17th Healed

110 6 0
                                    

Walang laban

Sinulit na naming ang buong araw. Nag aya siya pumunta sa Farm at Zoo ng mga pinsan niya. Pinsan niya daw kasi ang may ari ng Farm, kaya libre na lang din kami. Matirik ang sikat ng araw. Pinagsuot ko siya ng Cap para di siya mainitan. Ayaw niya pang tanggapin dahil gusto niya daw ng mamula na balat. Hinayaan ko na lang din siya. Sumakay kami ng Cart para hindi na din kami maglakad pababa dahil nasa ibaba ng bundok ang Farm and Zoo. Matirik din naman kasi. Hinayaan ko ang gusto niyang gawin habang ako pinagmamasdan ang mga tanawin. Pinagkakabahalahan niya kumuha ng litrato.

Inakbayan ko siya at mas inilapit patungo sa tabi ko. Ngumiti siya, na mas lalo ako na ingganyo. I enjoyed every minute and hour of my life with her. Iba pala kapag totoo ang nararamdaman niyo sa isa't isa. Hindi mo mapipigilang kundi ang ngumiti. Kung ano anong hayop ang pinakita niya sa akin. May mga kabayo, Ostrich, snakes, Monkeys, and etc. Malaki laki din kasi ang Farm at Zoo. May mga nakatanim pa ng kung ano ano, at sa pagkakaalam ko ay supplier ang pinsan niya sa Manila.

"Ang ganda!" Panghihinganyo ni Victoria habang hinihimas ang buhok ng kabayong kulay itim na itim. Totoo namang maganda ang kulay ng kabayo pero bata pa ito at mukhang ilang buwan palang pinanganak.

"Kanino ito, Kuya?" Tanong niya sa trabahador.

Pinapakain niya ng gulay ang kabayo habang nakangiti sa amin.

"Kay Sir. Ian po!"

"Aalisin na siya dito?"

Tumungo ang trabahor tsaka inilapag ang isang basket na puno ng pagkain ng kabayo. "Dadalhin na siya sa Santa. Cecilia ng Cagayan bago sa Santa. Cecilia ng Alegria." Sagot ng trabahador.

Tumungo si Victoria habang na iingganyo sa Kabayo. Parang ngayon niya lang ito nakita dito.

"What is his name?" Sunod na tanong ni Victoria.

"Dakota po!" Sagot nito.

Pagkatapos noon ay hindi ko na na sundan ang usapan nilang dalawa. Biglang tumawag sa akin si Elijah. Nilingon ko si Victoria na kausap ang trabahador. Lumayo layo muna ako ng kaunti para makausap ang nasa cellphone ko.

"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya.

Hindi pa siya nakasagot ng ilang minute ay may naririnig ako na ingay sa kabilang linya.

"Takte, Jos! Really? Tangina! Pumapayag kayong mahalikan si Klare ng ganon? What the fuck, Bro?"

Kumunot ang noo ko. Are they fighting again?

"What's going on?" Medyo nataranta ako ng kaunti. Balak ko na sana ibaba nang marinig ko nag aaway nga sila ni Klare. I heard Klare voice.

"Bakit? Pinapakialaman ba kita sa desisyon mo? Sa lahat ng mga naging babae mo, Elijah? Hindi diba? So, wag mo din akong pakialam sa mga desisyon ko dahil kahit kalian hindi ko pinakailaman kung sino man ang gusto mong makadate. Playboy or not! You're out!"

Hindi ako nakakibo. Hindi ko naman sila maawat kahit tawagan nila ako.

"Who's that?" Napabaling agad ako sa nakataas na kilay ni Victoria sa akin.

Pinatay ko na lang agad ang cellphone. "Ah! Wala! Napindot lang siguro ni Elijah." Ayoko na lang malaman kung ano mang problema nila sa bahay. I don't want to ruin my day.

Tumungo na lang siya. "You want to see the Tigers?"

"Ngumiti ka naman, Love!" Ngumungusong suggest niya. Pinahawak niya sa akin yung pinakamalaking Tigre. Sinabi kong ayokong lumapit dahil baka kainin ako. Tumawa lang siya ng tumawa. Magkatabi kami nung una pero nung pangalawa ay bigla niya kong iniwan.

Healed scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon