"ITO na ang magiging silid mo."
Lihim na napasinghap ang dalaga sa pinagdalhan sa kanya ni Bryan nang payagan na siya ni Doctora Jessa na makaalis ng klinikan.
"A-ang laki naman! S-saka...ang laki ng kama."
"Ito ang guestroom ko rito, bagay lang sa iyo ito dahil bisita kita." pormal ang mukhang wika ng binata. "Anyway, ibinilin ko na sa mga katulong na asikasuhin ka at ibigay ang lahat ng pangangailangan mo, lalo na kung wala ako. Pwede mong hingin sa kanila ang kailangan mo, lalo na kung nagugutom ka. Sabihin mo lang sa kanila. Kung gusto mo naman, pwede kang tumungo sa dining room at kumuha ng pagkain mo. Just feel free to do anything you want to do."
"S-sige. S-salamat nga pala sa lahat.... B-bryan."
Bahagyang itong natigilan, pagkuwa'y sumulyap sa kanya at matiim na tumitig.
"Oo nga pala, nakalimutan ko, kailangan bigyan kita ng pangalan."
"H-ha?"
"Since hindi mo maalala kung sino ka. Siguro at tatawagin na lang muna kitang....Yazmer."
"Yazmer....s-sige, okay sa akin iyon. S-salamat uli."
"Magpahinga ka na, padadalhan na lang kita ng pagkain mamaya para hindi ka na bumaba. Baka mabinat ka pa."
"K-kaya ko na naman ang—"
"No, I insist. Basta magpahinga ka na muna rito." pagkawika niya ay humakbang na ito palabas ng silid.
Pabuntong-hiningang naupo sa gilid ng malambot na kama ang dalaga at napatitig sa kawalan.
Ilang araw na rin ako rito sa isla Samal, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin maalala kung sino ako. Hay! Ang hirap pala ng may ganitong klaseng sakit. Para akong nangangapa sa dilim. Kahit na maayos naman ang pakita sa akin ni Bryan, hindi pa rin mapanatag ang kalooban ko. Naiilang ako....sa mga titig niya.
~*~
"AY, MABAIT po si Sir Bryan, Ma'am Yaz. Kahit na ho pag-aari niya ang islang ito, hindi niya sinisingil ang mga taong narito sa pagtira sa kanyang lupain. At halos lahat ho ng tagarito ay umaasa sa kanyang pagkakawanggawa. Ang mga kalalakihan ho rito ay pangingisda ang trabaho na sumasama sa malaking bangka na pag-aari niya na pumapalaot pa sa malayong karagatan at buwanan kung umuwi. At patas ho siya kung magpasweldo sa mga tauhan at kapag nagigipit ay madali siyang lapitan!" may pagmamalaking kuwento ng mayordomang si Aling jessivy
"Talaga ho?"
"Ay, oho! Iyon nga hong clinic sa tabi ng kapilya ay kusang-loob niyang ipinatayo nang makita niyang maraming bata ang nagkakasakit. Siya rin ho ang nagpapasweldo kay Doctora Jessa at sariling gastos niya iyon. Nagre-request na lang siya ng mga gamot at iba pang supplies sa munisipyo sa bayan para masustentuhan ang paggamot sa mga tagarito."
"Talaga ho? Ang bait naman pala niya. Kaya lang, bakit ho parang....ang sungit niya? Ni hindi ko man lang nakikitang ngumingiti siya. Akala mo ay palaging galit kapag nakikipag-usap sa akin. Nakakailang ho kasi. Hindi ko alam kung naiinis siya sa pananaliti ko rito sa isla at—"
"Ay, naku, hindi ho, Ma'am Yaz! Hindi ho siya masungit. Kung hindi man ho siya ngumingiti, iyon ho ay dahil....sa masasakit na pangyayaring pinagdadaanan niya."
Bahagyang kumunot ang noo niya sa sinabi nito.
"A-ano hong masasakit na pangyayari?"
"Ang kanyang mga magulang na siyang may-ari ng islang ito ay sabay na namatay nang mahulog ang chopper na sinasakyan nila mula rito sa isla patungong lungsod. Nasundan pa ho iyon nang pagtataksil ng kanyang nobya na sumama sa iba dahil....ayaw manirahan dito sa isla."
BINABASA MO ANG
Keep On Remembering
Short StoryIsang bigong pag-ibig ang nagsadlak sa kanya sa lugar na iyon..kung saan isang estranghero ang kanyang namulatan. He's tall, dark and handsome,and rich...mga katangian tumutugma sa hinahanap niyang Prince Charming lalo pa at mala-palasyo rin ang bah...