Chapter 19
Kitang-kita ko kung paano tila naestatwa si Jed nang marinig ang sinabi ko. Tuluyan na akong napahagulgol at inangat ang mga kamay para takpan ang aking mukha at patigilin ang mga luha.
"Please, Jed. Please... Let's get rid of this baby," pagmamakaawa ko sa kanya.
Nanginginig na ang buong katawan ko sa sobrang pag-iyak. Images of the nightmare that I had last night fully consumed my head. Napailing-iling ako para alisin iyon, tahimik na nagmamakaawang tigilan na ako. Hindi na ako makahinga nang maayos. I was already hyperventilating. My panic attacks were taking over me once again.
Bahagya lang akong natauhan nang hinawakan ni Jed ang magkabilang balikat ko. Naibaba ko ang aking mga kamay at nagmamakaawang tiningnan siya.
His eyes stopped shedding tears, but they got redder than before. Ang matinding sakit na nararamdaman ko ngayon ay nakikita ko sa mga mata niya.
Napalunok siya at napatiim-bagang. "What the fuck are you saying, Rhyne? This... This baby? You want to what?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Sisirain niya tayo, Jed," bigong sabi ko, unti-unti nang nagiging histerikal. "Maniwala ka! Sisirain niya tayo like what I did to my parents! Please, please, Jed. Let's get rid of this baby!"
Napasinghap siya kasabay ng pag-atras nang isang beses. Kita ko kung paano nagtaas-baba ang dibdib niya sa pinipigil na galit. Muling tumulo ang kanyang mga luha at sa pagkakataong iyon, wala nang bahid ng pagpipigil.
Patuloy ako sa pag-iling. "I don't want another monster born and raised in this world!"
"This is our baby, Rhyne!" hindi makapaniwalang sambit niya, bahagya nang tumaas ang boses. "It's not a monster, it's our baby! What the fuck?! Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?!"
He... sounded like my late father.
At dahil doon, mas lalo akong naging determinado sa gusto kong mangyari. Halos lumuhod na ako para lang maintindihan niyang seryoso ako. Halos isigaw ko na ang pagmamakaawa. "I am begging, Jed! Please! Hindi ako nagbibiro! Sisirain tayo ng batang ito!"
"Oh, my God! Kazandra!" someone exclaimed. Kasabay niyon ang pagbagsak ng kung ano.
Nabuhayan ako ng loob nang makita ko si Tita Bridgette sa tapat ng pinto, nanlalaki ang mga matang nakatingin sa amin. Agad akong bumitaw kay Jed at itinuon ang buong atensiyon sa bagong dating, animo'y nakahanap ng kakampi. "Tita, please help me! Please, Tita! Help me get rid of this baby, please... "
Humahangos na nilapitan ako ni Tita at niyakap. "Oh my God, Kazandra! Calm down. Please get a hold of yourself," nag-aalalang sabi niya habang hinahagod ang likod ko.
Napapikit ako sa sobrang sakit at humagulgol sa balikat niya.
"I'm so sorry, Asher. Pero puwede bang iwanan mo na muna kami?"
Hindi ko na alam kung sinagot iyon ni Jed. Natanto ko na lang na umalis na siya dahil narinig ko ang pagsara ng pintuan.
Nagpatuloy si Tita sa pag-alo sa akin. "I don't know what makes you think that way, Kazandra. But if this is about your parents, please don't let your past haunt you in this way. Please, Kazandra..."
Hindi na ako makasagot. Ibinuhos ko ang lahat ng hinanakit na itinago nang ilang taon sa pag-iyak. Dahil sa magkahalong pagod, sakit at sama ng pakiramdam ay nakatulog agad ako pagkatapos niyon.
Dalawang araw na hindi nagpakita si Jed sa akin. Iyon ang unang pagkakataon na tumagal nang ganoon ang hindi niya pagpaparamdam sa akin. At aminado akong isa iyon sa mga dahilan kung bakit matiwasay kong natapos ang natitirang mga araw ng isang linggong leave na ibinigay sa akin ni Liam.

BINABASA MO ANG
Rhyne's Heartbeat (SUAREZ SERIES I)
General FictionSuarez Series I: Rhyne's Heartbeat A book about healing. Asher Jed Nam Suarez, the fourth of five Suarez siblings, is the epitome of warmth and light. While Kazandra May Rhyne Sandoval - his best friend - is darker than dark and colder than cold. Wh...