Chapter 1: Hospital

405 16 2
                                    

Zeivlen POV

Ang saya saya namin ngayun ni Arclein dahil nasa mall kami at nag dadate. Parang biglaang nawala ang sakit ko na nararamdaman. Tuwing kasama ko siya ay feel ko wala ng katapusan ang lahat. Pero kapag nag isa nanaman ako ay naiisip ko ulit kubg anong mangyayare sa kanya kapag namatay ako.

"Oh dito haha" turo nya sa isang zombie. Naglalaro kasi kami sa games section dito sa mall. Pinunasan ko ang pawis na tumulo sa leeg nya. Kanina pa kasi siya laro ng laro.

"Pawis kana oh! Tignan mo! Tama na muna yan" saway ko pero nginitian nya ako saka nag puppy eyes. Bumuntong hininga ako at pinanliitan siya ng mata.

Tumayo siya at biglaan niya akong hinila. Nagulat pa ako ng dahil don. Iniwan niya yung nilalaro niya at dumeretso kami sa may basket ball game.

"May dare ako!!" Nakangiting sabi niya. Ang cute cute niya talaga.

I promise to you baby... Lalaban ako sa sakit ko kahit mahirap na!

Napangiti ako sa naisip ko at saka siya sinagot. "Ano naman?" Nanliliit na matang sabi ko sa kanya.

"Diba nasa basketball tayo ngayun?" Tango lang ang isinumbat ko don. Ngumiti siya ng nakakaloko kaya naisip kung pabor nanaman sa kaniya ang dare nya! "Hehe baby... Dapat maka shoot ka! Ikaw ang maglalaro at hindi ako! Kapag hindi ka naka shoot ay--" hindi niya itinuloy ang sasabihin niya dahip lumapit siya saakin at saka ako hinapit sa beywang. Unti unti nyang nilapit ang mukha nya at ninakawan ako ng isang mabilisang halik.

"Hehe yun! Kailangan mo akong ikiss." Nakangising sabi niya.

Sabi na ehh pabor sa kaniya!

Well.. magboyfriend girlfriend naman kami wala namang pipigil o mag seselos don. Alam narin naman nila mom na nagkikiss kami. Basta sabi nila wag lang daw humantong sa pagsuko ng bataan ko. Hehe basta yun na yun!

Ngumisi ako sa kaniya na para banag nagyayabang, ngumisi rin siya at saka ako tinanguan.

"Tch!!... Yun lang ba? Napakadali naman, amina ang bola!" Sabi ko at agad naman siyang naghulog ng tokens at mula don sa taas ay nahulog ang mga bola. Kumuha ako ng isa at pumurma na para bang ishoshoot iyon. Tumingin pa ako sa kaniya at saka hinawi ang buhok ko.

3... 2... 1... Shoot!! Baam! Naishoot. Tumingin ako sa kaniya at ngumisi ng pagakalaki laki.

"Kita mo yun? Magaling ako dito" sabi ko sa kaniya pero ngumiwi lang siya at saka sumagot.

"Tsamba lang naman yun!" Sabi niya saka ako sinenyasan na magpatuloy na. Pumulot ulit ako ng isang bola at muling pumurma na para bang magshoshoot ako.

3... 2... 1... At sa kamalas malasang hindi ko naishoot. Hindi palang ako nakakatingin ay hawak nya na balikat ko. Tumingin ako sa kaniya at nako naman talaga! Napakalaki ng pagkakangisi niya.

"One down!" Sabi niya saka ako hinalikan. Mababaw lang iyon gaya ng ginagawa namin sa twing magkikiss kami. Syempre bawal ang lumalim sa halik baka matukso mahirap na!

"Go baby... I love you!!" Sabi niya saakin. Kaya kahit na nabigla ako sa halik jiya ay nagpatuloy ako. Kumuha ako ng bola at biglang nagshoot. Naishoot ko naman kaya tuwang tuwa ako. Pero bigla nalang akong napangiwi ng maramdaman kong kumirot ang puso ko. Nakalimutan ko kasing bawal nga pala akong subra sa emotions dahil sa puso ko.

Sa totoo lang ilang beses na akong pumunta ng New York para lang maipa opera ang puso ko. Sabi ng doktor ay sana daw mapalitan ang puso ko sa lalong madaling panahon. Pero wala eh! Wala kaming mahanap na doner. Halos magmakaawa na noon sila Mom and Dad sa mga pamilya ng kamamatay na pasyente pero wla talaga eh. Ayaw nila. Dumating pa sa point na handang magbayad ang parents ko ng Millions pero wala parin talaga.

Sa tingin ko ay hindi naman iyon napansin ni Arclein kaya naman nagpatuloy ako kahit pa ramdam ko na ang parang tinatahi sa loob ko.

Lunipas ang ulang oraa ng pagdadate namin ay nagdesisyon na kaming umiwi. Sa byahe ay iniinda ko ang sakit at pilit na hindi pinapakita sa kaniya ang sakit na nararamdaman ko.

Pagkaywi sa bahay ay nagpahatid nalang ako hanggang sa gate namin.

"Good bye drive safely" nakangiting paalam ko saka nya ako tinanguan at hinalikan sa noo.

Hahangos hangos akong dumeretso sa loob ng bahay namin ng masiguro kong nakaalis na si Arclein. Pagkapasok ko ay napa higa agad ako sa sofa namin at doon ko inilabas ang sakit na nararamdaman ko.

"Ahhhh!!! M-Mom D-Dad... Y-y-yung puso ko... Masakit!!! Ahhh!" Halos sumigaw na na sabi ko. Pagkasabi ko non ay narinig oo na ang mga yapak nila na pababa. Nagamamadali.

"Sweetie?? Tell me what happened? Whta happened?? Zeivlen??" Sabi ni Mom habang sinusuri ako na may halong kaba.

"Anak?? Tell us what happened?? Kaya mo pa ba?" Si Dad naman habang napahawak sa noo.

Hahangos hangos akong tumingin sa kanila at doon ko nakita ang pamumuo ng luha ni Mom saakin.

"Mom? Dad? Pwedi po bang n-next t-time na po magpaliwanag?? H-Hindi ko na po k-kaya yung sakit eh! P-please mom... Can we go to the hospital??" Pagkasabi ko non ay agad na umakyat sa taas si Dad at pagkababa niya ay hawak na niya ang susi ng kotse.

At dahil nga masakit ay binuhat ako ni Dad at saka isinakay sa backseat. Ganun nalang ang pag iyak ni Mom habang katabi ako. Hindi siya pununta don sa pasengear seat dahil babantayan niya daw ako.

"Im sorry sweetie pero... H-hanggang ngayun w-wala pa kaming nahahanap na d-donor eh.. Pasensiya na anak ha?" Umiiyak na aabi ni Mom kaya kahit masakit ay pinilit kung tumayo at yakapin siyam. Humigpit ang yakap nya kaya napangiwi ako sa sakit.

Natahak namin ang ospital at agad naman nila akong dinala sa iaang emergency room.

Sasama pa sana sina Mom pero hundi na sila pinayagan ng mga nurse.

To be continued....💖

Sorry sa typos and wrong grammar 😅😬

Thanks my sunflowers for reading my works🌻

One last wish(Short story) | [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon