20th Healed

134 8 0
                                    

Break up

"May handa si Papa?" Tanong ko kay Mama habang nag aayos ng papeles sa office niya. May isinusulat siya sa type writer bago ayusin ang salamin niya na nakakatanda sa kanya.

"Hindi ko pa alam kung ano ba balak ng Daddy mo?" She answered. "Why?"

"None! I just heard so many rumors. Mag hahanda daw."

"Maybe! Balak palang naman." She said. Tumungo ako tsaka lumabas na lang ng office. I called Jos, hindi kami masyadong nakikita ni Elijah dahil hindi ko malaman kung bakit?

"Sasama ka?" Tanong ni Kuya Knoxx nang magkayayaan na pumunta sa Tinago falls. Nagbuhat ako ng ilang gamit para sa mga Rancho ng mga Dela merced.

"Wala na ba ipapautos si Kuya Maximo?"

Nagbalik baliktad siya. "Wala naman na siguro."

Tumungo tungo ako. "Pupunta kami doon? Ano? Sama ka?"

Nagisip pa ko kung sasama ba ko o hindi. Marami din kasi akong gagawin. Nang hindi ako makasagot ay napansin niya siguro kung ano ibig kong sabihin.

"Wala sila doon, tayo lang."

"I didn't say anything, Kuya."

He smirked. "Did I mention someone?"

Ngumuso ako at umiling.

"Malay mo nandoon."

"Tumigil ka nga!" Sensyas ko na kinatawa niya.

"Miss mo na ba?"

"Ina mo!"

Tumawa siya ng malakas na pang asar. "She's not there. Kahit nandoon ka ay hindi ka niya kakausapin. Ang masaklap pa ay na dimanda ka."

Hindi na ko kumibo kesa makipag debate pa. I don't like to have anger issue. Iniiwasan ko yon at ayoko ulit mawala sa sarili dahil ayoko talaga ang pakiramdam ng masaktan. Dumating si Entice galing sa labas. They are already married. Siguro mag iisang taon na.

I'm still asking myself. Kailan ba ko magiging okay at maibabalik sa normal? Bakit ko hinahayaan ang sarili ko maghabol sa taong halos dalawang beses akong iniwan sa ere at ganito ang binabato sa akin?

Bakit?

Is this the problem with me? Kapag ako na in love ay halos magpakamatay ako sa kakahabol sa taong hindi naman alam ang worth ko?

Aminado naman ako na babaero ako at marami akong nasaktan na babae. Minsan na iisip ko, karma na ba ito?

Sana normal ako. I mean, Normal ako, Oo. Pero yung nararamdaman ko ay hindi na normal. Ano ba meron sa kanya, na wala sa iba? Pwede ko naman siyang palitan kung kailan ko gusto, hindi ba?

I can fuck any woman I want. Isa, dalawa o tatlong mga babae, kaya ko. Forget about her, and move on. Pero bakit hindi ko man lang magawa? Sa tuwing makikipagtalik na lang ako sa mga babae ay siya at siya ang nakikita ko. Oo, sinubukan ko magbayad ng babae. Everytime I kissed someone, all I can think is her lips. Her angelic face and every touch of my skin is her.

Ganon na ba ko kabaliw? Ganon na ba ko possessive?

Napapikit ako ng mariin habang nag iisip. I can imagine, this girl changed my life. My whole life, I never experience this kind of pain and happiness. Halo halo ang lahat ng emosyon ko. She left because we both lost and hopeless. I was happy to see her having a peace of mind. Unti unti na din ako nakakarecover. Masaya ako na nasasaktan.

I chuckled every time I remember all of the memories. Nababaliw na ata ako. Pumayag na lang din ako na sumama sa kanya sa Tinago falls. And I saw her again. My heart was pounding so fast while looking at her smiling with her new friends. Nakikipag harutan siya sa mga kaibigan niya. Ang sarap sa tenga na marinig ang mga tawa niya, makita siyang masaya.

Healed scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon