13th Behind

130 8 0
                                    

Leave him

2 weeks ago

Bibili sana kami para may pulutan kami mamaya sa bahay. Nag aya kasi sila mag inuman sa bahay. Kakauwi ko lang galing gym. Pero imbis na maka andar kami. May isang babaeng nakatayo sa may bandang poste ng hotel ng Limketkai. Ilang beses siyang tumitingala. She's look upset and lost. Nakayakap siya sa kanyang sarili at ilang beses niyang tinitignan ang kanyang cellphone. Mukhang may hinihintay na text.

Nanliit ang mga mata nang pagmasdan ko kung sino siya. Nang maagilap ko dahil na din sa liwanag ng ilaw. I saw her standing alone. Ni hindi ako tumingin sa ibang direksyon kundi sa kanya lang. Anong ginagawa niya mag isa? It's already dark.

"Kuya, parada mo doon sandali sa tapat ng Limketkai." Kasama ko ang ilang pinsan ko. Katabi ko si Elijah sa kaliwa ko at nasa bandang bintana ako.

"Bakit?" Pagtataka niyang tanong.

Nagbalikbaliktad ako. "Basta!"

"May gusto yang titigan doon!" Tawa ni Josiah. Tumayo si Damon mula sa pagkakahiga at tinanggal niya ang kanyang Headsets. Lumingon siya sa bintana. Nanliit ang kanyang mata para pagmasdan kung sino hinahanap ko.

"Ahh! Yung ex mo lang naman gustong titigan ni Azi." Humighik si Damon sa kanya. Kahit madilim ay kita ko ang pagdismaya ni Josiah. Dumungaw rin sa bintana si Josiah.

"Loves mo, Jos!" Pang asar naman ni Elijah.

"Pinopormahan mo yan?" Tanong ni Rafael na kumakain ng piknik sa tabi ni Josiah.

Hindi kasi tinanggap ng pamilya ni Victoria si Josiah. He likes her too! Kaso hindi nga lang nag click. Nagbreak din sila dahil doon. Alam ko sa una palang di na uubra yon. Half chinese si Victoria.
Her family was extremely powerful and wealthy.

Pero balita ko kay bagong pinipormahan si Josiah.

Lower level ata.

Pumarada ng sandali sa Limketkai si Kuya Knoxx. Nakatingin siya sa kotse namin. Pinagmamasdan kung kaninong kotse ang huminto. Hindi na ko mapakali ay gulat siya nang buksan ko ang bintana.
Nagulat siya at napatigil sa pagtetext. She's bloodshot and cold.

Gulat na lang din ako na umiiyak siya, na hindi nalalaman ang dahilan.

"Bakit ka umiiyak?"

Hindi pa siya nakakibo pero ilang sandali pa ay nagsalita siya. "W-wala" Pinunasan niya ang kanyang luha. "Pagod lang."

Lumingon lingon ako sa paligid. "Nasaan si Jason? Bakit iniwan ka magisa dito?"

"Umuwi na siya dahil may emergency lang" She said.

I got pissed. Really? Iniwan niya si Victoria mag isa dito? Paano kung marape siya dito? This is was stupid! Bakit hindi niya na lang sinama? Hindi yung pinabayaan siya dito.

"Bakit ka niya iniwan mag isa lalo nang emergency yon at dapat sinama ka." Pagdidismaya ko. "Alam niyang ikaw ang kasama niya. Pinabayaan ka lang niyang magisa." Napailing ako. "Bakit mo hinayaan ng ganon?"

Napayuko na lang siya at natahimik. Fuck him! Masusuntok ko talaga siya nang wala sa oras na makita ko siya. "Okay! Do you have a car?"

Healed scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon