Zeivlen POV
Namamangha ko siyang pinanuod na isuot saakin ang bracelet na may nakaukit na pangalan niya. Nakalagay doon ang 'Arclein lo' napapangiti akong tumungin sa kaniya.
Nakangiti siya saakin ng matapos nyang ikabit yun sa kamay ko.
"Baby? Saan mo ito binili?" Nakatingin sa bracelet na sabi ko. Nagagandahan talaga ako doon. Mula sa kulay ginto nitong mga palamuti sa gilid na siyang mas lalong nag paganda hanggang sa kulay red na pangalan niya at ang (LO). Ang puso naman na nasa itaas na bahagi ng pangalan nya ay kulay rainbow.
"Hindi ko yan binili baby... Kasi pinasadya ko yan sa tito ko na gumgawa ng mga jewelry" sabi niya kaya napatango ako ngumiti ulit.
"Bakit naman ibat ibang kulay yung puso?" Tanong ko nanaman na ibinaling ang atensiyon ulit sa bracelet na sobrang ganda.
"Alam mo kasi baby... Noon kung ihahalintulad mo sa kulay ang puso ko ay kulay black ito pero ng dumating ka naging makulay... Naging masaya, naramdaman ko ulit kung paanong maging buo" nakangiting sabi nya saakin. Ramdam ko agad ang pag iinit ng mga mata ko dahil doon. Bumubugso nanaman ang damdamin ko.
Naiisip ko kasi kung paano kung mamatay nga ako? Maiiwan nanaman siya? Makakaramdam nanaman siya ng kabawasan?
Ngumiti ako ng mapait kaya nag alangan ang mukha niya
"Hindi mo ba nagustuhan?" Pinakatitigan nya ako ng dahil doon at unti unting iniangat ang kamay niyang may bracelet rin katulad ng akin. So couple pala kami ng bracelet? Doon naman nakaukit ang (VE) at pangalan ko. Kapag pinagsama ay ARCLEIN LOVE ZEIVLEN.
"No baby... Nagustuhan ko. Salamat dito ah! Ginawa mo lalong espesyal ang araw nato. Couple pala sila?." Sabi ko na nakangiti ng bahagya. Nawala ang oag aalangan sa mukha nya at napalitan yun ng ngiti.
"Oo... At alam mo ba kung bakit pinaghiwalay ko ang pangalan natin? Ang pangalan ko ay nasa yo? At ang pangalan mo naman ay nasa akin? Kase... Itong bracelet nato ay siyang simbolo ng pagmamahalan natin. Kung wala ang isa ay hindi mabubuo kaya dapat lagi tayung magkasama para laging buo." Pinagdikit pa niya ang bracelet at doon nabuo ang salitang ARCLEIN LOVE ZEIVLEN. Halos maiyak ako sa subrang pagkasorpresa pero syempre dahil may sakit ako ay pinipigilan ko.
"I promise... Hanggang k-k-kamatayan ko" halos mautal utal ako sa kamatayan dahil sa tuwing iisipin ko iyon ay kung ano anong emotions ang dulot niyon. "Hanggang kamatayan ko" paglilinaw ko "Aalagaan ko ang bracelet na to. I promise baby... Kahit hirap na hirap na ako ay lalaban ako kapag namamatay na ako. Para sayu gagawin ko iyon" bigla nalang may pumatak na luha sa mga mata ko. Kaya pinunasan niya iyon.
"Huwag ka na mang magsalita ng ganiyan parang mamatay ka na eh!" Mapait na sabi nya.
Paano kung mamatay na nga ako?
"Baka hindi ko kayanin kapag nawala ka baby... So please don't say such a thing about sa mga patay patay!" Karagdagang sabi niya. Naging mapait ang pagngiti ko pero hindi ko iyon ipinakita.
Hindi mo nga kaya makakaya?
"Tama na nga iyan... Wag nating pag usapan ang pagkamatay dahil birthday ito at hindi lamay. Dapat nagsasaya tayo at hindi umiiyak." Sabi ni Mom at tumingin saakin. Makikita mo doon ang awa at lungkot sa mga mata nya.
Sa totoo lang nasasaktan akong makita silang nagkakaganito ng dahil saakin. Hindi ko rin naman sila masisi kung bakit naging ganito ako. Walang may gusto na magkaganito ako. Inborn na ang sakit kong ito pero hanggang ngayun hindi ko pa din tanggap.
Minsan nga napapagsalitaan ko na ang Diyos sa sobrang lungkot, at galit na nararamdaman ko dahil kung bakit ako nagkaganto. Pero kahit na napagsasalitaan ko siya ng masasakit ay nagpapasalam parin ako dahil hindi nya ako pinabayaan. Siguro kasi kung pinabayaan niya ako ay matagal na akong namatay.
"Thank you po sa lahat ng dumalo. Hindi man po masyadong bongga ito ay masaya na po ako" pagpapasalamat ko sa mga dumalo saamin na ngayun ay kumakain na. Ang plano sana namin ay gawing bongga pero nung nakraang buwan ay naisugod nanaman ako sa ospital ay naigastos namin ang panghanda ko sana. Iyong natitira naman ay naipanggastos nito nito lang. Nung maisugod ulit ako sa ospital.
Wala eh... Maraming hindi inaasahan ang bawat tao sa buhay nila. Minsan Life is unfair parang ako. Sa dami dami ng taong nasa mundo ako pa ang nakakuha ng ganitong sakit. Masakit na nga physically ay masakit padin emotionally.
Maraming bagay ang hindi ko nagagawa mula nung bata ako. Gusto ko noong sumali sa taekwondo pero dahil nga sa lagay ko ay hindi ako pinayagan ng parents ko.
Iniwasan kong magdamdam noon dahil alam kong makasasama saakin.
"Here baby, eat this" nakalagay sa kutsarang plastic ang kare kare na sabi ni Arclein. Isinubo ko iyon at hanon nalang ang pagngiti niya.
Huwag mo hayaang mawala ang ngiting yaan kapag ako na ang nawala ha?
Ngumiti nalang ako para maiwaglit sa isipan ko ang mga nakakasakit sa damdamin ko.
Birthday ko to! Kaya dapat na magsaya ako at hindu malungkot. Baka mamaya ito na pala ang huling birthday ko!
Napangiwi nanaman ako sa naisip ko. Dahil negative nanaman iyon.
Natapos ang kaarawan ko ng masaya at sa kabutihang palad ay wlaang nangyare saakin. Umuwi si Arclein na ngiting ngiti.
"Oh anak. Sorry ha kung yun lang ang nagawa namin. Kahit naman kasi mayaman tayo ay kinakapos rin paminsan minsan. Pasensiya na" sabi ni Mom habang nag aayus ng mga prutas sa lamesa.
"Okay lang yun Mom. At least nairaos natin. Hindi naman po ako humihiling ng sobrang rangya na buhay eh" sagot ko habang nakaupi sa upuan. Kasalukuyan ko siyang pinapanood na punasan at isalansan ang mga prutas.
"Napakabuti mong anak Zeivlen, hindi ko nga alam kung bakut sayo pa napunta iyan" nagpatuloy siya sa pagpunas at bahagya pang yumuko. Nakita kong may kumislap sa mga mata nya. Naiiyak nanamna si Mom.
"Andito na po ito eh... Lalaban nalang ako kahit na sobrang hirap na ako" pagkasabi ko non ay doon bumuhos ang luha ni Mom. Hinagod ko ang likod nya at yinakap siya.
"Don't cry Mom... I promise gagawin ko ang lahat para malagpasan to" sabi ko saka mas lalong hingpitan ang yakap sa kaniya.
I promise hinding hindi ako susuko.!
To be continued...💖
Thanks my sunflowers for reading my works🌻
BINABASA MO ANG
One last wish(Short story) | [Completed]
Любовные романыHe is the better part of me. My right direction. The love of my life. "Arclein before me. I'll make him happy. Till death do us part." said Zeivlen It's sad that sometimes we need to let go our love of our life in the hardest way. It takes a days, m...