Arclein POV
Mabilis kaming nakarating sa hospital. Pagkarating namin don ay hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko.
Nakita ko rin agad ang kotse ni Tito. Habang binababa si Zeivlen ay ganun nalang ang pag iling iling ni Tita at may ibinubulong na hindi ko marinig.
Pero base sa mga ikinikilos niya ay para bang nagsisisi siya sa mga nangyare at tila ba sinisisi ang sarili.
Si Tito naman ay todo alo lang kay Tita. Sumunod kami hanggang sa pagpasok. Hindi ko lubos na maisip kung ano na ang nagyayare. Basta ang nakikita ko lang ay ibat ibang doktor ang kumakausap kila Tita.
Pinasok siya sa isang emergency room.
"Papasok po ako." Pagpipilit ko pero hinarangan na ako ng dalawang nurse at umiling iling.
"Hindi ho kayu pwede don sa loob... Please sir" sabi ng isa pero nagpumilit parin ako. Bumuntong hininga naman ang isa pa.
"Sir kung makikipag talakan pa ho kami sa iyo ay baka mahuli na ang lahat." Pagkasabi niya non ay may kung anong kumakalabog sa loob loob ko.
Mahuli na ang lahat
Mahuli na ang lahat
Mahuli na ang lahat
Nagpaulit ulit yon sa pandinig ko. Naguguluhan ako kanina pa pero wala sa oras ngayun ang pag tatanong. Nakita kong lumapit Sila Tita at Tito saakin. Nag aalala ang kanilang mga tingin.
"Kindly tell us what happened Arclein" sabi ni Tito na may kung anong lungkot at panghihinayang sa boses. Tumingin ako kay Tita na puno ng luha sa mga mata.
"K-kanina po kasi habang nanonood ho kami ng sine ay bigla nalang ho siyang nag ganun. Nung una po ay pinipigilan niya ang emosyon pero kalaunan po ay..." Hindi ko na maituloy dahil sinakop nanaman ng lungkot ang pakiramdam ko. Sa tingin ko kasi ay ako ang may kasalanan sa nangyare.
"... Nahirapan na man na po siyang huminga at tumirik na ang mga mata. Sinabi niya rin pong tawagan kayu." Pagkasabi ko non ay napailing iling habang umiiyak si Tita. Niyakap siya ni Tito pero kita ko rin sa mga mata ni Tito ang sobrang lungkot.
"No... Not again." Tumingin si Tita sa kaniyang Asawa "Tell me Luie hindi ulit yun mangyayare diba? Tell me... Bubuti ang lagay niya" nang walang makuhang sagot si Tita ay pinagpapalo niya sa dibdib si Tito "tell me... Magiging maayos ang anak natin diba? Diba?" Nahihirapan man ay tumango si Tito.
NATAPOS ang araw na iyon na puno ng iyakan at sisihan. Pinauwi din nila ako para makapag paalam sa Lola ko. Nauwi din sila tita para kumuha ng damit dahil kailangan daw iconfine ni Zeivlen sa diko malaman na dahilan. Sa tuwing tatanungin ko ay ang sinasabi ng doktor ay sa parents ko daw tanungin.
Kahapon pagkalabas nila ng emergency room ay puro dismayado ang mga mukha nila. Para bang may malaking problema. Nang tignan naman nila kami sa mga mata ay parang humihingi ng tawad ang mga mata.
Hindi ko alam kung bakit ganun ang mga tingin nila perp ang sabi naman nila ay okay na daw si Zeivlen. Ang ipinagtataka ko lang talaga ay bakit ganun ang mga tingin nila. Masyadong makahulugan. At may laman.
Andito ako ngayun sa loob ng sasakyan ko at sinisimulang paandirin yon dahil kakatapos ko lang bumili ng makakain ni Zeivlen.
Mabilis ang naging biyahe kaya ganun nalang ako kabilis nakarating sa ospital. Dumeretso ako sa 2nd floor kung nasaan pansamantala si Zeivlen.
BINABASA MO ANG
One last wish(Short story) | [Completed]
RomanceHe is the better part of me. My right direction. The love of my life. "Arclein before me. I'll make him happy. Till death do us part." said Zeivlen It's sad that sometimes we need to let go our love of our life in the hardest way. It takes a days, m...