Chapter Nine

7 2 0
                                    

Chapter Nine

Nagising ako sa kaguluhan na nasa labas. Nagmulat ako ng mata at puro usok lang ang nakikita ko.

Agad kong hinampas ang katabi ko para magising. Tumayo ako at nakita ko ang daming apoy na nagkalat sa buong kabahayan.

' nasusunog ang buong bahay? '

" Ron ano ba gising!" Hinampas ko na ito ng malakas para magising.

Agad din itong natauhan ng makita ang buong kapaligiran. Pumunta ito sa bintana at sinilip ang mga taong nagsisisigaw sa labas ng bahay.

Kinuha ni Ron ang baril niya at pinaulanan ng putok ang mga nasa labas.

" Tara na! Hayaan mo na sila!" Hinigit ko na si Ron palabas ng kwarto namin.

" Tara dito tayo!" Sigaw niya sa akin.

Ngayon naman siya ang humihigit sa akin. Nagbabagsakan na ang mga gamit sa kabahayan. Unti-unti na ding bumigay ang hagdanan at nahulog kami ni Ron.

" Shit! " Napamura ako ng mahulog kami. Kasabay noon ang pag nahulog chandelier na malapit sa akin.

Tumusok sa hita ko ang piraso nga bubog. " Punyeta!"

Tumayo ako at inalalayan ni Ron. Dinala niya ako sa may underground kung saan kami nagkakatay. Doon ay binuklat niya ang isang pinto at tumabad sa akin. Ang isang malaking lagusan. Para siyang isang malaking tubo.

" Sige na Veri! Sa tubig ka niyan ibabagsak!" Sumampa ako at nagpadulas na sa malaking tubo.

Sumalubong sa akin ang malamig na tubig. Lumangoy ako ng lumangoy kahit ramdam ko ang kirot sa binti ko. Naramdaman ko ang presensya ni Ron sa likod kaya patuloy lang ako sa pag langoy.

Nakarating ako sa pampang at ganoon din si Ron. Nakita ko ang sasakyan namin at agad akong pumasok doon. Sumunod naman si Ron.

Kumuha ako ng Damit at nagbihis sa backseat. Si Ron naman ang nagmamaneho ng sasakyan.

Patuloy lang sa pagmamaneho si Ron ng magsalita ito.

" Naloko na!" Sigaw nito.

" Bakit? Anong meron?" Tanong ko sa kanya.

" Sira ang preno! Nawawala na ang kontrol sa manibela!" Sigaw nito. " Magtago ka Veri! Sumiksik ka sa ilalim!" Sigaw pa niya.

Ginawa ko ang sinabi niya. Nagpunta ako sa likod ng mga upuan para doon magtago.

Naramdaman ko ang pag uga at pagbulusok ng sinasakyan namin ni Ron.

Bigla ay nauntog ang ulo ko ng sumalpok ang sasakyan namin sa kung anong bagay. Unti-unti ay nawalan ako ng malay.

  ..................

Nagmulat ako ng mata at nakita ang mga basag na sa lamin sa aking dibdib. Dahan-dahan akong bumangon para alamin ang nangyari sa amin.

Napagtanto ko na gabi na pala. Binuksan ko ang pinto sa likod ng sasakyan at doon lumabas.

Pinuntahan ko si Ron sa driver seat.

" Ron!! Huhuhuhuhu!" Napaiyak ako ng makita ko si Ron na wala ng buhay. Nakatarak dito ang isang sanga. Nakatusok sa dibdib nito.

Sinapo ko ang ulo ko ng maramdaman ko na basa ito at medyo masakit.

Luscious Flesh ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon