Epilogue

28 2 0
                                    

Epilogue

Someone's POV

" Ate Rose! Wag ka naman lumayo!" Sigaw ni Dahlia sa kapatid. Pareho silang naglalaro noon sa may buhanginan ng isla.

" Ano kaba naman Dahlia! Halika na!" Tumakbo ito ng patalikod.

Nabunggo nito ang isang batang lalaki at pareho silang natumba.

" Ouch that's hurt!" Sigaw ng batang lalake at tumayo ito.

Sa kalkula ni Rose ay kasing edad niya ang batang lalake. Agad namang may naramdamang kakaiba si Rose sa batang lalake na kaharap.

" Pasensya kana! Naglalaro kasi kami eh!" Hinging paumanhin ni Dahlia ng makalapit ito.

Katulad ng mumunting umusbong na damdamin na kay Rose ay ganoon din si Dahlia.

" Gusto mo mag laro?" Sabay na sambit ng dalawa. Agad nagkatinginan ang kambal nagpapatagisan ng talim ng mata.

" No thanks! By the way i'm Javix Asheus Reddish!" Pakilala ng batang lalake.

" Ako si Rose!"

" Ako si Dahlia!"

Sabay muling sabi ng dalawa. Doon na nagsimula magkaroon ng alitan ang kambal na si Rose at Dahlia.

" I'll go ahead!" Paalam ng batang lalake.

" Balik ka huh?" Sigaw dito ni Rose.

" OK!" tugon ng bata at lumapit ito sa isang babae.

.............

" Inay, itay! May nakilala akong bagong kaibigan! Ang pangalan niya ay Javix! Sabi nya babalik siya upang pakasal sa akin!" Pag bibida ni Rose sa ina at ama nila.

" Ano kaba ate Rose! Sa akin siya nangako!"


Napatingin ang mag asawa sa inaasta ng kambal. Hindi lingid sa kaalaman nila na may sariling pag-uugali ang kambal.


May kakaiba sa ugali ng mga ito na hindi matukoy, pero ipinagsawalang bahala na lamang nila.



  .......

" Omg! Ikakasal kami ni Javix pag dating ng 22 or 24!" Pag iilusyon ni Rose .

" Ilusyunada!" Sigaw ni Dahlia sa kapatid. Lihim na nagngingitngit dahil sa hindi niya kayang pantayan ang kapatid. Noon ay gustong gusto niyang sabihin na siya ang bagay kay Javix at hindi ang kanyang ate Rose.

" Heh! Inggit ka lang! Dahil sa akin siya nangako! Kita mo yang mansyon na iyan? Sa kin mapapapunta iyan!" Pagyayabang nito.

At tuluyan pa silang nagtalo kung sino ang magmamay-ari kay Javix.

Nagsimula na ang iringan sa magkapatid.

" Oh tama na iyan! Halika na kayo at kakain na!" Awat sa kanila ng kanilang ama.

Agad namang sumunod ang dalawa at nakisalo na sa mga magulang. Noon ay maayos na ulit ang pag-uusap ng kambal. Pero may mga araw na sasapit sa mga ito pag aaway ng dahil sa isang lalake.

Ngunit ng nabanggit na naman ang pangalan ng lalake ay muling nag away ang dalawa kahit na sa hapag kainan. Kahit nasa harapan ng mga magulang.

Wala namang nagawa ang mga magulang ng mga ito kundi sawayin ang mga ito minu-minuto.

Dahil alam nila na sa lilipas pang araw ay pag-aawayan nila ang lalake na magmamay-ari ng kalahati ng isla....

Ang lalakeng nagngangalang   Javix.......

The End

Luscious Flesh ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon