Zeivlen POV
Masaya ako sa ibinigay nyang regalo saakin kaya pagkarating ko palang sa bahay ay ibinida ko na iyon kila Mommy. Tuwang tuwa naman sila na makita akong masaya pero syempre sinabihan nila ako na wag masyadong iexpose ang sarile ko sa ibat ibang emotions.
Ngayun ay mag isa ako sa bahay ngayun. Hindi ko nga alam kung bakit nila ako iniwan ng mag isa dito eh. Maybe kampante na ulit loob nila dahil wala na akong nararamdaman?
Pero sa pagkakakilala ko kila Mom and Dad ay hindi nila ako pababayaan. Pati kasi ang mga kasambahay ay wala ngayun dito. Ang totoo niyan ay kaninang paggising ko ay wala na sila. Kaya naghalungkat nalang ako sa ref at doon naghanap ng makakain. Nakahanap naman ako don ng Chuckie at bread kaya yun nalang ang kinain ko.
Kasalukuyan akong nanunuod ng K-Drama. Ewan ko ba kung bakit ako naadict dito. Ngayun ngayun din lang naman ako naadict nitong bakasyon. Bakasyon kasi namin ngayun at sa susunod na pasukan ay gragraduate na ako. Ni hindi ko nga alam kung aabot pa ba ako sa susunod na pasukan.
Nalulungkot nanaman ako!
Medyo napangiwi ako ng maramdaman na medyo kumirot ang dibdib ko alam kung dahil yun sa emotion na nararamdaman ko ngayun. Mas lalo iyong kumirot ng marinig ko ang linyang hindi ko inaasahan sa pinapanood ko.
"neowa ttalo sotonghagoiss-eo" anang babae. Napaluha ako ng dahil doon. Masyado akong affected eh. Kaya ko alam kung anong ibig sabihin non ay may subtitle sa baba.
*Translation: Im breaking up with you*
Pero ang lungkot ko ay napalitan ng gulat ng biglang may kumalabog sa baba. Napatingin ako sa pintuan at dahil nga sa gulat ay unti unting sumasakit ang puso ko.
Huminga ako ng malalim at ibinuga iyon. Unti unti kong isinara ang laptop na pinag papanooran ko at unti unting lumapit rin sa may pintuan.
Pagkarating ko don ay wala akong makita na kahit ano. Mas lalong kumabog ang dibdib ko kasabay non ang pagkirot kirot.
Tumuloy ako sa baba at don ko nakita ang patay na ilaw. Nagtaka ako ng dahil doon.
Binuksan ko to kanina ah! Nung kumuha ako sa ref. Nakasara kasi ang pintuan kaya wLang liwanag. Pero paanong?
Kinapa kapa ko sa gilid ang switch ng ilaw. Nang makapa ko iyon ay nag alangan pa akong buksan iyon. Pero pagkabukas ko non ay ganun na lang ang gulat ko ng biglang may pumutok. Kasabay noon ang paglipad ng mga lobong puso at may lobo rin na nakasukbit sa pader namin. Nakasulat ang lobo sa pangalan ko.
Pero mas lalo akong nagulat ng biglang may magsalita.
"Happy happy birthday, Zeivlen..." Sabay sabay na sabi nila. Ganun nalang ang naramdaman kong emosyon kaya sumakit ng husto ang dibdib ko. Pilit kung pinakalma ang sarili ko kaya kahit papaano ay nabawasan ang sakit.
Birthday?
Mas lalo akong naging emosyonal ng maalala kong birthday ko nga pala. Masyado kasing okupado ang isip ko kung mamatay na ba ako.
Lumapit ako kila Mommy at Daddy saka humalik sa pisnge. Naiiyak si Mommy na yumakap saakin.
"Pasensiya ka na anak ha... Kasi ganiyo ang nabigay naming buhay sa sa iyo. Kumpleto kaman sa gamit pero hindi naman normal ang buhay mo. Im so sorry anak" umiiyak sa balikat ko na sabi ni Mom. Ako naman ay pinipigilan ko ang emotions ko dahil hindi ko ito pwedeng ipakita sa mga tao dito. Nandito ang halos lahat ng kapitbahay namin.
Pero ganun nalang ang pag ikot ikot ng ulo ko nung hindi ko matagpuan ang lalaking gusto kong makita. Inalis ko muna iyon sa isipan ko at bumaling kay mom. Masyado akong nakucurios kung paano nila ito naihanda ng ganun kabilis. Kani kanina lang kasi ay bumaba ako at kumuha ng makakain.
"Dad? Mom? Paano nyu po naihanda ng hindi ko nakikita? Tsaka ang alam ko po ay umalis po kayung lahat?" Tanong ko kaya napangiti si Mom.
"Ganito yan anak, nung isang araw pa namain ito plinano at kanina namin ginawa. Nung bumaba ka ay nandoon kaming lahat sa cr hehe.. nagtatago kami doon at nung umakyat kana ay doon kami nagumpisang mag ayus dito. Kanina nga ay nasagi ng daddy mo iyong paglagyan ng mga plato kaya may narinig kang kumalabog. Nung naramadan naming pababa kana ay saka namin pinatay iyong ilaw. Yung mga kapitbahay naman antin ay nasa labas" sabi ni Mom kaya naliwanagan ako. Magtatanong pa sana ako ng biglang magtuksuhan ang mga kapitbahay namin.
Mula sa pintuan ay nakita ko doon ang lalaking kanina ko pa hinahanap. May dala siyang isang bungkos ng mga bulaklak. At masasabi kong maganda iyon. Fresh pa ata at kakapitas dahil sa makinang kinang nitong mga dahon.
Unti unting napatingin saakin ang mga kapitbahay namin at nandoon sa tingin nila ang tukso.
Si Arclein ay unti unting lumapit saakin habang dala ang bungkos ng bulaklak. Pagkalapit nya saakin ay naghiyawan iyong mga kapitbahay namin.
Ngumiti siya saakin at saka ako ginawaran ng halik sa noo. Naghiyawan nanaman iyong mga kapitbahay namin.
"Happy birthday baby..." Pagkasabi nya noon ay lumuhod pa siya at ibinigay saakin ang bulaklak. Napuno ng tuksuhan ang buong paligid. Nagagalak ako ng dahil doon. Tinanggap ko iyon atsaka nagpasalamat. Pero dahil nga nagulat, nagagalak at kung ano ano pa ang nararamdaman kong emosyon ay kasabay noon ang pagsakit ng dibdib ko. Napahinga ako ng malalim at napabuga ulit. Inulit ulit ko iyon hanggang sa humupa ang sakit sa aking dibdib.
Ang hirap mamuhay ng may sakit. Gusto kong maging masaya pero hindi pwede!
Nagulat na lang ako ng biglang hilain ako sa gitna ni Arclein. Mula sa bulsa niya ay may nilabas siya doon...
Namangha ako ng makita iyon. Totoong galak na galak nanaman ako ng dahil doon. Napapangiwi nanaman ako sa Sakit pero gaya kanina ay pilit kong pinakakalma ang damdamin ko.
"Baby..."
To be continued....💖
Sorry sa typos and wrong grammar 😅😬
Thanks my sunflowers for reading my works🌻
BINABASA MO ANG
One last wish(Short story) | [Completed]
RomanceHe is the better part of me. My right direction. The love of my life. "Arclein before me. I'll make him happy. Till death do us part." said Zeivlen It's sad that sometimes we need to let go our love of our life in the hardest way. It takes a days, m...