Chapter Eight

9 2 0
                                    

Chapter Eight

Umalis ako at nagtungo sa likod bahay kung saan nanggagaling ang ingay.

Agad akong tumakbo sa pinanggalingan noon. At doon nakita ko ang isang magkasintahan na naipit ng clamp at nakasabit naman ang isa.

" Outsiders?"

" Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh... Ang paa ko! Tulong!!!" Sigaw nung lalake. Bumaon na ang bakal sa paa nito. Umaagos na ang dugo.

' Sayang!'

" Pasensya na kayo!"

" Ano ba miss baka naman pwede mo na akong ibaba dito para matuloy  na namin ng boyfriend ko yung ginagawa namin!" Singhal niya sa akin.

...

Sadyang maigsi ang pisi ko. Ini-spin ko siya ng kutsilyo. Tarak sa mata nito ang isang kutsilyo. Umulit ako isa pa at sa puso na ito tinamaan.

" Hhaaaaahhhhh!!! Hahhhh!!!! Ahhhhhh!" Sigaw nung lalake na naka clamp ang paa. Tumayo ako sa tapat na pinagdadaluyan ng dugo .

Ngumanga ako para masambot ko lahat. Parang naligo na din ako sa sobrang daming umagos.

" Haahhh baliw ka!!! Pakawalan mo ako! Hayop ka!" Sigaw nung lalake.

Kinuha ko ang kutsilyo sa likod ng suot kong pantalon at ini-spin ko siya sa ulo ng tumahimik.

" Tulungan na kita? Oh kaya mo na?"

" Ano pang silbi mo sa buhay ko Ron kung hindi mo ako tutulungan?" Ngumisi siya sa akin at lumapit.

.................

Nasa hapag kami ng magkwentuhan kami sa buhay ng isa't isa. Si Ron ayon sa kanya, angkan daw sila ng mga baliw. Nasa lahi na nila at dugo.

' Baliw ba ako?'

Hindi ko naman ginusto ang ganitong buhay. Pero wala naman akong nagawa dahil nakatikim na ako noon.

" Ikaw anong kwento mo? "

" Lima kami sa pamilya. Si Nanay, Si tatay at yung dalawa kong kapatid!" Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy.

Naalala ko ang mga panahon na maayos ang takbo ng pamilya namin.   Si Nanay inaasikaso kami. Si Tatay malambing naman sa amin kapag nauwi.

Sa lumipas na panahon ganoon pa din, ngunit isang araw nag bago ang lahat. Natutong magsugal si tatay. Natuto ding uminom.

Laging galit kapag nauwi at sinasaktan kami. Umabot sa punto na napatay niya si Nanay. At doon ay mukhang natauhan siya. Sa halip na humingi ng tawad sa ginawang kasalanan. Kinulong niya kaming tatlo sa kulungan ng mga manok. Matapos ay nilisan niya ang lugar.

Isang araw ang lumipas at gutom ang inabot namin ng mga kapatid ko. Ako ang panganay sa amin. Sinabi ko sa kanila na antayin na lang namin si tatay pero hindi siya dumating.


" Ate gutom na ako!" Sabi ng sumunod sa akin. Siya Verlinda, nasa sampung taon na siya.

Nakita ko ang mga mukha ng kapatid ko. Pareho na silang nanghihina. Tiningnan ko naman si Vermosa, ang bunso.

Lumapit ako dito at sinakal ito. Unti-unti ay nawalan ito ng hininga. Naiiyak ako sa sinapit naming tatlo. Bakit kailangan magkaganito.

' mas mabuti na ang paslangin ko siya kesa maghirap pa ng matagal!'

Luscious Flesh ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon