KABANATA 10

22 8 0
                                    

MATAGAL nang tulog si Bryan ay gising pa rin si Lana....nakatitig siya sa kawalan habang nagpapahinga sa terasa na kanugnog ng silid ng binata.

Pinaaalis niya si Yazmer bukas...pero totoo kaya iyon sa kanyang kalooban?

Naiiling na gumawi ang tingin niya sa swimming pool kung saan naganap ang unang halik nila ni Bryan.

Pero bahagya siyang natigilan nang mapansing may tao roon.

Si Yazmer! Siya ba iyon?

Nang tumalon sa tubig ang babaeng nakasuot ng two-piece swimsuit,saka lang niya nasiguro na si Yazmer nga ang natatanaw nang matanglawan ito ng liwanag ng ilaw sa ilalim ng tubig

I have to see her...I have to talk to her.

Sa huli,natagpuan ni Lana ang sarili na palabas ng silid,pababa ng hagdan at patungo sa swiming pool.

"Hi!"

Natigilan ang babaeng paahon sa tubig.

"Sino ka?"bahagyang kumunot ang noo nito nang mabanaag ang bulto ng isang babae.

"Hello,ikaw si Yazmer,hindi ba?" nakangiting wika ni Lana nang tumambad mula sa madilim na bahagi ng halaman.

"H-ha?"gulat pa itong napaatras nang makita siya.

"Alam kong hindi mo ako kilala,pero ikaw,kilala kita. Alam ko ang istorya ng nakaraan ninyo ni Bryan."

"I-ikaw ba ang bagong.....ka-live-in ni Bryan?"

"Well,sort of."

"B-bakit mo ako pinuntahan dito? A-aawayin mo ba ako dahil—"

"Of course not! May gusto lang sana akong itanong sa iyo?"

"Ano iyon?"

"Do you really love Bryan kaya ka nagbalik?"

"Anong klaseng tanong ba iyan,ha?"

"Gusto ko lang namang malaman. Dahil kung talagang mahal mo siya,aalis ka na, iiwanan mo na siya."

"A-ano?"

"You know why? Dahil sa akin siya liligaya...ako lang ang makakapagpaligaya sa kanya. So,just to save ypur pride,leave us alone. Leave usin peace. Huwag mo nang ipilit ang sarili mo sa kanya. Minsan ka nang nagkasala sa kanya,minsan mo na siyang sinaktan,so,hayaan mo na siyang lumigaya."

"Bakit mo sinasabi sa akin iyan?"

"Dahil ayokong maging harsh sa iyo. Nagsasama na kami ni Bryan,at anytime ay pakakasal na. So,para sa katahimilan nating tatlo,umalis ka na. Dahil hindi naman ako papayag na mabawi mo siya sa akin."

Hindi kumibo ang babae,basta nakatitig lang sa kanya,at gusto niyang magtaka,bakit parang nawala ang katarayan ng babaeng sinasabi ni Aling Jessivy na mataray daw.

"Okay-okay,aalis ako bukas na bulas na rin!"mayamaya ay bigla nitong wika"Pero may gusto lang akong itanong."

"Ano iyon?"

"Ikaw ba si Lana kate Almonte? The real Lana kate Almonte,ang sikat na commercial at fashion model?"

Kinakabahan siya sa tanong nito.

"H-how did you know?"pero hindi niya magawang magkaila.

"Of course,I know. Kilala ko ang mukhang iyan. Ang mukhang naging dahilan kaya naging espesyal ako kay Bryan. Ang mukhang madalas naming pag-awayan dahil alam ko na lihim niyang kinababaliwalan."

"Ano? A-anong sinabi mo?"

"Ang ibig kong sabihin,he's your number one fan! Head over heels in love siya sayo! Kaya nga nang magkakilala kami,agad niya akong nagustuhan,dahil nakikita niya sa akin ang mukha mo. Paano nga ba kayo nagkilala,ha?"Hindi makasagot si Lana,bigla siyang naguluhan sa pinagsasabi nito."Anyway,ano pa nga ba ang pakialam ko roon? Afterall, totoo nga palang wala na akong laban sa pagkakataong ito. Nakamit na pala ni Bryan ang pag-ibig ng babaeng sinasamba niya."

Keep On RememberingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon