Chapter Six

10 2 0
                                    


Chapter Six

Konti na lang at nawawalan na ako ng stock ng pagkain. Ngayon ay kailangan kong lamanan ang aking kulungan. Sa dalawang araw kong nanatili sa loob ay nawala na si Mia sa mundo. Tanging si Rizza na lamang ang natitira. Masyadong payat si Rizza. Hindi pa pwede.

Kasalukuyan akong nasa palengke ngayon. Ibibili ko ng masarap na ulam si Rizza at para naman mataba-taba ang kakatayin ko sa susunod.

Bumili ako ng gulay, hotdog, at bigas. Bumili din ako ng mga de lata na pagkain, mga tinapay at kung ano-ano pa.

Sa paglalakad ko ay nakita ko ang tatlong batang kalye. Nilapitan ko sila. Agad naman silang humingi sa akin. Nakangiti ko silang tiningnan.

" Sama kayo sa akin! " Hindi sila umimik at nagkatinginan silang tatlo. " Pag sumama kayo sa akin? Hindi na kayo maghihirap!" Agad silang sumang-ayon na sasama sila saakin ng marinig nila ang mga sinabi ko. Sa ngayon ay tatlo na ang bagong biktima ko.

Gabi na ng makauwi ako kasama ang tatlong bata. Pinatuloy ko sila sa aking bahay.

Matapos non ay lumabas ako sa bahay at pumunta sa ate ko. Nakahanda na ang boses nito sa pag sigaw ngunit hindi nito naituloy. Iniabot ko sa kanya ang sampung libong piso na galing kanina sa mamang pinaslang ko dahil sa kamanyakan. Iyon lang at iniwan ko na ito.

Naabutan ko ang tatlong bata na nakaupo sa hapag. Inabutan ko sila ng mga pagkain na may pampatulog para isagawa ang pag lilipat mamayang hating-gabi.

Kagaya ng inaasahan ko ay bagsak na ang mga katawan nila. Isa-isa ko silang isinakong tatlo at hinigit pababa sa may ilog.

Nang marating at mapasok ang kweba ay pinasok ko na din sila sa kanilang magiging kulungan. Pinosas ko na din ang mga ito at tinalian ang bibig na nakapalibot sa ulo para hindi sila makasigaw.

Noon din ay nag luto ako para kay Rizza. Binigay ko naman agad matapos maluto. Walang sasabing kinain niya ang hinayin kong gulay at hotdog. Sarap na sarap sa pagkain ito at humingi pa ng ilan pang kanin.
Dahil natutuwa ako ay binigyan ko nga siya.

Iniwan ko na sila at umuwi sa aking bahay. Hindi ako pwedeng tumulog doon dahil may pasok ako bukas.

.......................

" Dito! Dito ko ho nakita na dinala ang tatlong bata!"

Nagising ako sa ingay sa labas. Lumabas naman agad ako para malaman kung anong kaguluhan ang meron sa labas.

Nakita ko ang isang ale na itinuturo ang bahay ko.

" Ikaw!" Sigaw sa akin nung ale. " San mo dinala ang mga bata? " dugtong na tanong pa niya.

Hindi naman ako sumagot. Bukod sa walang dapat makaalam ay wala akong paki-alam.

" Hoy!! Aling duleng! Anong chismis na naman ang dala mo ha?" Sigaw ni ate sa may taas ng terasa sa kanilang bahay. " Agang-aga nambubulahaw ka!"

" Yang babaeng yan! Nakita ko na dinala dito yung tatlong bata dito kagabi!" Pagdidiin na sabi nito at humarap pa sa mga tanod na kasama at sa mga kapit-bahay na usisero't usisera.

" Ay sows! Sala nga ang paningin mo eh! Edi malamang sala din yang mga chismis mo!" Muling sigaw ni ate. Maya-maya lang ay nawala ito sa terasa at mukhang bababa ito.

Luscious Flesh ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon