This is the final chapter of the story. Maraming salamat sa inyo. Sana marami kayong natutunan sa istoryang ito. Salamat din po sa mga supporta at nag tiyaga na hintayin ang pag update kahit ang bagal ko. Minsan kasi hirap na ko mag isip pero mas pinili kong tapusin. Salamat po!
"Please! Don't leave me. Please! Gumising ka! Kaya mo yan! Please! Don't die, I'm begging you please!" Halos gumaralgal ako habang pabigat ng pabigat ang tinatakbo. Tinutulak na namin si Victoria papasok ng ICU.
Tinignan ko lamang ang katawan niyang puno puno ng dugo.
"Kapit lang! Victoria. Kumapit ka please!" Hinalikan ko ang palad niya. Tinignan ko ang mukha niyang punong puno ng dugo. Walang malay.
"Buksan mo ang pinto!" Sigaw ng isang nurse. "Sir! Dito na lang po kayo!" Hindi ako tuluyan makapasok sa loob dahil hinarang na nila ako.
Sumilip ako sa salamin ay nakita kong pinapalibutan nila ang kama ni Victoria. Nakita ko na lang si Tita Morgan nakatulala sa nangyayari.
"Ang anak ko! Ang anak ko! Victor!" Paulit ulit na sabi ni Tita Morgan habang yakap yakap ng kanyang asawa. Halos mapaluhod ako sa sahig nang habulin nila ang buhay ni Victoria. Baby! Please! Fight!
Napaupo ako. Hinihintay ko kung mahahabol pa ang buhay niya. Pinagdadasal ko na sana mahabol. Pinagdadasal ko ang anak namin.
Napahawak ako sa aking batok. Parang walang wala sa sarili. Hindi ko alam! Para akong na babaliw nito. Dumating ang ilang sugatan na kagagaling sa digmaan. Nasipa ko ng malakas ang dingding. Ilang mura pa ang na sabi ko. "Tangina!"
Nandito ang mga magulang niya. Napatigil kaming lahat nang dumating si Don Dominique. Nakita kong akay akay ng dalawang sundalo at ilang nurse si Ivana na may tama sa balikat at gilid ng tiyan. Nakita ko din na may tama si Ian kasama din ang ilang mga bodyguards nila.
"FASTER! AKI!" Pagmamadali ng isang nurse habang binababa si Don Dominique. Ang daming nagpanic na nurse at naging alarma.
"Where's Ivan?" Tanong ng isang kamag anak ni Victoria na Chinese na chinese. Sa tingin ko ay tatay nila Ian ang hinahanap.
"Kasama ni Ian at Aki!" Tanging sagot ni Lucas habang nagmamadali.
"Laban! Angkong! Lumaban ka!" Nakasama namin ang ilang pamilya ng Ty. Napatigil ako nang makita ko si Hendrix. Panic at nag alala. Lumapit siya sa akin.
"Azi, si Victoria?" Agad niyang tanong. Hindi ako makasagot.
"N-Nasa ICU na."
Narinig ko siyang nagmura. Di na din ako magtataka dahil kahit ako natataranta. Masyado mabilis ang pangyayari.
"Si Angkong?" Tanong niya ulit.
"Nasa ICU din." Tanging sagot ko.
"PUCHA!" Napahawak siya sa kanyang batok at parang di din alam ang gagawin. "Tangina talaga!"
"Bakit ka nandito?"
Parehas kaming hingal at galit. Takot. "Inatake din si Ahma. Masyadong tumaas ang temperature. Kaya agad din kami nagpanic."
"AZRAEL!" Nabigla ako nang dumating ang magulang ko. Agad silang lumapit. Niyakap ako ni Mama.
"LET'S GO! Umuwi na tayo!" Aniya sabay hila.
"Ma! Ayoko!" Umiling ako. "Mauna na kayo!"
Sunod sunod na umiling si Mama at nagpapanic. SumunS
"Pa!-" Hindi natuloy ang sasabihin ko nang makita ni Mama si Tito Victor. Nagulat ako nang bigla itong sumugod at sinampal ng malakas.
"KASALANAN NIYO ITO!" Sigaw niya kaya napa sa amin ang atensyon ng lahat. Napahawak si Tita Morgan sa braso ni Tito Victor. Inawat ko si Mama ng ilang beses at hinahatak palayo sa kanila pero di siya nakinig.
BINABASA MO ANG
Healed scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 3)
Fiksi PenggemarAzrael Montefalco Point of view. Ang daming kong sakripisyong hinarap para lang makuha siya. Ilang beses niya akong tinulak pero kahit kailan ay hindi ako sumuko. Kahit masakit sa damdamin ko ay hindi ako bumitaw. Naiintindihan ko ang lahat kung bak...