Chapter Three

11 3 0
                                    


Chapter Three

Umuwi na ako sa bahay matapos ang ginawa ko. Maayos na ako sa ganon.

" Andito kana! Uyy kain ka!" ani ni Anna.


Dali-daling lumapit ako sa kanya at dumulog. Kagaya ng sinabi nya ay kumain na daw.

" Anna, punta tayo mamaya sa may ilog!" Napalingon naman ito sakin. Nagugulat at nanlalaki ang mata.

" Ano namang gagawin natin don?" Tanong niya sa akin.

" Secret!" Natapos na kami sa pag kain.

Kagaya ng sinabi ko pumunta kami sa ilog noong mag gabi.

Rinig ang lagaslas ng tubig ng kami ay makarating sa bukana ng ilog. Siya naman agad talon ni Anna sa tubig. Isa-isang inihagis nito ang mga kadamitan nito sa akin. Sa bawat salo ko noon ay siyang tinatapon ko naman sa malalim na parte ng tubig.

' inaalis niya ang sagabal! Magaling!'

Lumusong na ako sa tubig. Kinapa ko ang kutsilyo sa likod ng pantalon na suot ko.

Lumapit siya sa akin at yumakap. " Gusto kong makarating sa langit! Dalhin mo ako doon" Bulong sa akin ni Anna. Napangiti ako sinabi niya.

' ayos ah? Handa na siyang mamatay! Hindi ko lang alam kung sa langit ang punta nito!'

Hinawakan ko siya sa buhok at mukhang ayos lang sa kanya. Hinaltak ko buhok niya, sabay labas ng kutsilyo galing sa likod at ginilitan ko ito.

" Ackkk... Ackkkkkk!" Lumabas ang masaganang dugo sa leeg. Nangisay ito at kumawala sa akin.

Hindi ko siya pinagbigyan at sinunggaban ko ang leeg niya. Naamoy ko ang sariwa at masagana nitong dugo.

Walang pag dadalawang isip na sinipsip ko ang dugo nito hanggang sa wala ng matira.

' eto yung masarap! Eto yung langit!'

Nang wala na akong makuha sa kanya. Hinila ko ang katawan niya sa may malalim na parte ng tubig. Ang ilog ay makipot lamang. Sa kabilang gilid nito ay pader na malawak, makapal at malaki. Sa pader nito doon ay merong sekretong daan papunta sa isang kweba. Walang napunta sa lugar na malalim na iyon dahil ang sabi-sabi ay may kung anong hayop daw ang nandoon at kumakain ng tao, dahil sa mga damit na naglutang sa malapit na parte noon.

Ang pader ay nagmistulang nakakatakot. Bukod sa puro lumot ay naglawit ang mga baging na may mga makakapal na dahon. Kung pagmamasdan mo ay parang gumagawid lamang ito sa may pader.

Nang makalapit ako sa may pader na iyon, doon ko siya unti-unti tinulak papasok. Mali ang hinala na pader iyon, dahil ang pader na nasabi ay isang pintuan. Pintuang bato.

Nang maitulak ko ito ay agad akong pumasok. Bitbit ang walang buhay na katawan ni Anna.

Sa likod ng pinto ay nandoon naman ang isang malawak at malalim na tubig. Ito marahil ay napasukan ng tubig ilog noong panahon.

Nasabi na may pinagtataguan ng mga rebelde noon dito sa ilog, na hindi matukoy. May nakapag sabi din na may lihim na lugar na pinagtataguan ng kayaman ang mga kastila noong unang panahon. At maaaring isa ito sa tinutukoy ng mga matatanda.

Lumusong ako sa tubig. Ramdam ko ang lamig nito na waring napakatagal talagang nanatili ng tubig na iyon sa lugar. Lampas sa dalawang tao ang lalim nito.

Sa may gilid may itinali na akong lubid na magdudugtong sa kabila. Doon ay kumapit ako para madali para sa akin ang makarating sa kabila.

Nasa bukana palang ako ng kweba rinig ko na ang daing ng mga tao doon. Dahan-dahan kong hinila ang katawan ni Anna papasok. Magaan naman siya, palibhasa ay maliit tsaka medyo payat.



Luscious Flesh ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon