Chapter 8: Date

119 15 1
                                    

Zeivlen POV

Im very very very happy ngayun. Hindi ko alam kung anong irereact. Alam kong bata pa kami masyado para ikasal pero ganun nga yata siguro ang nagagawa ng pagmamahal. Hahamakin ang lahat.

Hindi rin naman tutul ang mga magulang ko kaya wla akong dapat intindihin. Wala narin naman para saakin ang saysay ng sasabihin ng iba dahil hindi naman ako sila.

Katabi ko ngayun si Arclein at hawak hawak niya ang kamay kong may engagement ring. Nakangiti niya iyong tinutunghayan habang ako ay nalulunod sa pag iisip kung paano kaya kung hindi na ako umabot sa kasal namin.

Tama bang pakakasalan ko siya?

Feel ko kasi parang mali. Parang tinanggalan ko siya ng pagkakataon na makahanap ng babae na pwede niyang makasama habang buhay hindi tulad ko na baka mamaya ay mawala na sa mundo.

Naramdaman ko na lang namay tumulomg luha sa pisnge ko.

"Hey! Baby... Dont cry. May masakit ba?" Tanong niya. Ang alam niyang sakit ko ngayun ay nahirapan lang huminga dahil sa pagkabigla dahil hindi namin pinasabi ang totoo sa kaniya. Ayoko kasing masaktan siya. Ayokong masaktan siya sa katotohanang may sakit ako sa puso at masyado na iyong malala.

"Nothing... Hindi lang ako makapaniwala na nagpropose kana" kasabay ng pagpahid ng luha ko ang pagsisinungaling ko.

"Of course baby... Tsaka gusto ko kapag ikinasal tayo," ngumiti pa siya ng bahagya na para bang nasa future na siya. "Gusto ko iyong magkakaroon tayu ng isang daang anak" nag iimagine na sabi niya. Napapangiti ako ng mapait ng dahil don. Hanggang ngayun Kasi ay hindi ko parin alam kong hanggang kailan na lang ako dito sa lupa.

"Bibigyan mo ko ng ganon kadaming anak ha?" Tumingin siya saakin na para bang alam niyang mangyayare nga iyon

"Grabe ka naman sa isang daan. Baka hindi natin maalagan niyan?" Ngumingiti ring ani ko kahit pa nag kandabuhol buhol na ang mga iniisip ko sa utak ko.

"Oo naman. Tapos kapag wala tayong ginagawa gusto ko dadagdagan pa natin yon" nanlalaking mga matang sabi niya. Napapatawa ako ng dahil don.

Kaya ko bang manganak ng ganon karami?

DUMAAN ang halos dalawang araw bago ako naidischarge. Lagi akong dinadalhan ng pagkain at kung ano anong inumin ni Arclein. Don palang napatunayan ko ng napakaswerte ko sa kaniya. Dahil din don ay mas lalo akong pinanglalakasan ng loob na lumaban sa sakit ko.

"Maya baby ha?" Tanong niya saakin. Kahit ilang beses ko ng sinagut na oo at sasama ako sa kaniya kahit na hindi ko naman alam kong saan pupunta ay tanong parin siya ng tanong. Nasubrahan sa paninigurado.

"For the last time... Baby! Pagod na akong sumagot!" Nakangiwing sabi ko sa kaniya. Tinawanan namn niya ako. Bumuntong hininga ako "oo nga po kase... Sasama po ako! Gets?" Nanguna ako sa paglakad papasok sa bahay dahil baka tanungin niya nanaman ako.

"May chipps pa dito oh!" Sabi ni Mom sala kinuha ang chipps. Binuksan niya iyon at binigyan ako. Subra iyon nung mga pinamili saakin ni Arclein.

Halos kada dalaw niya kasi ay sandamak mak na chipps ang dala dala. Kung hindi naman ay ilang nite ng Gatorade. Napapailing na nga lang ako sa tuwing gagawin niya iyon eh.

DUMATING ang tanghalian at saktong pagkatapos namin kumain ay..

"Baby... Mamaya na yon ha?" Nagtatatanong nanaman siya. Sa totoo lang hindi ako naiinis sa ginagawa niya. Ang totoo nga niyan ay nagugustuhan ko pa eh.

"Oo na po! Paulit ulit!" Sagot ko nalang ulit.

2:00 pm ang usapan namin at 1:23 na ngayun kaya todo ang paalala niya. Susunduin niya daw ako ng 1:55 sabi niya. Mabilis lang naman akong magpalit at nakapagpaalam narin namana ko kaya nagwalang bahala na ako para mamaya.

Umuwi muna saglit si Arclein dahil sabi niya ay dapat maayos siyang tignan dahil mahalagang araw daw ngayun. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na mahalaga nga ang araw ngayun.

Hindi ko lang pinapahalata na alam ko kung ano ang araw ngayun dahil gusto kong makita kung anong reaksiyon niya. Kapag nalaman niyang nakalimutan ko. Mahalagang araw ito para saamin ni Arclein.

Dahil wala na akong ginagawa ay nagpalit narin ako. Simpleng dress lang iyon pero sinigurado kong bagay naman saakin. Bumababa ako at nagpaal kila Mom at Dad.

"Just call us kung may nararamdaman kang kakaiba ha?" Paalala ni Mom nagnod naman ako bilang pagsagotm lumapit ako sa kanila at nagbeso sa pisnge nila.

Dumeretso ako sa labas at saktong pagsara ko ng gate ay andon na ang kotse ni Arclein.

"Hey baby, wow!" Sabi niya matapos akong pasadahan ng tingin. Napangiti ako ng dahil don. Sinenyasan niya akong sumakay dahil bumababa na siya at inalalayan akong makasakay. Habanag sumasakay ako ay hindi niya ianalis saakin yung paningin niya.

Mabilis ang naging byahe. Hindi na ako nagulat ng may iniabot siya saaking bulaklak. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ko kung anong meron ngayun. Nasa isang restaurant kami. Azyeistar restaurant ang pangalan.

Dumeretso kami sa loob at tila ba parang nasa isa kaming bagong lugar. Ang ganda ng loob niya at masasabi kong pinag isipan talaga ng may ari ang lugar.

Naupo kami at nag order ng food. Mabilis naman na dumating iyong food namin.

"Baby?"

"Yes?" Tanong ko na hindi parin nagpapahalata na may idea na kung anong meron.

"Wala kabang naaalala? Ngayung araw? May 28?" Tanong niya saakin. Umiling naman ako kunwari ng bahagya.

"H-Hindi eh! A-ano bang meron?" Sumubo ako ng isang slice ng cake. Ramdam ko ang biglang pagkalungkot niya. Ang cute niya.

"N-nothing, kumain kana baby.." pilit na ngiting sabi niya. Hindi ko na mapigilan ang tawa ko. Napatawa ako ng nangpipigil.

"What's funny baby?" Sabi niya na malumanay. Ramdam mo parin ang lungkot sa tinig.

"Gotcha!" Sabi ko na tinusok pa ang tagiliran niya. Umarko ang kilay niya na para banag naguguluhan.

"Kala mo siguro nalimutan ko na? Pwede ba naman iyon?" Inilabas ko ang isang maliit na karton. Naguguluhan parin siya peri tinanggap niya iyon.

"HAPPY..." ngumiti pa ako ng bahagya "ANNIVERSARY!! Baby... Kala mo siguro nakalimutan ko no?" Pagkasabi ko non na siya namang pagbukas niya sa karton ng isang necktie ay napatawa nalang siya ng bahagya. Napakamot pa sa ulo.

"Baby... Naman eh! Akala ko nakalimutan mo na. HAPPY ANNIVERSARY! May regalo rin ako sayu" sabi niya. Nilabas niya ang isang plastic. Binuksan ko iyon at ganun nalang ang pagtulo ng luha ko ng makita doon yung damit na gustong gusto ko.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at naramdaman ko na lang na magkadikit na ang labi namin. Nagulat pa siya ng bahagya pero nagpaubaya rin.

I love you Arclein...!




To be continued....💖

Sorry sa typos and wrong grammar 😅
Hi my sunflowers thanks for reading my works 🌻

2 more chapters to go plus yung epilogue. Tapos na natin to!!💖💖🌻🌻

One last wish(Short story) | [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon