Chapter Four

8 2 0
                                    


Chapter Four

Nakakainip na maghintay dito sa may shed. Bale nandito ako kasi may kukuha ng project sakin.

" Oh hi! Veri?" Sarkastikong sabi nito. Siya si Bryan, member siya ng Banda sa school. Bully ang isang iyan. Biktima na din niya ako noon.

Iniabot ko sa kanya ang papel na naglalaman ng projects niya. Nakangiting inabot niya ito. Binuksan at binasa basa pa.

" Bryan!" Pang aagaw ko ng pansin niya. " May gagawin ka?" Tanong ko agad sa kanya.

" Wala, bakit?" Inilagay nito ang project sa bag niya. At humarap sa akin.

Inilahad ko ang kamay ko sa kanya.
" Sumama ka sa akin!" aya ko dito.

Nakakunot noo na tiningnan niya ako, waring nag tataka sa inasta ko.
" saan?"

" Kung saan mararating ko ang langit!" Kinindatan ko ito.

" Pinagpapantasyahan mo pala ako?" Nakakaloko na sabi nito.

Kung hindi lamang ako nagtitimpi ay malamang ginilitan ko na ito dito. Pero hindi pwede, dahil may balak pa ako.




Walang sabi-sabing hinigit ko ito. Marahil ay payag siya sa pagsama sa akin ng walang pag aalinlangan. Umakbay pa ito sa akin habang ang isang kamay kung saan napupunta.

Madilim sa parteng iyon ng lugar. Kaya kung gagawa man ako ng isang kasiyahan walang makakakita. Sa pagbaybay ng daan ay inilihis ko ang lugar namin sa gubat.


" Ayos ah? Maganda to! May thrill!" Nginitian ko lamang siya at hinila malapit sa may bangin.

Doon ay masisilip ang ilog sa pag sulyap lamang. Sa lakas ng lagaslas ng tubig kahit ang sigaw ng taong kasama ko ngayon ay hindi maririnig ng kahit sino.




Naroon na kami sa gitna at humarap ako kay Bryan. " Sobrang dilim naman dito! Pero ok lang, mas may thrill!" Narinig ko pa ang mahinang pag tawa nito.


Naramdaman ko ang paglapit at pag hawak niya sa akin. Sa paglapit niyang iyon ay tinulak ko siya.
"Niloloko mo ba ako huh?" Galit na sambit nito.


Agad itong sumugod sa kinatatayuan ko ngunit siyang iwas ko naman. Na naging dahilan para mahulog siya sa patibong ko.

Sa pagtapak niya sa kinatatayuan ko kanina siyang bulusok niya paibaba papuntang kweba. Hindi na ito nakasigaw sa bilis ng pangyayari at nakita ko pang duguan itong bumagsak sa loob.

Hinila ko ang makapal na tabla na nilagay ko sa may gilid ng puno. Tinakpan ko ang butas upang walang makaalam na may sekretong lugar doon. Tunabunan ko ito ng mga tulong dahon hanggang sa mag mistulang naging simpleng masukal na daan na lamang.



Mula sa taas ay tinalon ko ang bangin na may isang building ang taas. Sa pagbagsak ko ay tubig ang sumalo sa akin. Umabot naman ang lalim nito sa mga tatlong tayong jeep ang haba.

Sa pagbulusok ko ay agad akong lumangoy papunta sa isa pang daan patungo sa kweba. Iba ito sa nauna. Ang butas na ito ay natatakluban ng dalawang malaking bato.

Luscious Flesh ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon