KABANATA 1

48 15 2
                                    

"KUMUSTA na siya?"

"Medyo bumubuti na ang kanyang lagay ngayon. Bumaba na ang lagnat at sinabi kong nganga at tinaatanggap ang ipinapatak kong gatas at katas ng prutas sa kanyang mga labi."

"Sa tinginho ninyo, hindi na kailangang dalhin siya sa ospital sa kabayanan?"

"Ah, hindi na siguro. Dito lang sa clinic sa isla ay magiging maayos na siya. Kumpleto naman tayo sa mga kagamitan at gamot dito. Isa pa, lubhang mapanganib ang maglakbay sa laot dahil sa malalakung alon sa dagat."

"Sabagay nga ho. Kung bakit naman kasi ngayon pa nasira ang malaking bangka na pagpunta natin sa bayan. Iyon namang iba kong bangka ay baka sa isang buwan pa babalik. Sige ho,kung talagang magiging maayos siya hanggang bukas, dito na lang muna siya."

"Sige. Ah, siyanga pala, ikaw pa rin ba ang magbabantay sa kanya rito sa clinic? Pwede namang ang apo kong si Jiana ang tumao rito mamayang gabi para naman hindi ka mapuyat."

"Ah, hindi ho, okay lang ho na ako na rito. Wala naman akong gagawin sa bahay kundi ang magbasa ng libro. Dito na lang ako magbabasa at may TV ay DVD naman, may mapaglilibangan ako kapag naiinip. Mapupuyat pa ho si Jiana, gayung bukas ay siguradong marami na naman kayong pasyente na darating. Walang mag-tutulong sa inyo."

"Sabagay, totoong sinabi mo. O, sige, ikaw ang bahala. O, paano, aalis na ako, h? Kung may problema, ipatawag mo na lang ako sa bahay. Kapag tumaas ang lagnat niya ay lagyan mo ng basang bimpo sa noo at leeg, ha?"

"Sige ho, ako nalang hong bahala rito."

"Sige.

Nang makaalis na ang matandang doktora na tanging gumagamot sa mga taga-isla Samal,muling binalingan ni Bryan ang wala oa ring malay na dalaga.

At sa pagkakaroon ng layang titigan ang maganda ngunit maputla at hapis na mukha ng pasyente, hindi napigilan ng binata ang mapabuntong-hininga.

Ano nga bang nangyari sa iyo? Bakit sinapit mo ito?

Napailing na naupo na lang si Bryan sa silyang nasa tabi ng katre ng pasyente at masuyo niyang hinaplos ang pisngi nito. Habang titig na titig siya sa mukha nito....

~*~

"HAH!" pasinghap na nagmulat ang mga mata ng dalaga.

Nasaan ako? Anong...lugar ito?
Litong napalingap siya sa paligid.
Anong nagyari sa akin?

Pagkuwa'y napasapo siya sa kumikirot na sentido at mariing ipinikit ang mga mata.

At bakit...parang ng labo ng isip ko? Parang....wala akong maalala...

"Mabuti at gising ka na."

"H-ha?" awtomatiko siyang napadilat, ang namulatan niya ay gwapong mukha ng isang matangkad na lalaking nakatayo sa tabi ng kanyang higaan.

"S-sino ka?" gayunpaman ay hindi niya maiwasang matakot dito lalo pa at walang kangiti-ngiti sa mga labi nito at ang mga matang maiitim ay matitiim kung tumitig.

"I'm Bryan Collins, narito ka sa clinic na nasa isnang isla. Natagpuan kita sa laot na nakadapa sa isang tabla at palutang-lutang sa dagat. Wala kang malay at inaapoy ng lagnat. Nakasuot ka rin ng pangkasal at maraming gasgas at sugay sa katawan, may mga paso sa braso at binti mo."

"H-ha? S-sa dagat? A-at....nakasuot ako ng pangkasal?"

"Oo, nakadamit pangkasal ka. Anong nangyari?"

"Ah.."muli siyang napatutop sa sentodo dahil sa biglang salakay na naman ng kirot sa kanyang ulo."H-hindi ko alam, h-hindi ko maalala kung anong nagyari sa akin...at..."
Bahagyan siyang napalunok. "H-hindi ko matandaan kung...sino ako." sa wakas ay lumabas na rin sa bibig niya ang mga katagang kanina pa naglalaro sa kanyang utak na nagyayari sa kanya...

"Ano? Ibig mo bang sabihin ay-"

"Pwedeng mangyari sa kanya iyon, Bryan."

Sabay pa silang napatingin sa bumukas na pinto,naroon si Doctora Jessa kasunod ang dalagitang apo na nagsisilbi nitong katulong sa pag-estima sa mga taga-islang nagtutungo sa clinic na iyon.

"Ano hong ibig ninyong sabihin?" kunot-noong tanong ni Bryan.

"May sugat siya sa ulo nang matagpuan mo, hindi ba? Maaring nauntog sa isang matigas na bagay ang kanyang ulo kaya nagkaganoon. Posibleng nakalog ang kanyang utak at nagkaroon siya ng amnesia."

"Amnesia? Sakit nang pagkalimot?"

"Oo, Well, posibleng temporary amnesia, o selective amnesia, pero possible ring permenent amnesia. Depende iyon sa kung gaano napinsala ang kanyang ulo sa pagkakauntog nito."

Nakikinig lang siya sa sinasabi ng doctora na posibleng kalagayan niya, at kahit siya mismo ay hindi makapaniwala...

Amnesia? My God! Anong mangyayari sa akin kung ganitong wala akong maalala sa nakaraan ko? Hindi ko kilala ang mga taong nasa paligid ko...baka kung anong mangyari sa akin dito!

Pasimple niyang sinulyapan ang lalaking nagpakilalang Bryan.

Gwapo nga ito, pero mukhang namang masungit at suplado, parang napaka-seryoso..

"Ah, hija, kung wala kang matandaan sa nakaraan mo, huwag mong pilitin ang sarili mo. Lalo na kung makakaramdam ka ng pananakit ng ulo. Basta ipahinga mo lang ang isip mo at ipanatag mong loob mo rito sa isla Samal. Mababait ang mga tagarito, lalo na si Bryan, siya ang may-ari ng ispang ito at siya rin ang nag patayo ng klinikan ito." isang palakaibigang ngito ang sumungaw sa mga labi ni Doctora Jessa. Ngiting tila naghatid ng kapayapaan ng loob sa kanya, bahagyang napanatag ang kanyang kalooban..

"S-sige ho." Pagkuwa'y napapikit siya dahil sa sumasahol na namang kirot sa kanyang ulo.

"O, kamustang pakiramdam mo? Sobrang sakit na naman bang ulo mo?"

"O-oho."

"Mabuti pa, piliting mong makakain kahit na anong solid para sa sakit ng ulo. Ilang araw ka ring nilalagnat dahil sa pagkakababad mo sa tubig-dagat. Nalamigan ang pulmon mo."

"Ahh...s-sige ho." muli siyang dumilat at akmang babangon.

"Sandali, dahan-dahan lang ang kilos!" naging maagap si Bryan sa paglapit sa kanya at agad siyang inalalayan.

Hindi na siya pumalag,pero lihim siyang nailang dahil sa hawak nito, gayundin sa simpleng pagdadaiti ng mga katawan nila nang alalayan siyang nakaupo at makasandal sa headboard....


........

Hello readers! This is my first time writing a romance short story. If this story isn't to your taste, feel free to skip it! thankyou!

Keep On RememberingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon