ngayon. Hindi gaya ng dati na puro hanggang dalawang palapag lamang ang itaas. Sa pag-iikot ng motor-tricycle na inarkila ko ay nakita ko ring may hotel na rin dito ngayon.
The old coffee shops I remembered were now replaced with different, beautiful cafés. Mahilig sa kape ang mga tagarito kaya nabansagan itong Town of Caffeine. Bukod sa maraming café na makikita sa bawat sulok ng probinsiya, dito rin matatagpuan ang pinakamalaking coffee farm sa buong Mindanao.
Over time, I realized, the little town of Orazon became a little city.
Marami pa kaming nadaanan na mga bagong establishment habang nasa daan pauwi sa amin. Manghang-mangha ako nang madaanan namin ang town hall ng Orazon. Before, there was only one building na puti ang kulay. Ngayon, it was painted in brown and vanilla. Maraming disenyo at palamuti. May fountain din sa gitna ng garahe at napapalibutan iyon ng mga sementadong bulaklak. Ang hula ko ay umiilaw ang mga iyon kapag gabi.
They had three buildings already. Dalawang magkatabing building na ang town hall at ang pangatlong gusali ay isang indoor basketball court, based on the shrieks from running sneakers on the floor and the bouncing sound of the balls that I could hear. Nasa ikalawang palapag iyon at ang malaking bintana na nakapaikot doon ay gawa sa iron metal grill kaya maririnig mula sa labas. Idagdag pa ang sigawan ng mga manonood.
Sa ibaba ng court ay makikita naman ang artificial garden na may malaking signage na "I LOVE ORAZON." Nakapatong iyon sa isang tasa ng kape na isa sa mga trademark ng Orazon.
Everything I was seeing now was exactly how Agori described the current Orazon in her manuscript.
Despite the obvious changes in the town, I felt so nostalgic. Lalo na kapag may nadadaanan kaming pamilyar na mga lumang bahay. Nasa barangay Hiniram na kami at halos walang nabago rito.
Ilang minuto ang dumaan at nasa tapat na kami ng Orazon beach. Isang public beach iyon na pinupuntahan ng lahat mula sa iba't ibang panig ng probinsiya. Linggo man o hindi, halos hindi iyon nauubusan ng mga taong dumadayo roon.
Sa pagdampi ng maalat na hanging nagmumula sa karagatan sa aking pisngi, saglit na napapikit ako at pasimpleng huminga nang malalim.
I avoided this place for so long, and now that I was here again, I realized how much I missed it. Hindi ko na maalala kung paano ko nagawang huwag balikan ang kagandahan ng lugar na ito.
We passed by The Hood, isang mahabang boardwalk sa unang parte ng beach na may mga cottages sa dulo. Namataan kong may iilang taong nagkakatuwaan doon at tumatalon pa sa dagat. Dati ay wala itong boardwalk na ito.
Ilang sandali pa ang lumipas bago ko namataan ang pinakadulo ng beach. Sa likod ng signboard ay isang private property na pag-aari ng mga Sandoval.
And that was where the nightmare started.
My father was the last of the Sandovals here in Orazon kaya nang mamatay siya at tuluyan kong iniwan ang lugar na ito, naging abandonada na ang bahaging ito ng beach.
Pagkatapat namin sa signboard ng Orazon beach ay inihinto na ni Manong ang kanyang motor-tricycle. Ang sabi'y hindi na puwedeng pumasok ang motorsiklo niya dahil puno na ng mga shells at bato ang daanan.
BINABASA MO ANG
Rhyne's Heartbeat (SUAREZ SERIES I)
General FictionSuarez Series I: Rhyne's Heartbeat A book about healing. Asher Jed Nam Suarez, the fourth of five Suarez siblings, is the epitome of warmth and light. While Kazandra May Rhyne Sandoval - his best friend - is darker than dark and colder than cold. Wh...