Chapter Ten

9 2 0
                                    


Chapter Ten

Lumabas ako ng bahay. Inilagay ko ang kutsilyo sa may likod ng suot ko pa ring pantalon. Nakasuksok ito doon habang tabon ng damit.

" Hija! Kamusta na ang pakiramdam mo?"

" Nakikilala mo ba ako?" Pambungad na tanong ko sa kanya. Imbis na sagutin ang kanyang pangunang taong.

" Hindi, ano ba ang iyong ngalan?" Tanong naman niya.

Inilabas ko ang kutsilyo na nakakubli sa likod ko. Kasalukuyan na ang matandang babae ay wala. Mukhang namalengke.

Nahintakutan ang matanda sa aking nilabas.

" Hija! Hindi magandang biro iyan!" Mahinahong sabi nito.

" Eh ang ikulong ng sariling ama sa kulungan ng manok? Magandang biro ba? Tatay? " Kita sa reaksyon ng mukha nito na nakilala niya ako.

" Veri, anak----"

" WAG MO AKONG TATAWAGING ANAK! HAYOP KA!" Sigaw ko sa kanya at tinutok ang kutsilyo sa kanya.

" Anak mag hunusdili ka!" Pakiusap nito.

" HINDI! NANG DAHIL SAYO NAGING MISERABLE ANG BUHAY KO! HINDI NAGING BUO ANG PAGKATAO KO! NANG DAHIL SAYO NATUTO AKONG MAGING HALIMAW! NANG DAHIL SAYO NAMATAY SI NANAY AT SILA VERLINDA AT VERMOSA! NANG DAHIL SAYO NARATING KO ANG NAPAKASAKLAP NA BUHAY! ANDAMI NG NAWALA SAKIN! NAPAKAWALANG HIYA MONG AMA!" Sumbat ko sa kanya lahat. Umiiyak na napaupo ako sa lupa. Tinakpan ko ang mukha ko para hindi niya makita na umiiyak ako.

" Anak patawa-----"

"WALANG KAPATAWARAN ANG GINAWA MONG HAYOP KA!" Sigaw ko muli sa kanya at muling itinutok ang kutsilyo sa kanya.
" HINDI MO ALAM ANG PINAG DAANAN KO NG DAHIL SA KAWALANGHIYAAN MONG HAYOP KA!"

Unti-unti na akong pinanghinaan ng loob. Lahat ng galit sa dibdib ko ay sinabayan ng luha. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ang taong sumira ng buhay at pagkatao ko.

"Huhuhuhuhu bakit mo kasi ginawa iyon tatay? huhuhuhuhu!" Nagsimula ng pumasok sa isip ko lahat ng nangyari.

Simula nung mamatay si Nanay. Ang ginawa ko sa mga kapatid ko. Ang pagpatay ko ng maraming tao. Hanggang sa makilala ko si Ron. Ang makasama siya. Ang mamatay siya ng dahil sa akin. Lahat-lahat naaalala ko.

" Narito ako para bawian ka ng buhay!" Sambit ko sa kanya. " Naipangako ko iyon sa aking mga kapatid!"

Umiiyak na din siya sa harapan ko. Tumango naman siya bilang pag sang-ayon.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at mahigpit na hinawakan ang kutsilyo.

Umiiyak na nagtinginan kaming mag ama. " Paalam Tay!" Pumikit siya at tumingala. Nakita ko ang kabuuan ng leeg niya.

Ginilitan ko na siya ng leeg. Nangingisay na bumagsak siya sa lupa. Agad naman na nilapitan ko ang aking ama at yinakap ito.

" Tay! Patawad! Patawad itay!" Humahagulhol na sabi ko habang yakap-yakap ko ito.
" Tay patawarin ninyo ako! Tumupad lamang ako sa pangako ko Kila Inay!"

" Ahhhhhhh mga kapit-bahay tulungan ninyo ako! Tulong!"

Napalingon ako sa nagsisigaw. Naroon nakatayo ang matandang babae sa harapan ng gate. Kanya-kanya naman ng labas ang mga usisero at usisera.

" Patawad itay!"

..............

Tulala na nasa loob ako ng police station. Duguan ang damit at walang paki-alam sa sinasabi ng pulis na nasa harapan ko.

Luscious Flesh ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon