KABANATA 3

19 10 0
                                    

"HAH!" pasinghap siyang napadilat.

"B-bryan!"nagulat pa siya nang mamulatan ang binatang nakatayo sa gilid ng kinahihigaang sofa at waring kanina pa nakatitig sa kanya.

"Bakit dito ka nakatulog sa sofa?" pormal ang mukhang tanong ni Bryan.

"Ahh..." nalilitong napatyo siya at pilit na hinamig ang sarili habang inaayos ang damit." N-nagbabasa kasi ako ng magazine. H-hindi ko namalayang nakaidlip pala ako. S-sorry, h-hindi ako dapat—"

"No-no, it's okay. Inaalala ko lang na baka sumakit ang katawan mo sa hindi ayos na paghiga. Anyway,may mga binili nga pala akong damit para sayo."

"H-ha?"

"Here." Dalawang supot na plastic bag ang inabot nito sa kanya. "Mga blouse, skirt and dresses,short and pants saka ilang personal na gamit. Kung hindi kasya,sabihin mo lang sa akin at ibabalik ko sa binilhan ko pagbabalik ko sa bayan. Tinantiya ko lang ang sukat mo."

"A-ahh,s-salamat." Tinanggap niya ang  supot habang mailap ang mga mata. "Okay naman iyong mga damit na nakuhba ko sa closet at—"

"Mga panlalaki iyon,iyong iba ay hiniram ko lang sa anak ni Aling jessivy. Mas okay na bago ang isuot mo, mas bagay sa iyo. Siyanga pala, kamustang pakiramdam mo? Hindi na ba sumasakit ang ulo mo?"

"Ah, m-minsan. K-kapag may malalabong mukha na lumilitaw sa isip ko. E-ewan ko....hindi ko alam kung ano iyong mga nakikita ko. M-mga mukha, mga eksena na hindi ko maunawaan. B-basta, m-may mga ganong eksena, tulog man ako o gising. Pero malalabo."

"Baka nagbabalik na ang alaala mo."

"H-hindi ko alam."

"Kung sumasakit ang ulo mo,huwag mong pilitin ang sarili mo. Hindi mo kailangang magmadali na makaalala dahil safe ka rito. Wala kang aalalahanin dito sa bahay ko."

"S-salamat."

"Anyway,sabayan mo akong mag-dinner. Gabi na."

"Ahh,s-sige."

"Let's go." Pagkuwa'y nagpauna na itong humakbang patungo sa kumedor.

Tila nakatuntong sa numero na humakbang siya pasunod dito.

Kahit na sabihin ng dalaga sa sarili na hindi niya dapat maramdaman iyon,hindi pa rin mapigil ng dalaga ang sarili,lalo pa at nalaman niya na kamukha niya ang babaeng dating minahal ng binata at nagtakdil dito...

~*~

"KAIN ka pa. Ipinaluto ko talaga kay Aling jessivy ang mga ulam na iyan para mabusog ka at makabawi ng lakas."Inilipat ni Bryan ang mangkok ng ulam sa kanya.

"Ah,o-okay na, salamat. N-nakakuha na ako."

"Hindi, kumuha ka pa."Saka si Bryan na ang naglagay ng seafod kare-kare sa kanyang pinggan.

"S-salamat."Kaya wala siyang nagawa kundi tanggapin iyon at kainin.

"Bawal ang mag-diet dito sa bahay ko."

"Ah, o-oo."

Nagpatuloy sila sa pagkain,pero lihim siyang nakikiramdam.

Hindi na masyadong pormal ang bukas ng mukha ni Bryan,pero naiilang pa rin siya.

"Siyanga pala, ipapasyal kita bukas ng umaga sa kabilang panig ng sila. Gagamitin natin ang pick-up para hindi ka mapagod."

"H-ha?"

"Wala naman akong lakad bukas at kailangan mo ring maarawan paminsan-minsan. Isa pa, para hindi ka mainip dito sa isla."

Keep On RememberingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon