Zeivlen POV
Umuwi ng maaga kahapon si Arclein ng tatawa tawa. Ni hindi ko nga alam kung bakit tawa siya ng tawa.
Nababaliw? Saakin? Hehe.
Kasalukuyan akong naliligo ngayun para bumaba na. Ugali ko talagabg maligo pakagising ko. Mas gusto ko kasi ng ganon.
Mabilis akong natapos sa pagligo kaya bumaba na ako na nakasuot ang normal kong damit. Pababa na ako sa hagdan ng makita ko ang nanunuksong tingin nila Mom at Dad. Nagtataka naman ako.
"Anak? Bakit ganyan ang suot mo?" Tanong ni Mom kaya napatingin ako sa suot ko. Maayos naman at ganon din naman ang isinusuot ko palagi pero ngayun lang nila iyon kinuwestion.
"Bakit po? Maayus naman po ah?" Tanong ko at bumaling kay Dad. Ngumiti lang siya kaya mas lalo akong naguluhan.
Anong n-nangyayare?
"Mamaya na namin ipapaliwanag anak. Umakyat kana don at magpalit ng besdita" sabi ni Dad na ngiting ngiti. Nagtataka ako kaya hindi ko maiwasan ang magtanong.
"A-ano po bang nangyayare?" Kunot noong tanong ko pero si Mom ay nanukso lang ang tingin.
"Sige na anak... Mamaya nalang. Basta maipapangako namin na magiging isa itong araw na to sa pinakamasayang mangyayare sa buhay" sagot ni Mom na tinulak tulak na ako pabalik sa hagdan. Nagpatulak naman ako. Nung makatapapat na kami sa hagdan ay kusa narin akong umakyat. Naglakad ako papunta sa kwarto ko.
"Yung maganda anak ha?" Pasigaw na habol ni Mom saakin kaya napapailing at napapangiwi akong sumagot.
"Yes Moooommmm!!!"Pasigaw din na sabi ko. Narinig ko pa siyang tumawa kaya dumeretso nalang ako sa kwarto ko at don hinalungkat ang mga damit ko sa drawer. Totooong madami akong damit na bestida dahil tuwing lalabas ako ay ganun ang sinusuot ko.
Sa kahahalungkat ko ay napatingin ako sa bintana. Nagtaka pa ako nung una nang may makita akong karton doon.
Nilapitan ko yun at tinignan. Nagulat pa ako ng makita kong dress yun. Dress na hanggang tuhod at backless. Kulay krema iyon kaya nagustuhan ko.
Kahit na hindi ko alam kung kanino iyon ay kinuha ko na. Bakit kasi nasa bintana ko diba?.
Isinuot ko iyon at saktong sakto naman saakin tila ba ginawa para saakin. Mula sa dibdib hanggang sa baba ay perpekto para sa katawan ko. Tinignan ko pa ang sarili ko sa salamin at nagandahan naman ako. Kita rin ang hubog ng katawan ko.
Mabilis akong bumaba at tinawag sila Mom pero ganun nalng ang dismaya ko ng walang sumagot.
"Mom?? Dad?? Asan na po kayu? Nakapagbihis na po ako" paghahanap ko ulit sa kanila pero gaya ng dati ay walang sumagot.
Pinagtritripan pa ata ako nila Mom and Dad!
Nakanguso akong dumeretso sa labas. Napunta ako sa pintuan pero dahil ang mga mata ko ay nakatuon sa paghahanap ay paa ko lang ang naghahanap ng slippers. Wala akong makapa kaya tinignan ko iyon at ganun nga wala akong makapa.
Tumingin ako sa gilid~
Sa kaliwa~At don ko nakita ang karton ulit. Kagaya siya nung nandoon sa kwarto ko. Nilapitan ko iyon at ganun nalang ang gulat ko ng makita doon ang sandals na kulay krema rin.
Anyayare kasi?
Dahil nga wala akong mahanap na slippers ay kinuha ko iyon. Ganun nalang ang pagkamangha ko ng makitang kasyang kasya saakin. Hindi masyadong masikip o maluwang. Sakto lang talaga. Gaya kanina ay parang ginawa talaga para saakin.
Tuluyan akong lumabas ng nakasuot iyon saakin. Para tuloy akong pupunta ng simbahan sa sout ko. Napapailing akong dumeretso sa garage pero wala akong nakita doon. Kahit bakas ng anino wala. Dumeretso ako sa garden ng bahay pero wala akong nakita doon. Ang nakita ko lang doon ay isang radyo at mike. Tapos parang may mini stage don sa bandang papasok sa mga gamit ni Dad panggawa ng sasakyan.
Hinayaan ko iyon at dumeretso ulit sa loob ng bahay. Pumunta ako sa kaniya kaniyang kwarto nila pero wala sila doon. Pumunta ako sa cr sa kaniya kaniyang kwarto nila, pumunta rin ako sa cr sa baba, pumunta ako sa salas at kusina pero wala parin.
Nakanguso akong bumalik sa kwarto ko. Akma ko na sanang huhubarin ang suot ko ng may makita akong lumipad na papel galing sa bintana ko. Kapag tinignan mo ang labas ng bintana ko ay derederetsong garden agad ang makikita. Baka sa garden nanggaling ang sulat.
Pinulot ko iyon at binasa.
Dear, Zeivlen
Pumunta ka sa baba, dumeretso ka sa pintuan palabasʘ‿ʘ
From: (makikita mong tao sa baba)
Nangunot ang noo ko ng dahil don pero dala ng curiousness ko ay sinunud ko iyon.
Dumeretso ako sa baba at saka sa pintuan perp ganun nalang ang gulat ko ng makita lahat ng kapitbahay namin doon. May hawak silang rosas isa isa. Kada dadaan ako ay inaabot nila saakin iyon. Kinukuha ko namn. Nagulat nalang ako na papuntang garden iyon. Nagulat rin ako ng biglang tumunog ang radyo. Yung nakita ko siguro kanina.
🎶Sir, I'm a bit nervous 'bout being here today ....
Still not real sure what I'm going to say So bear with me please If I take up too much of your time...🎶Nakilala ko kagaad ang boses non. Si Arclein nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa makarating ako don. Nakaharap siya sa parents ko at unti unting tumingin saakin ng nakangiti.
🎶But you see in this box is a ring for your oldest...🎶
Pagkasabu niya non ay don niya inilabas ang paglagyan ng sing sing. Lumapit pa siya akin at nginitian ako. Ramdam ko naman ang pag uunahan ng mga luha ko.
🎶She's my everything, and all that I know is... It would be such a relief If I knew that we were on the same side 'Cause very soon I'm hoping that I🎶
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tuluyan na siyang umupo at binuksan ang sing sing.
N-Nagpro- propose b-ba siya?
🎶Could marry your daughter And make her my wife I want her to be the only girl That I love for the rest of my life And give her the best of me 'til the day that I die, yeah🎶
Naguguluhan parin ako pero ramdam ko rin ang halo halong emosyon na nakapaligid saamin.
🎶I'm gonna marry your princess And make her my queen.
She'll be the most beautiful bride that I've ever seen .I can't wait to smile As she walks down the aisle. On the arm of her father On the day that I marry your daughter... 🎶Marry your daughter?
"Zeivlen Arcanghel?? W-will you marry me?" Sabi niya na nakaluhod at nakahawak sa sing sing.
Tumango ako na iyak ng iyak. "Y-yes i will" pagkasabi ko non ay napatayu siya at napayakap saakin. Bumitaw siya at unti unting isinuot saakin ang sing sing.
Ganito pala ang pakiramdam kapag isinusuot na sayo ang sing sing.!
Halo halong pakiramdam ang nararamdaman ko kaya napaupo ako.
"Hey?? Are you okay" habol habol ang hininga na umiling ako.
Nagpanic agad si Mom.
"Ambulance ambulance... Tumawag kayu!!!" Sabi niya. Lumapit saakin si Arclein.
"Y-yung puso ko..."
"T-totoo ba yun na may sakit ka?" Nag aalalalang wika niya.
Hindi pa ako talaga handa. Natatakot akong baka kapag sinabi ko sa kaniya ay magbago lahat. Bawiin nya ang proposal at iwan ako.( ⚈̥̥̥̥̥́⌢⚈̥̥̥̥̥̀).
"H-Hindi...
To be continued....💖
Sorry sa typos and wrong grammar 😅😬
Hi my sunflowers thanks for reading my works 🌻🌻
BINABASA MO ANG
One last wish(Short story) | [Completed]
RomanceHe is the better part of me. My right direction. The love of my life. "Arclein before me. I'll make him happy. Till death do us part." said Zeivlen It's sad that sometimes we need to let go our love of our life in the hardest way. It takes a days, m...