PROLOGO

100 22 7
                                    

"Anong sabi ko sa iyo, fairy tales do come true, hindi ba?" pasimpleng bulong ni leanne kay Lana nang magkasarilinan silang magpinsan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Anong sabi ko sa iyo, fairy tales do come true, hindi ba?" pasimpleng bulong ni leanne kay Lana nang magkasarilinan silang magpinsan.

Habang abala si kierel sa pag-estima sa iba pang bisita na dumalo sa kasal ng dalawa.

"And Prince Charming really do exist. at si kierel ang aking Prince Charming." Nangingislap ang mata ng babae habang sinasabi iyon.

"Well, sa kaso mo, totoo nga siguro. Imagine, akala mo ay isa lang veterinary doctor ang mapapangasawa mo, at tanggap mo na iyon, iyon pala ay solong tagapagmana siya ng asyenda nila sa Davao at nagtampo lang sa mga magulang at nabigo sa pag-ibig kaya naging lagalag. Hmm, ano pa nga bang mahihiling mo, lalo pa at magka-baby na kayo? " nasisiyahang wika ni Lana na tuwang-tuwa rin sa kapalarang sinapit ng pinsang rakista na akala nila ay hindi na magkakaroon ng matinong lovelife.

"No, hindi naman ang pagiging solong tagapagmana ni kierel ang dahilan. kaya feeling ko ay nagkatotoo sa akin ang mga istorya sa fairytales na nababasa natin noong mga bata pa tayo. Ang ibig kong sabihin, ang kaligayahang nararamdaman ko ngayon dahil sa pag-ibig niya."

"Hmm, oo na!" natatawa nalang na wika ni Lana." pero sa totoo lang, nakakainggit ka. Ngayong kasal na kayo ni kierel, siguradong matatahimik na ang buhay mo."

"O, hindi ba't okay naman kayo ni Ivan? Aba, he's also a good catch. Mayaman, mabait, super-gwapo, at higit sa lahat, Mahal na mahal ka niya. Ikaw pa lang ang naging girlfriend niya at talagang tratong prinsesa ang turing niya sa iyo mula nang maging kayo, hindi ba?"

Bahagyang nag-ulap ang mga mata ni Lana.

" Oo, totoo iyon pero... Ewan ko ba!"
bahagya siyang napailang. "para kasing...alam mo iyon? He's too good to be true. para bang.... Sobrang gwapo, napakamalalahanin, soft-spoken, mapagbigay....basta! Lahat na talaga ng magagandang katangian ng isang lalaki ay taglay niya!"

"Ohh, ayaw mo iyon? "

"Gusto! Of course gustung-gusto ko. Kaya lang...hindi ko talaga ma-explain ang nararamdaman ko."

"Don't tell me na hindi mo talaga siya mahal kaya ka nag-aalinlangan nang ganyan?"

"Hindi! Hindi iyon! Mahal ko siya...alam ko na mahal ko siya at iyon nga ang ikinatatakot ko. Natatakot akong mawala siya at mawala ang pag-ibig na ipinadarama niya sa akin."

"Aba,natatakot ka,bakit hindi mo pa sabihin Sa kanya kung ano na ang status ng relasyon ninyo at nang mapanatag na ang loob mo?"

"Actually, nag-propose na siya ng marriage last week."

" Oh, hayun naman pala, ehh, anong problema?"

"Hindi ko nga alam!"

"Ay, praning ka. Tinanggap mo ba?"

"O-oo. Ang totoo, mamamanhikan na sila sa linggo para maitakda ang kasal"

"O, ayun naman pala,ehh. So, stop worrying, ha?"

"Hay, siguro nga ay dapat na akong tumigil sa pag-aalala. Anyway, best wishes uli, ha?"

"At best wishes na rin sa iyo dahil ikakasal kana rin pala!"

"Well, thanks!" nagkakatawanan na lang ang magpinsan...

Keep On RememberingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon