Walang label
"Why?" Hinarap ako ni Nikka. "Bakit mo na tanong sa akin kung break na sila?" Taas kilay niyang tanong nang mag usap kami dito sa locker ng gymnasuim.
Wala si Victoria ngayon dahil na ulit kami nakapag usap pang muli. Siguro mga tatlong linggo na, kaya madalas kong kasama si Nikka. Sinara niya ng padabog ang pinto ng locker niya. Nakasandal lang ako habang hinihintay siya. Inayos niya ang socks ng kanyang sapatos. May laro ata sila ngayon.
"Wala na ko masyadong balita kay Victoria, Azrael." Aniya pagkatapos ay sinara niya ang pinto ng locker. Inilagay niya sa kanyang balikat ang kanyang Juma bag.
"Hindi ba lagi kayo magkasama?" Tanong ko.
Hindi siya makangiti at mukhang suplada ngayon. Naglagay siya ng baby colone sa kanyang katawan.
"Bakit hindi mo siya tawagan para di na ko maistorbo mo?" Aniya.
Kumunot ang noo ko sa asta niya. I sighed. Ang hirap talaga intindihin ng mga babae. Hindi ko alam kung ano ba problema niya o may regla lang siya?
Umupo ako at hinarap ko siya. Pinunasan ko ang aking pawis na palad sa pantalon. Naka fully bangs siya, na siyang gumugulo sa kanyang noo at seryoso siyang nag aayos. Pareho lang sila ni Victoria. But Victoria was more prettier.
"Sungit mo naman." Mahinahon kong sinabi.
Tumayo siya ng maayos.
"Azrael, you're a playboy right? Bakit kaibigan ko ang gusto mong pormahan?"
I smirk. "Hindi ko pinopormahan ang kaibigan mo, Nikka. Gusto ko lang malaman kung sila pa ba?"
I heard she sighed. Kanina pa ko nangungulit sa kanya dahil sila madalas magkasama.
"Yes!" Iritado niyang sagot. "Pero hindi siya nagkwekwento sa'kin." Iritado niya kong hinarap at tinaasan ng kilay. "There! I said it! Masaya ka na ba?"
"Not satisfy, Nikka," I said. "Salamat na lang!"
Tumalikod na ko at humakbang na pala, pero nang nakalayo na ko ay tinawag niya ko ulit.
"Azrael..."
"Hmmm..." I raised my eyebrows and faced her.
She bit her lower lip as if it were just normal. "Wag kang masyadong lalapit sa kanya."
Hindi ko alam kung ano gusto niya iparating. Ano?
"Bakit?" Pagtataka ko.
"Magulo ang pamilya niya. Hindi ako naninira. Ayoko din naman na madamay ka sa gulo ng buhay niya." She said.
Nagpamulsa ako pero gulong gulo ang isip ko. I know Victoria have a personal problem, na hindi niya din sinasabi sa akin. Alam ko yon, at na iintindihan ko naman yon. Nandito lang naman ako para alagaan siya at bantayan.
"Ano ba nalalaman mo, Nikka? Alam ko hindi niya ko idadamay sa lahat. I know her."
She smiled sarcastically. Tumingala siya at napasapo siya ng noo. "Really, a playboy like you doesn't deserve a person like her, Azi. Victoria was already engaged, simula palang pagkabata ay nakaplano na siya. Mayaman sila, sa tingin mo ba tatanggapin ka nila?"
Natahimik ako pero na dismaya ako sa sinabi niya. Alam ko at hindi ako bobo sa problemang yon. Kahit siguro paghiwalayin sila ay hindi ako tatanggapin ng pamilya niya dahil may lahi silang chinese. Mayaman ang pamilya nila at pangatlo sila sa pinakamayayaman dito sa pilipinas. Lumapit siya sa akin habang pinaglalaruan ang buhok niya. She looked at me head to foot.
BINABASA MO ANG
Healed scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 3)
FanfictionAzrael Montefalco Point of view. Ang daming kong sakripisyong hinarap para lang makuha siya. Ilang beses niya akong tinulak pero kahit kailan ay hindi ako sumuko. Kahit masakit sa damdamin ko ay hindi ako bumitaw. Naiintindihan ko ang lahat kung bak...