Arclein POV
Masaya ako sa naging reaksiyon niya dahil pinag isipan ko talaga iyon. Kasalukuyan akong nakaharap sa laptop ko ngayun at iniistalk si Zeivlen sa Facebook. Gamit ko ang account nya. Ibinigay nya iyon saakin ng kusa at hindi pinipilit.
Nangunot ang noo ko ng may mabasa akong post sa timeline nya 1 year ago.
"Hello Zeivlen... Pagaling ka ha? Alagaan mo puso mo😊 Andito lang kami lagi para sayo. We love you"
Nakaprivate iyon at tanging account lang ni Zeivlen ang makakakita. Pero dahil hawak ko nga ang account nya at gamit ko ngayun ay nakita ko ito.
Anong meron sa puso niya? Pagaling? May sakit ba siya?
Binasa ko ang comment ni Zeivlen sa post na iyon.
"Opo papagaling po ako para po sa inyo,💖"
Naguguluhan ako sa nakikita ko. Pero dahil nga 1 year nayun ay nilagpasan ko na. Dahil baka noon pa yun at wala na ngayun.
Wala akong magawa kaya inilog out ko na iyon at nagdesisyon na puntahan na lang sa bahay nila Zeivlen sya. Pupunta ako doon at yayayain siyang manuod ng sine.
Mabilis akong natapos sa pagligo at pagsipelyo ng ngipin ko. Ang pinili kong suotin ay iyong kaswal lang na sinusuot ko araw araw.
Mabilis akong nakarating sa garahe. Don nga ay kinuha ko ang kotse ko at nagmadaling pumunta sa kanila Zeivlen. Ewan ko ba kung bakit lagi akong nasasabik na makita siya kahit naman lagi ko siyang nakakasama.
Habang na sa byahe ay naisipan kong bumili ng isang pizza at nakapack na ice creams. Mabilis ko iyong nabili kaya bumalik na agad ako sa kotse ko at muling nagmaneho.
Hindi masyadong traffic kaya ganun nalang rin ako kabilis na nakarating sa bahay nila. Pagkarating ko don ay nakita kung tumatawa tawa siya kasama ang mommy niya.
Ang saya nilang tignan. Sana ay katulad ko rin siya. May nanay at may tatay.
Matagal na kasing patay ang mga magulang ko. Ang totoo niyan ay sa lola ko ako lumaki. Maswerte nga ako dahil mapagmahal ang lola ko.
Dumeretso ako sa pintuan pero mukhang hindi nila iyong natunugan kaya narinig ko ang usapan nila.
"Kayanin mo anak ha? Para saamin" sabi ng mommy niya. Ngumiti naman si Zeivlen ng mapait.
"Opo." Sabi niya. Nagbiro biro ulit ang mommy niya kaya nagtawanan ulit sila. Doon naman na ako nagpakita.
"Oh iho andiyan ka pala bat di ka man lang nagsalita? Kanina ka pa ba riyan?" Tanong naman ni Tita Elma saakin na bahagya pang ngumiti.
"Ah eh kararating lang ho" pagsisinungaling ko. Ay mali! Totoo naman ah kararating ko lang.
"Arclein? Ginagawa mo pala dito?" Tanong naman ni Zeivlen nang nakangiti parin. Feel ko natutunaw non yung puso ko.
"Yayayain sana kita magsine kung okay lang? Wala kanaman atang gingawa dito right?" Umaasang sambit ko kaya napangiti siya. Tumingin siya kay tita Elma na para bang nagpapaalam. Nagnod naman si Tita kaya bumaling na saakin si Zeivlen.
"Sige... Ngayun ba?" Tanong niya. Inilabas ko naman muna yung mga pinamili ko.
"Ito oh kain muna tayo... Mamaya nalang tayo kaunti pumunta." Kapagkuway sabi ko. Nagnod naman siya at pumasok aa loob ng bahay nila. Pagkalabas niya doon ay may dala na siyang baso at juice.
Binigay niya saamin ang mga baso kaya nagsalin narin ako ng juice na iinomim namin. Doon nga ay tinawag niya si Tito at nag umpisa kaming kumain.
Maya maya lang ay tapos na kaming kumain at hinihintay ko ng makalabas si Zeivlen dahil nagbibihis na siya.
Nang makalabas siya ay napakaganda niya sa isang simpleng damit. Bumabagay talaga sa kaniya ang lahat. Naglagay rin siya ng kaunting liptint na siyang mas nagpapula sa mamulamula niya ng mga labi.
"Nagustuhan mo ba?" Tila ba parang anghel ang nagsasalita ngayun sa harapan ko. Nagnod naman ako at inakay siya pasakay ng sasakyan ko. Kanina pa kasi kami nakapagpaalam kaya hindi na kami nagsabi na aalis na.
Pagdating namin sa sinehan ay madilim kaya naman hindi maiwasan ang magkaapakan. Buti nalang at wala kaming natapakan na kung ano.
Nagulat pa ako ng bigla nalang nagkaroon ng ilaw na nanggaling sa malaking screen na nasa harap namin ngayun. Ang genre ng papanoodin namn ngayun ay romansa kaya inaasahan ko na ang drama roon.
Nag umpisa ang palabas at para bang prologo palang iyon ng kwento.
"Pasensiya na" anang babae sa palabas . Nadumbo niya kasi ang isang binatilyo habang nag oorder ito sa canteen.
"Okay lang miss... By the way my name is Xander" nakangiting pakilala ng lalaki. Nahihiya man ang babae ay tinanggap nito ang nakalahad na kamay ng binata.
"A-ako si Shen" sabi naman ng babae. Nagpapakilala. Ngumiti sa kaniya ang lalaki.
"All right then mauuna na kami ha? Huwag mo ng alalahanin itong natapunan may extra naman ako eh" sabi namin ni Xander. Ngumiti sa kaniya ang babae na mababakasan parin ang pagkailang at pagkahiya.
Umalis nga ang lalalaki at lumipas ang ilang mga araw ay nagkatagpo ulit ang landas nila.
"Ikaw?"
"Ikaw?"
Sabay na tanong nila habang nakaturo sa isat isa. Sabay din silang nagnod. Hindi ko namalayan ang sarili kong napatawa kaya ramdam ko ang pagtingin saakin ni Zeivlen.
"Hoy tinatawa tawa mo diyan? May nakakatawa ba?" Tanong niya. Kahit hindi ko tignan ay alam kong nakatingin siya saakin..
"Naalala mo ba yung unang beses na magkakilala tayo?"
"O-oo... Teka!"
"Your right... Parang sa Kanila rin lang, naalala ko pa noon kung paano mo akong natapunan ng soup mo. Nainis pa ako nung una pero nung makita ko iyong maamo mong mukha. Alam ko sa sarili kong nagutuhan agad kita." Pag aalala ko sa nakaraan. Oo kasing tulad din namin sila ng umpisa ng pagkakakilala. Gaya nong babae ay mahiyain din si Zeivlen tila ba parang isang inosenteng inosente.
Tumingin ako sa kaniya at nahagip ng mga mata ko yung mapupula niyang mga labi. Gusto ko iyong halikan.
Hindi na ako nag atubili pa at sinunggaban siya ng halik. Nagulat pa siya nung una pero nag paubaya rin makalipas ang segundo.
Hindi iyon masyadong malalim pero sapat na para mapasaya ako.
That kiss...
To be continued....💖
Sorry sa typos and wrong grammar 😅
Thanks my sunflowers for reading my works 🌻
BINABASA MO ANG
One last wish(Short story) | [Completed]
RomanceHe is the better part of me. My right direction. The love of my life. "Arclein before me. I'll make him happy. Till death do us part." said Zeivlen It's sad that sometimes we need to let go our love of our life in the hardest way. It takes a days, m...