Chapter One

20 4 0
                                    

Chapter One

Gabi noon at sobrang dilim ng paligid. Hindi ko alam kung nasaan ako. Ang alam ko lang ay may humahabol sa akin. Naglalakad ako at biglang tumakbo hanggang sa mahulog sa isang butas.

Napamulat ako. ' panaginip?'

" Gising kana pala? Halika at kakain na!" Nagulantang ako sa boses na iyon.

' nananaginip ba ako kanina? Diba Gabi kanina pero ngayon......?'

Tiningnan ko ang higaan. Papag nga iyon. At lapas ako sa higaan.


" Ano ang iyong pangalan hija? Taga saan ka?" Tanong nung matanda.

Lumingap ako sa paligid at wala akong makitang kalsada sa labas. Puro puno.

" Hija! Taga saan ka? Bakit nakita kita kagabi na tumatakbo sa gitna ng gubat?" Napabaling ako ng tingin.

Puno ng pagtataka ang aking isipan kung bakit ako nasa lugar na iyon. Kung ano ang sinasabi ng matandang babae.

" Hija ano ang nangyari sayo kagabi?" Tumungo ako ng hindi ko mahagilap ang sasabihin ko sa matandang babae.

' sino ba ako? Anong pangalan? Taga saan?'

" Sige na wag mo ng pagkaisipin, kumain kana lamang!" Iniabot niya sa akin ang isang mangkok.

Laman noon ay lugaw. Agad kong kinuha iyon. Ramdam ko sa akin ang gutom. Tinikman ko ito.

' masarap!'

Sumubo ulit ako ng ilan pang kutsara ngunit hindi tinanggap ng sikmura ko ang pagkain at isinuka ko ito sa bintana.

" Nakuuuuu!!! Baka hindi ka hiyang sa lugaw! Wag kang mag alala magpapapatay ako ng manok mamaya!" Bulalas ng matanda. Agad itong lumabas at mukhang kukuha ng tubig.

Gutom ako, ramdam ko iyon. Ngunit bakit iba ang hinahanap-hanap ko.

" Hija ito ang tubig inumin mo! Mineral naman yan kaya siguradong hindi sasakit ang sikmura mo" inilapag nito ang baso ng tubig sa lamesa sa gilid ng higaan at umalis na ito.

' ano ito? Bakit ako nandito? Anong nangyari?'

.......................

" Veri!!"

Lumapit sa akin ang isang grupo ng mga kababaihan. Hinigit nila ako sa isang kwarto na walang laman kundi ang mga sirang upuan.

" Now Veri! Igawa mo ako ng project, pasahan na bukas at ayaw kong malate ng pasa!" With that umalis na ito. Naiwan ako sa kwartong iyon.

Akmang aalis na ako ng lumabas ang isang tao sa likod ng pinto.

" Hi Veri!" Ngumisi naman ito ng katakot-takot.

Siya si Ron. Siga siya dito sa school. Kinatatakutan ng lahat.

" Sayang! Dapat hindi ka sumang-ayon eh! Para matikman mo naman ako!" Ngumisi pa ito ng nakakaloko bago lumabas.

' Matitikman? bago yon? Sa langit ka makakarating! O pwede ding sa impyerno! '

Bulong ng isip ko at kusa akong ngumisi sa naisip ko.

Tiningnan ko ang project ni Riza. Ang leader ng cheering squad. Hindi ko naman gagawin ang project na iyon, dahil iba ang gagawin ko.

Inilagay ko na ang paper works nya sa bag na nakasukbit sa likod ko.

Luscious Flesh ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon