"TALAGA? Pakakasal ka na sa akin?" tila hindi makapaniwalang tanong ng lalaki.
"Oo naman! Inalok mo ako ng kasal, hindi ba? So, tinatanggap ko na." natatawang wika niya.
"Oo nga pala! Then, aayusin na natin ang mga kailangan para sa kasal?"
"Yes,bahala ka!"
"Yes! At last magiging asawa ko na ang sikat na commercial at fashion model! I love you,Hon! I love you! Thank you so much for accepting me!" saka mahigpit nitong niyakap ang dalaga at masuyong hinalikan sa mga labi.
Walang alinlangang tinanggap niya iyon at tinugon....
Habang tila sasabog na rin sa kaligayahan ang kanyang puso.
At iyong pakiramdam na kaylambot ng mga labi nito....tila maingat na maingat sa pag-angkin sa mga labi niya...at kaybango ng hininga na kanyang nalalanghap...ay lalong nagpapakislot sa kanyang puso....it's overwhelming..
"Ivan...Ivan..." mahinang usal ng kanyang mga labi habang nakapikit
Pagkuwa'y naramdaman niya ang paglayo ng mga labing iyon...ang paghinto ng halik.
Kaya hindi maipaliwanag na kahungkagan ang kanyang nararamdaman
Marahan siyang kumilos....
Naramdaman niya ang tila paglayo ng kung sino sa kanyang labi..
"Hah?" sabay lingap niya sa paligid.
"So, you're awake?" pormal na wika ni Bryan nang lumingon sa kanya habang nakasandal sa upuan ng driver's seat.
"Ahh..." lihim siyang napalunok nang makitang nakahinto ang pick-up sa tabi ng gate na papasok sa malaking solar na kinatitirikan ng tatlong palapag na bahay nito sa elevated na bahagi ng isla."N-nakatulog pala ako sa biyahe." tanging nasabi niya habang umaayos nang upo, habang hindi maipaliwanag ang nadaramang kaba.
She was confused....ang paghalik sa kanyang mga labi ng lalaking iyon sa kanyang panaginip...ramdam niya na totoong naganap iyon sa kanya...noon.
Pero bakit may pakiramdam siya na parang totoo rin na may mga labing nakalapat sa mga labi niya kani-kanina lang..
"Yeah, and I can't wake you up dahil ang sarap ng tulog mo. Kaya hinayaan ko na lang na matulog ka muna." Nagbawi na ito nang tingin at ini-start na uli ang makina ng pick-up para ipasok na sa bukas na gate ang sasakyan.
"Ah,g-ganon ba? P-pasensiya na. N-naidlip pala ako. A-ang lamig kasi ng hangin at-"
"It's okay. Pero hindi ka lang naidlip, mahimbing ang tulog mo. Actually, I think you're having a dream."
"H-ha?"
"You called someone....well, malabo ang pangalang binanggit mo, pero sigurado ako na pangalan ng lalaki ang sinabi mo." saka bahagyang dumiin ang tapak nito sa silinyador kaya bahagya ring bumirit ang sasakyan papasok sa mahabang driveway.
"H-ha?" kaya naman lalo siyang nalito...galit ba si Bryan...galit naman ba ito.
~*~
Ang pangalang binanggit ko...Ivan.... oo,iyon ang pangalan ng lalaki sa aking panaginip. Sino siya? Mukhang napakalaki ng kaugnayan niya sa buhay ko. Siya ba ang lalaking..... Pakakasalan ko kaya natagpuan ako ni Bryan na naka pangsuot ng pangkasal?
Napabuntong-hininga na lang siya nang maalala si Bryan...ang gwapong mukha nito na kanina ay nabanaag na niya ang simpatikong ngiti sa mga labi na dati ay hindi nito iniuukol sa kanya....

BINABASA MO ANG
Keep On Remembering
Short StoryIsang bigong pag-ibig ang nagsadlak sa kanya sa lugar na iyon..kung saan isang estranghero ang kanyang namulatan. He's tall, dark and handsome,and rich...mga katangian tumutugma sa hinahanap niyang Prince Charming lalo pa at mala-palasyo rin ang bah...