Chapter Five

9 2 0
                                    


Chapter Five

Nitong mga nakaraang araw ay napupuna ko na parang sinusundan ako ni Ron. Ipinagsawalang bahala ko lang ito. Dahil nawawala naman ang presensya niya pag nakakarating na ako sa bahay.

' anong plano niya?'

" Hoyyy! Veri! Pahinging pera! Mag susugal ako!" Inabutan ko naman ito ng limang libong piso. Nakangiting umalis ito.

Nagtataka siguro kayo kung saan galing ang pera ko. Lahat ng pera at karne na ibinibigay ko sa ate ko ay galing sa langit.

Napapailing na lang ako sa naiisip ko. ' ano kaya kung si Ron naman? Tutal sayang daw at hindi ko siya matitikman!'

Nagpalit ako ng damit at ngayon ko gagawin ang pananakot pa lang.

Ngayon ay naglalakad ako sa kadiliman ng may biglang may humatak sa akin.

" Mambibiktima kana naman?" Galit na sabi sa akin ni Ron. " Ano ka? Aswang? O cannibal?" Muling tanong pa niya.

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin. At masamang tiningnan. " Pinagbibintangan mo ba ako?"
Tanong ko sa kanya

"Oo!" Madiing sabi nito.

" Tsss! May pera ka?" Pag iiba ko ng usapan. Alam ko naman na magtataka siya sa tanong ko.

" Holdaper ka? Magnanakaw? Iyon ang pakay mo!" Sunod-sunod na sabi nito.

" Trabaho ko yon! Sa club!" Pagsisinungaling ko. Hindi ko pwedeng sabihin ang sekreto ko sa kanya. Hindi ko napaghandaan ang lugar na ito. Hundi ko kabisado, pero ang alam ko lang ay may nga matataas na pader at may mga di alambreng bakod sa loob ng kagubatan na iyon.

" Prosti ka?!" Sigaw nito.

" Bakit? May angal ka? Ikaw ba nagpapakain sakin? Alis nga! Nabulilyaso na lakad ko! " Tinulak ko siya palayo. Kailangan kong mag tiis dahil may plano ako sa kanya.

Kailangan ko pa siyang itulak dahil parang gusto ko ng kagatin ang labi niya. Dahil pakiramdam ko iba ang lasa non. Na iba ang pagkakahubog sa labi niya, iba ang hugis. Manipis na mapula-pula.

" B- bakit ka nakatingin sa labi ko?" Agad nitong tinakpan ang labi niya.

Lumakad na ako palapit muli sa kalsada. Walang lingong likod na muling tinahak ang daan pauwi.

Hindi naman na kailangan na pumaslang ako ngayon, dahil madami pang stock sakin.

...................

Kinabukasan ay pumasok ako sa school. Maugong pa din ang usapan na ang madaming nawawala. Madaming natatagpuang patay. Pero patay malisya lang ako sa nangyayari.

Sa paglipas din ng araw ay lagi ding nasa tabi ko si Ron. Alam kong may balak siya pero hindi pinapahalata na alam ko ang balak niya. Sa araw na dadating ang balak niya ay dadalhin ko siya sa langit.

" May ipagtatapat ako sayo!" Kasalukuyan na nakaupo kami sa bench ni Ron. Oo, kasama ko siya.

" Ano?" Walang paki-alam na sagot ko.

Luscious Flesh ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon