HANGGANG makabalik na si Lana sa silid ng binata ay tila wala pa rin sa sarili ang dalaga.
Mahimbing pa rin ang tulog ni Bryan habang nakadapa sa kama.
Napagod siya....may sumungaw na ngiti sa mga labi niya nang pagmamasdan ang lalaki umangking ng lahat-lahat sa kanya..Bryan...naupo siya sa gilid ng kama at masuyong hinaplos ang buhok nito. Alam ko.... napaligaya kita...napunan ko ang kahungkagang nasa puso mo. Naramdaman ko iyon. At labis-labis din ang kaligayahang nadama ko sa piling mo...to the point na ayoko na halos ipaalam sa iyo na nagbalik na ang alaala ko. Ayoko kasing umalis sa islang ito hanggang hindi ako nakakasiguro kung saan ako nakatayo sa buhay mo...kung saan ako nakalugar sa puso mo. May nais sana akong marinig mula sa mga labi mo. Pero ngayong nagbalik na si Yazmer.... may pag-aasa pa ba na marinig ko iyon mula sa iyo?
Nagsimulang kumilos si Bryan, anyong nagigising na...tumihaya ito sa kama at dumilat.
"Hmmm...baby,bakit?"nakangiti nitong tanong nang mamulatan si Lana.
"Ah...wala lang...natutuwa lang akong titigan ka habang natutulog ka."
"Ganoon? Wala kang iniisip habang tinititigan mo ako at hinahaplos ang buhok ko?"
"H-ha? A-ano naman ang iisipin ko?"
"Ewan ko sa iyo..."tumaas ang kamay nito para haplusin ang pisngi niya. "Siguro,iniisip mo kung pagod pa ako, ano?"pilyong tanong nito na sinundan pa ng kindat.
"A-ano? Oy,hindi,ah!"
Pero kusa siyang natigilan,muling naalala si Yazmer...
Hindi! Masamang babae si Yazmer, hindi siya bagay kay Bryan! Ngayong nagbalik na siya,may balak ba siyang bawiin ang pag-ibig ni Bryan? Hindi ako papayag,hindi! Alam kong napaligaya ko na si Bryan, naturuan ko nang lumimot,at hindi ako papayag na masaktan siyang muli ng dahil sa babaeng iyon!
"Okay,what if...iyon nga ang iniisip ko, ha?"pagkuwa'y malambing niyang tanong,saka ginanti nang haplos ang pisngi nito."Ano ang magagawa mo,ha?"
"Wala,pagod pa ako. Pero ikaw, may magagawa ka,hindi ba? Mukhang hindi ka naman pagod eh." natatawang wika nito.
"A-anong ibig mong sabihin?"
Nakangiting bahagyang bumangon si Bryan para bumulong sa may punong tainga niya.
"B-bryan!"nanlaki ang mga mata ni Lana sa sinabi nito awtomatikong namula ang pisngi. "H-how dare you to..."kusang pinigil ng dalaga ang dila sa pagsasalita."Salbahe ka!"pagkuwa'y napangiti siya at nakurut ito sa tagiliran.
"Aray! Stop it baby!"natatawang hinuli nito ang kanyang kamay.
"Salbahe ka. Pero,I like that."sabay silang napatawa,at bahagya siyang yumuko para ilapit ang mukha sa mukha ng binata."You're right...it's about time for me to do that." masuyong kumilos ang mga abi niyang nakalapat sa mga labi nito." Afterall, think you taught me enough.."
"Are you sure about this baby?" bahagyang napapikit si Bryan habang hinahabol ang mga labi ng dalaga na paminsan-minsan ay lumalayo.
"Yeah...I can do that...just to make ypu happy."minsan pang sumakop ang mga labi niya aa mga labi nito,pero mayamaya lang,masuyo nang gumapang ang mga halik niya sa leeg nito....sa dibdib,sa sikmura....sa tiyan.. pababa pa...
"Yaz....oh God! Yazmer..."habang napapapikit na lang si Bryan...at ang isiping gagawin iyon ni Yazmer. Ang mas nagpapasiklab sa kapusukan ng binata.
"THAT was great,baby."nakangiti at humihingal pang wika ni Bryan habang mahigpit na yakap ang hubad na katawan ni Lana."I didn't expect that you can do that. You made me extremely happy."

BINABASA MO ANG
Keep On Remembering
Short StoryIsang bigong pag-ibig ang nagsadlak sa kanya sa lugar na iyon..kung saan isang estranghero ang kanyang namulatan. He's tall, dark and handsome,and rich...mga katangian tumutugma sa hinahanap niyang Prince Charming lalo pa at mala-palasyo rin ang bah...