KABANATA 7

17 9 0
                                    

"YOU really look gorgeous! Mas bagay pala sa iyo ang two-piece."halos paanas lang na wika ni Bryan habang humahagod ang tingin sa kanyang kabuuan.

"Ahh.....n-nakakailang ng,eh," napapalunok na wika ng dalaga." L-lulusong na ako,ha?"saka akmang tatalikod na siya para magtungo sa tubig.

"Yazmer...."pero pumigil sa kamay niya ang kamay ng binata.

"B-bryan,b-bakit?"

"Sabay tayong lumusong."

"H-ha?"

Pero inakaya na siya nito patungo sa hagdanang bato ng swimming pool at sabay silang lusong sa tubig.

Hanggang kapwa na sila makalubog ay hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya...at ilang na ilang ang dalaga..hindi lang dahil magkahawak pa rin ang mga kamay nila....kundi dahil hindi pa rin ito tumitigil sa pagtitig sa kanya.

"B-bryan....l-lumangoy na tayo at—"

"Malamig ang tubig?"

Naramdaman niya na lumalangoy na ito patungo sa mga malalim na bahagi bagama't hawak pa rin ang kanyang kamay.

"Ah,m-medyo maginaw nga. P-pero u-umiepekto na yata ang alak sa katawan ko,p-parang mainit ang pakiramdam ng balat ko."

"Talaga?"biglang humapit sa baywang ni Lana ang isang braso nito nang makarating na sila sa malalim" Pero mas magiging mainit ang pakiramdam mo kung may kayakap ka sa tubig."

"B-bryan!"gimbal siya sa ginawa nito at bahagyang naiharang ang mga palad sa pagitan nila para hindi magkadikit nang tuluyan ang kanilang mga dibdib.

"Why? Natatakot ka ba sa akin,ha?" pero mas namumungay na ang mga mata nito sa pagkakataong iyon.

"Ah,h-hindi naman....k-kaya lang—"

"Nagtatampo ka ba sa akin dahil nasigawan kita kanina nang magtanong ka tungkol kay Yazmer..... sa tunay na Yazmer?"

"Ahh...h-hindi! N-nahiya nga ako sa iyo dahil naging mausisa ako at—"

"No,it's okay. Wala naman si Yazmer, wala na siya sa buhay ko."Saka bahagya pang humigpit ang hapit ng braso nito sa baywang niya,and this time,dalawang braso na ang gamit nito.

"S-sorry pa rin,kasalanan ko."kaya naman lalong nanunulak ang mga palad niya.

"No,it's okay. Hindi kita dapat sinigawan dahil lang doon. Sorry."

"O-okay lang..."

"Talaga? Hindi ka galit? Hindi ka nagtatampo o hindi ka mangingilag sa akin?"

"H-hindi."

"Then,let's swim."Sa wakas ay binitiwan na nito ang dalaga at nagsimulang kumampay patungo sa kabilang panig ng swimming pool.

"S-sige."Sumunod siya sa paglangoy nito. Ilang beses silang nagpabalik-balik nang langoy sa magkabilang panig ng swimming pool.

Hanggang makaramdam ng pagod si Lana at gumawi na sa mababaw na bahagi at naupo sa batong hagdan.

"O,pagod ka na?"natatawang lumangot patungo sa kanya ang binata.

"O-oo,medyo. Kaapagod! Ikaw, parang hindi ka napapagod! Isda ka siguro, ano!"biro niya.

"Oy,hindi,ah?"pero naupo na ito sa tabi niya na halos wala ng pagitan ang mga katawan nila.

"B-bryan..."hindi tuloy niya napigilan ang bahagyang mapaigtad nang madikit sa basa nitong katawan ang nilalamig niyang katawan.

"Why?"natatawang kinuha nito ang kamay ni Lana "Natatakot ka sa akin,ano?"

Keep On RememberingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon