9th Healed

153 11 3
                                    

I'm got pissed

"Wala akong pakialam kung makulong ako!" Nag echo ang boses ko sa bahay nang makauwi ako. "Tangina! Alam kong gago ako, pero iyong gagawin niya kay Victoria, hindi ko magagawa yon!" Napamura ako ng malutong. "Ako mismo ang bubugbog sa kanya."

Suminghap ang dalawa kong pinsan bago ko kinukwento ang lahat. "Uminahon ka nga, Azi. Hindi mo naman alam ang buong storya. Wag ka muna gumawa ng aksyon dahil hindi mo alam ang buo. Malay mo! Baka nga nagkakatotoo ang sinasabi ni Jason."

"Raf, Hindi ako bingi! Okay sige!" Hinarap ko silang dalawang magkapatid. "Oo na! Alam kong hindi ko alam ang buong storya. Pero yung plano nila na rape ay hindi na biro yon! Sa tingin mo ba kahit sino hindi gagawa ng aksyon sa ganon?" Tumagilid ang ulo ko. "Kung wala mang gagawa ng aksyon lalo nang ganon ang plano. Mas masahol pa sila sa demonyo!"

"Azi, bago ka gumawa ng aksyon. Tignan na muna natin ng maayos. Alam mong din na may relasyon sila ni Josiah. Hindi nga pinapansin ni Victoria." Ani Rafael.

Uminahon ako. Napahawak ako sa batok ko. Ayon nga! Hindi ko alam kung paano ko siya patitigilin. Josiah is a cheater liar. Hindi niya deserve ang lalaking yon!

Mas masahol sa akin yon.

Umupo ako sa harap ng dalawa. "Don't tell anyone about this! Lalo ka na! Damon. Itikom mo ang bibig mo kahit sa mga pinsan natin. Mapababae man o mapalalaki."

Nagtaas siya ng kilay. "Grabe! Ganon na ba ko kadaldal?" Natawa siyang napailing. "Napakaseryoso ng problema mo."

Agad ko siyang sinamaan ng tingin na kinaluwag ng mukha niya. "Okay! Okay! I'm sorry. Sige! Hindi ko sasabihin kahit kanino."

"Hindi biro ang plano nila. Alam mo naman siguro yan?" Suminghap ako para uminahon. "Siguro naman kapag may anak kang babae. Hindi ka papayag na mangyari yon, hindi ba?"

"Grabe ang mga tanong mo, Azrael. Ganon ka na ba talaga ka concern sa kanya?" Ani Rafael sabay lapag ng coke. "Ngayon lang kita nakitang nagkakaganito? Pero bakit ibang iba ata pagdating sa kanya?"

"Baka naman may gusto ka sa kanya."

Napatigil ako.

She kissed me! Ako ang hinalikan niya. Hinding hindi ko kakalimutan yon. Imposibleng walang may gusto sa akin yon. Hindi ko din alam! Iyon din ang na sa isip ko. Ni wala din akong idea kung bakit?

I'm being so possessive to her. O dahil hindi ko gusto ang plano nila. Tumayo si Rafael para kumuha ng makakain sa ref.

"Are you in love with her?" Aniya habang naglalagay ng koko crunch sa bowl. "Kung hindi. Wala ka dapat pakialam sa kanya."

"Raf, kahit naman hindi ako inlove sa kanya. Hindi talaga biro ang plano." Napailing ako. "Kung ayaw niyo kong tulungan. I'll do it by myself."

Nagbalik baliktad na lang ang dalawa at napabuntong hininga. Ilang araw na ang nakalipas simula noong sinabi ko kayla Damon at Rafael ang tungkol kay Victoria ay nilagpasan na lang namin yon.

Habang naglalakad ako kasama ang ilang barkada kong babae. Ihahatid ko si Nikka sa Gym dahil may practice ata sila sa susunod na laban.

Kalaban nila ang Liceo sa susunod na game. May sinasabi sa akin si Nikka pero lipad ang utak ko.

"Uy! Nakikinig ka ba?" Tanong niya nang di ko siya pinapansin.

Tumungo tungo na lang ako kahit wala naman talaga ako na intindihan. "Yeah! Yeah! Maayos naman ang game niyo" Sabi ko habang nakikipagtext sa mga barkada ko.

"Hindi naman yan yung sinasabi ko. Halatang hindi na kikinig. Tinatanong ko kung may jowa ba yung pinsan mo?"

Kumunot ang noo ko. "Who? Sino sa kanila?"

Healed scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon