KABANATA 5

16 9 0
                                    

"ANG saya-saya ninyo kahapon sa swimming pool, ah!"

Bahagyang natigilan ang dalaga sa gagawin sanang pag-inom ng kape mula sa tasa ng umagang iyon.

"Ah,oho nga! Ang harot pala ng lalaking iyon! Maloko!" natatawa na lang na eika niya kay Aling jessivy."Salbahe! Ang dami ko yatang nainom na tubig sa swimming pool dahil lagi akong nilulunod!"

"Ay,ngayon lang iyan! Di ba sabi ko nga sa iyo ay masyado na siyang naging malungkutin at tahimik mula noing mamatay ang mga magulang niya at magkasira sila ng kanyang nobya. Kaya nga tuwang-tuwa ako kahapon habang pinanood ko kayo nang palihim. Hay! Narinig ko na uli ang matunog na halakhak mula sa mabait kong amo. Sabi ko na nga ba, isang kagaya mo lang ang magpapasaya sa kanya. Sabagay,hindi naman nakakapagtaka iyon. Siguro ay talagang mahal na mahal pa rin niya si Yazmer kahit taksil ang babaeng iyon kaya ngayon nakakita siya ng kamukha nito ay bumalik ang kanyang sigla."

Aray! Hindi niya alam kung bakit tila may malaking kamao na dumaklos sa kanyang puso at marahas iyong piniga.

"Ahh...si Yaz ho...tumira ba siya rito?" nagawa pa rin niyang itanong kahit kumikirot ang kanyang puso.

"Ay,oo naman! At doon siya natutulog sa kuwarto ni Sir. Parang live-in na sila. Pero ang alam ko,hindi mawili rito sa isla ang babaeng iyon. Alam mo na, Manileña, sanay sa magulo at masayang mundo. Nabibingi siguro sa katahimikan dito kaya laging nagyayaya kay Sir Bryan na lumuwas. Pinagbibigyan naman niya, iyon nga lang, marami rin kasing ginawa si Sir kaya hindi maibigay ang kanyang gusto. Kaya hayun,naghanap ng lalaking makakapagdala sa kanya sa mas masayang mundo. Kaya hayun, ang konting kaligayahan ni Sir na kahit paano ay nagpapangiti sa kanya mula nang maulila ay nawala pa."

Hindi kumibo ang dalaga, bakit ba lalong kumikirot ang kanyang puso sa isiping mahal na mahal ni Bryan si Yazmer......

"Ah,teka,masyado na yata akong naging madaldal." Sa wakas ay nakahalata na si Aling jessivy.

"Ah,hindi ho, okay lang"

"Pero alam mo,mukhang may pag-asa."

"Pag-asa hong ano?"

"Na mas mahalin ka ni Sir Bryan kaysa sa babaeng iyon."

"Ho?"Nagulat siya sa sinabi nito." Aling jessivy naman, ano ho bang pinagsasabi ninyo? Bakit nauwi sa ganon ang usapan?"natatawa pero naiilang na wika niya.

"Ah,pasensiya na, Ma'am,naisip ko lang. Kasi....talagang mas mukhang mabait ka kaysa sa babaeng iyon. Isa pa, mas kakaiba ang siglang nakikita ko kay Sir Bryan ngayon. Baka kako.... mas mahalin ka niya kaysa kay Yazmer.

"Aling jessivy, nang nakuha daw ako ni Bryan sa dagat ay nakasuot ako ng traje. I-ibig hong sabihin, may karelasyon ako. At kapag nagbalik ho ang alaala ko,baka mas masaktan lang siya kapag nangyari ang iniisip ninyo. Kaya huwag na lang sana."

"Ay,oo nga pala! Naku,pasensiya na ho! Masyado akong nadala sa katuwaan sa nakita kong kasiyahan ninyo kahapon sa swimming pool. Naku, ano bang napagsabi ko?"

"Hindi ho, okay lang."pero nanatili na siyang tahimik.

Natahimik na rin si Aling Jessivy....

~*~

"PAANO iyan? Bukas na ang kasal mo. Ready ka na ba?" nakangiting wika ng babaeng nag-ngangalang Leanne na buntis habang marahan nitong hinihimas ang may kalakihan na ring tiyan.

"Oo nga,ehh! At hindi ko alam kung bakit sobra akong kinakabahan," naiilang na wika niya.

"Ano ka ba? Ngayon ka pa kakabahan? Hey, alam mo, wedding jitters lang ang tawag diyan. Sabagay, naiintindihan kita. Ganyan din ako noong ikakasal na kami ni Kierel! Iyon ay kahit buntis na ako, ha? Lalo ka na, alam ko yata na virgin bride ka. Siguro,kinakabahan ka sa mga mangyayari sa first night ninyo ni Ivan, ano?"

Keep On RememberingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon