Chapter Seven

10 2 0
                                    


Chapter Seven

Tiningnan ko ang buong lugar. Maganda talaga. Kompletong kagamitan. Iba't ibang uri ng mga kutsilyo, itak at kung ano pang pantadtad. Mga lutuan na paglalagayan. Iba't ibang uri ng chopping board. Lababo na malawak. At ang pinaka nagustuhan ko ay ang malaking lamesa sa gitna. Kasya doon ang isang tao. Para bang ginawa ito para doon katayin at tadtadin ang mga laman ng tao.

Hindi lang basta lamesa iyon. May mga kadena na posas doon.

' parang masarap magkatay ng buhay na tao!'

" Soundproof ito! Kahit ano pang gawin sa lugar na ito walang makakarinig sa labas!" Sabi nito at lumapit sa akin. " Ano? Nagustuhan mo?"

" Anong ibig sabihin nito?" Tanong ko sa kanya.

" Alam ko ang kwento mo! Ang pagpaslang mo, projects, assignments, at ang kweba!" tiningnan ko lamang siya habang nagsasalita.

" Tapos?" walang saysay na tanong ko. " Gusto mong sumunod?"

" Gusto kong mag sama na tayo!" Nakipagtitigan ito sa akin na akala mo ay madali lamang ang pinagsasasabi nito.

" Baliw ka!" asik ko sa kanya.

" Baliw sayo!"  Kumindat naman siya sa akin. " Tanggap ko ang mga bagay na ginagawa mo, dahil gusto kita Veri!"

" Napakawalang kwenta ng sinasabi mo Ron Dale Smith! Isa kang baliw!" Sigaw ko sa kanya.

" Ikaw ba hindi?" Balik tanong niya sa akin.

" Kelan ako lilipat dito?" Tanong ko sa kanya. Ngumisi naman ito at sabi ay mamaya na daw ako lumipat.

" Paano ang ate ko?"

" Bigyan natin ng kalahating milyon!" suhestiyon niya.

" Pag hindi pa din pumayag?" Muling tanong ko.

" Edi ito!" Iniabot niya sa akin ang isang kutsilyo na maganda ang pagkakahubog.

Itsura niya ay liko-liko na matulis sa dulo. Kulay ginto naman ang hawakan nito. Tamang-tama lang ang bigat.

................

" Nakuuu kawawa naman!"

" Ilang araw na yan sir?"

" Tatlong araw na!"

" Anong nangyari?"

" Nagkalat daw ang mga gamit sa loob ng bahay! Ang bintang ay pinasok ng mag nanakaw!"

" Asan ang kapatid?"

" Ang sabi ay tinangay daw ng mga nanloob!"

Sa hindi kalayuan ay kita ko ang mga pulis sa lugar kung saan ay tumira ako ng ilang taon.

Si ate? Pinatay namin ni Ron. Kasama ang anak at asawa nito. Ngayon at nagkakagulo na sa harap ng tahanan ko noon.

" Uwi na tayo?"

" Sige!"

At nagsimula ng mag maneho si Ron palayo sa lugar.

Sa paglipas ng araw ay umugong naman ang mga usapan sa isang sekretong kweba. Natagpuan daw dito ang maraming bangkay ng tao, kasama na ang mga nakakulong sa isang kulungan. Ang kweba kung saan ako nag lagi noon na ngayon ay ginawa itong pamasyalan ng lugar. Maraming natatakot dahil may mga multo.

Luscious Flesh ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon