"ANO? Bakit wala pa ang groom?"
"E-ewan ko!" stress na tugon niya.
"Tumawag ba siya sa iyo kanina habang papunta na tayo sa simbahmman?"
"O-oo. A-and he said that....he's also leaving para pumunta sa simbahan."
"Then, where he is? My God! Thirty minutes na siyang late! Lana, anong gagawin natin kapag hindi siya sumipot! Isang malaking kahihiyan ito kapag nagkataon!"
"M-Ma,please?"
"Pero—"
"Lianna,please relax,ha? Lalo lang nate-tense ang anak natin.
"P-pero Phil, hindi ito tama! Look at them,nagbubulongan na ang mga bisita sa loob! My God! Hindi ko yata kakayanin ang kahihiyang ito!" saka padarag itong bumaba ng bridal car at intense na nagpalakad-lakad sa paligid ng sasakyan.
"Lianna, please? Hindi nakakatulong kay Lana ang reaksiyon mo!" napasunod na rin si Phil sa pagbaba ng asawa sa kotse
Habang naiwan siyang nagmukmok sa loob ng bridal car
How dare you, Ivan! How dare you! How could you do this to me! How could you! Paano mo nagawa sa akin ito? Paano?
Mayamaya ay tumunog ang kanyang cellphone.
"Hah! Si Ivan,tumatawag siya! Oh God! Baka may nagyaring masama sa kanya,baka magpapaliwanag na siya kung bakit siya na-late?" agad niyang sinagot ang tawag.
"H-hello? Ivan! Oh God! Where are you,Hon? Bakit wala ka pa rito sa simbahan? For Christ's sake—"
"Lana, I-I'm so sorry," paos ang tinig nito. "B-ut I can't. H-hindi ko pala kayang magkunwari. Patawarin mo ako, hindi kita maaring pakasalan."
"I-Ivan....b-bakit? A-anong kasalanan ko sa iyo?"
"It's not you ....i-it's me. H-hindi kita kayang lokohin habang buhay. at h-higit sa lahat,hindi ko kayang lokohin ang sarili ko."
"A-anong ibig mong sabihin?"
"H-hindi ko kayang magmahal....ng isang babae."
"A-ano? I-ivan..."
"I-i'm really sorry...nadamay ka pa sa aking kabaliwan...I'm sorry, patawad. B-bakla ako....at may lalaki ng nagmamay-ari ng puso ko. A-at akala ko, hindi niya ako kayang mahalin....akala ko,hindi niya ako matatanggap...kaya pinili kong magoakasal sa babae. P-para hindi masaktan ang pamilya ko...para mamuhay akong normal at para makaiwas sa kahihiyan ang pamilya ko. P-pero nagkausap kami...hinahabol niya ako m-mahal din niya ako. A-at hindi ko mapapalampas ang pagkakataong lumigaya ako...k-kahit pa hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng pasya kong ito."
"I-ivan....how dare you! H-how dare you!"napaiyak na lang siya.
"I-I'm sorry...I'm sorry!"
"No! No!" gigil na ini-off niya ang cellphone at bumaba ng kotse para lumigid sa driver's seat.
"A-anong—"
"Bumaba kayo, Mang Estong!" wika niya sa driver ng bridal car.
"Ho? A-ano hong—"
"Bumaba kayo!"
"O-oho-oho!" wala itong nagawa kundi sundin ang amo

BINABASA MO ANG
Keep On Remembering
Short StoryIsang bigong pag-ibig ang nagsadlak sa kanya sa lugar na iyon..kung saan isang estranghero ang kanyang namulatan. He's tall, dark and handsome,and rich...mga katangian tumutugma sa hinahanap niyang Prince Charming lalo pa at mala-palasyo rin ang bah...