Chapter TwoMaugong na naman ang usapan dahil sa isang patayang naganap malapit sa eskwelahan namin. Wala naman akong paki-alam don kaya hindi ko na pinagpapapansin.
" Nakakatakot na dito sa lugar natin no? Una yung mga cheerleading squad na nawawala tapos may patayan naman diyan sa may tapat!" Bulungan nung dalawa sa may gilid ko.
Kasalukuyan nasa bench ako noon at ginagawa ang ipapasang project kinabukasan ng hapon. Wala din naman akong ginagawa kaya ngayon ko na natripan.
" Oo nga eh! Transfer na kaya tayo sa kabilang baryo?" Patuloy na usapan nung dalawa.
Habang naglalagay ng design ay narinig ko ang usapan nung dalawa na pumukaw sa atensyon ko.
" Uyyy ghorl samahan mo ako sa bahay mamaya! Wala sila mama at papa eh!" Sabi nung unang nagsalita kanina. Napatigil ako sa pag gawa ng project at nakinig sa usapan nila.
" Sakto wala din ang parents ko mamaya! A-attend sila ng birthday party!" Tumayo na ang mga ito at umalis na.
Napangiti naman ako sa usapan nilang iyon. At pinagpatuloy na ang ginagawa ko ng may ngiti sa labi.
...............
" Hoyy! Veri! Kain kana!" Hindi na ako nagulat na ganyan ang pakikitungo sa akin ni ate. May dala-dala itong tray na may laman na pagkain.
' oo tama kayo ng basa! Si ate nga!
Nasa bahay ako ngayon at itinutuloy ko yung project para malaya kong gawin ang mga gusto kong gawin.
" Anong ginagawa mo? Project? Gusto mo tulungan kita?" Biglang singit niya habang inaasikaso ang mga plato at pinag hahain niya ako.
Malamang na maging mabait siya sa akin ngayon dahil binigyan ko siya ng pera nung isang araw at may kasama pang supot ng karne na lutuin pa.
Lumapit na ako sa kanya at kinain yung lahat ng dala niya para wala siyang reklamo.
Matapos kumain ay si ate na din ang nagligpit ng kinainan ko. Ako naman ay bumalik na sa ginagawa ko na malapit ng matapos. Si ate naman di ko na namalayan na lumabas ng bahay ko.
Saktong alas otso y media ay natapos ako. Agad akong nag ligpit at naligo.
May balak akong puntahan ngayon.Naglalakad ako sa may madilim na kalsada. Binabagtas ang isang daan patungo sa nais kong puntahan.
Ramdam ko na kumakalam na naman ang sikmura ko. Kaya nais ko itong lamnan.
Ilang oras pa ay narating ko na ang isang bahay. Naabutan ko pa ang kotse na kakaalis lamang. Dumako ito sa kaliwang bahagi ng kalsada, samantalang ako'y nasa kasalungat na bahagi nito. At nasisiguro kong hindi ako nakita ng kung sino na nasa sasakyan.
Lumapit ako sa may pintuan ng bahay. Pinihit ko ang seradura ng pinto nito.
' hindi naka lock!'
Sumilip muna ako bago pumasok. Walang tao sa salas. Kaya dumeretso lang ako sa pagpasok.
" Bes, start na !"
Agad akong kumubli sa isang malaking vase na malapit sa hagdan. Agad naman lumapit ang babaeng tinawag nito at naghalikan sila sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Luscious Flesh ( Completed )
Mystery / ThrillerNaranasan mo na ba ang masaktan? Yung tipong iiyak ka ngayon tapos iiyak ka pa rin mamaya pag naalala mo. Yung tipong Itutulog mo na lang kesa isipin mo. Tipong mananakit ang dibdib mo sa sakit. Sawa kana ba? Ayaw mo na? Halika rito, tutulungan kita...