Epilogue

3K 122 82
                                    

Epilogue

Czeila and I had been friends since high school. Mula unang taon ay magkakasama na kaming tatlo nina Princess.

Princess was an only child like me, while Czeila had four older brothers. Kilala ko na ang unang tatlo dahil sila ang madalas na bumaba ng sasakyan sa tuwing sinusundo nila ang bunso. Nakita ko na rin ang bunsong lalaki ngunit halos hindi ko rin maaninag ang kanyang mukha dahil nasa loob lamang siya ng sasakyan at may nilalarong drumsticks. Bukod pa iyon sa agad nilang pagsasara ng pintuan kaya hindi gaanong pamilyar sa akin ang hitsura niya.

Ang naaalala ko lang ay sobrang puti niya. Mas maputi pa sa aming magkakaibigan.

I remember being irritated with him dahil hindi man lang niya tinutulungan si Czeila sa mga dala nitong makakapal na libro at madalas pa nitong inaasar at tinutukso ang kapatid pagpasok pa lamang ng sasakyan.

Among the four, Kuya Mico was the most approachable. Nakangiti siya lagi sa tuwing nagpapaalam sa amin ni Princess at ipinapatong pa ang dalawang kamay sa ulo naming dalawa.

Mas close si Princess sa mga Kuya ni Czeila dahil madalas siya sa bahay ng mga ito. Hindi ako sumasama dahil mas gusto kong magbasa sa bahay. Nahihiya rin akong magpaalam kay Tita Bridgette na lumabas kaya mas pinipili ko na lang na manatili sa bahay. Hindi na bale kahit naiinis din ako sa presensiya ni Liam. I'd rather deal with only him than interact with four more boys.

Nang tumuntong kami sa kolehiyo, Czeila and Princess decided to take HRM. Dahil hindi ko rin naman alam kung ano'ng gusto ko sa buhay maliban sa pagbabasa, I decided to take the same course.

I grew up having a hard time dealing with people. If I was going to be on the same course as my friends, then there was no need for me to make some new friends. I don't think anyone could handle and understand my attitude better than these two.

Not until I met the youngest of the Suarez boys.

Sa unang araw namin sa unang taon ng kolehiyo ko siya unang nakita. Wala pang prof no'n at natulog muna ako sa pinakahuling row sa likod, at nagkamalay lang nang may naramdamang tumusok sa braso ko.

I thought it was a mosquito at first, so I slapped my arm really hard. And then, I heard my book fall down. Hahayaan ko na lang sana iyon at matutulog na lang ulit ngunit nang may narinig ako ulit na bumagsak, hindi ko na napigilan.

I opened my eyes and saw a blurred image of a boy. Nakayuko siya at tila may pinulot sa sahig. Nang mag-angat siya ng tingin sa akin, nanatiling malabo ang buong mukha niya.

Bumangon ako at umayos ng upo, naniningkit ang mga matang hindi inalis ang tingin sa kanya. Dahil hindi iyon epektibo para makita siya nang malinaw, lumapit pa ako sa kanya para tingnan siya nang mabuti.

I felt him hold his breath. It was obvious because when I sat up straight again, he heaved a sigh.

Kunot-noong hinanap ko ang aking salamin sa aking mesa at nang yumuko ay narinig ko ang pagbagsak niyon sa sahig. Pinulot ko iyon malapit sa upuan ng katabi ko, bahagyang pinunasan at isinuot.

Bumalik agad ang tingin ko sa kanya. "Who are you?"

Karamihan sa amin ay magkaklase na simula pa noong junior at senior high. Siya lang ang bagong mukha sa paningin ko.

He looked foreign. Alam kong pinoy siya pero siguro ay may ibang lahi. He had long hair like those of Asian idols. Walang bahid iyon ng gel at medyo magulo. Parang ginulo niya nga lang at hinayaan lang. Surprisingly, it didn't look bad.

Sa buong klase, si Princess ang pinakamaputi ngunit tinalo niya yata. At dahil maputi, mas nadepina ang makapal na mga kilay niya, mga matang nag-aagaw ang kulay ng abo at itim, matangos na ilong at mapupulang mga labi. Wala rin yata akong makitang pores kahit isa sa buong mukha niya.

Rhyne's Heartbeat (SUAREZ SERIES I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon