KABANATA 8

18 9 0
                                    

"HAH!" naalimpungatan si Lana sa pakiramdam na nag-iisa na lang siya sa kama.

Bryan...nakapa niya ang parte ng kama na kinahihigaan nito,unan at kumot lang ang nahawakan niya.

At hindi maipaliwanag ang nadama niyang huhungkagan.

Nasaan kaya siya?

"Magandang umaga ho, Ma'am Yaz."

"H-ha?"napapitlag pa siya ng biglang pumasok si Aling jessivy,sabay hila sa kumot na bahagyang naalis sa pagkakakumot sa hubad niyang katawan."A-aling Jessivy,kayo pala! Ah,k-kaya ho ako—"

"Ah,ilalagay ko lang ho sa cabinet itong mga damit ninyo."nakangiting wika ng mayordoma.

"H-ho?"tuluyan siyang napaupo sa kama habang pilit na hinahamig ang sarili dahil sa pakiramdam na namumula ang kanyang pisngi sa sobrang kahihiyan na nadarama.

"Ibinilin ni Sir Bryan na dito na lang sa kuwarto niya ilagay ang mga damit at gamit ninyo dahil dito na raw kayo matutulog mula sa araw na ito."

"H-ho? Sinabi niya iyon? N-naku, nakakahiya naman at—"

"Oho! At huwag na ho kayong mahiya at mailang sa akin,naiintindihan ko naman ho ang nangyari. Nagkaibigan kayo ni Sir Bryan kata humantong sa ganito."

"K-kasi ho..."

"Natutuwa nga ho ako na sa wakas, nangyari rin ang noon ko pa hinihiling. Ang maging kayo ni Sir Bryan. Sa totoo lang ho,talaga namang bagay kayo. At alam ninyo, napakalaking pagbabago ang naganap sa kanya. Kung nakita lang ninyo kung gaano siya kasaya kaninang umaga habang nagbibilin sa akin kung ano ang mga gagawin."

"T-talaga ho?"

"Oo. Kakaiba ang aura niya kanina, ang tamis nang ngiti sa mga labi. Grabe,may kakaibang kislap sa mga mata niya,at parang nakalutang sa ulap habang naglalakad. At matagal ko na siyang hindi nakikita na ganoon kasaya."

Sa kabila ng nadaramang hiya, hindi pa rin napigilan ni Lana ang mapangiti.

"T-talaga ho?"

"Oo,kaya huwag ka nang mahiya sa akin ha? Alam mo,hulog ka nga ng langit,eh! Sa sobrang bait ni Sir Bryan sa amin,wala kaming ibang hinihiling kundi ang makitang masaya uli ang aming amo. At dahil sa iyo, naging masaya na uli siya."

Lalong napangiti si Lana,hindi niya alam kong anong sasabihin.

"Ah,kung gusto na ho ninyong mag-breakfast,dadalihin ko na kayo rito
at—"

"Hindi na ho,bababa na lang ako."

"Sigurado ho kayo?"

"O-oo naman. S-sige na ho."

"Ah,sige. Naiayos ko na sa cabinet ang mga damit mo."

"O-oho,salamat ho."

Nang makalabas na ng silid na iyon si Aling jessivy ay napapabuntong-hiningang nagtungo na sa banyo ang dalaga.

God! Totoo ba iyon? Did I made him really happy? O, dahil kamukha ko si Yazmer at si Yazmer pa rin ang pakikita niya sa akin?

Pinilit niyang itaboy ang mga isiping iyon...mas dapat niyang isipin na malanindigan ang pagpapaligaya kay Bryan ngayong naganap na sa kanila ang lahat.

~*~

NAALIMPUNGATAN si Lana sa pakiramdam sa masusuyong haplos sa kanyang pisngi,gayundin ang maliliit na halik na ikinikintal sa kanyang mga labi.

"B-bryan..."

"Hi Baby!"nakangiting wika ng binata na namulatan niyang nakaupo sa gilid ng kama,saka isang mabilis na halik sa mga labi niya ang ginawa nito."Sabi ni Aling Jessivy ay umakyat ka pagkakain ng tanghalian. Sorry, maaga akong umalis kanina, kailangan ko kasing salubungin ang mga dumaong na bangka para maiayos ang bentahan ng mga dala nilang isda."

Keep On RememberingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon