Sa unang pagkakataon mula nang tumakas si Loren sa malupit niyang "ama ay inaranasan niya ang magkaroon ng isang normal na buhay. At may nanliligaw pa sa kanya si Roman Valentino.
Makulit ito. Halata man ang mataas na pinag-aralan nito, hindi ito mapangmata. Kahit iniignora niya ang pagpapalipad-hangin nito ay hindi pa rin ito tumigil, lalo pang nagpursigi sa panunuyo sa kanya. Kahit sa mumunting paraan ay napapasaya siya nito. Hanggang sa hindi na rin niya napigil ang sariling mahulog ang loob dito. Tinanggap niya aag-ibig na iniluhog nito.
Dapat ay masaya na siya. Damang-dama niya kung gaano siya kamahal ni Roman. Ngunit sumulpot naman bigla ang isang taong nagbabantang isiwalat ang isang sekreto na maaaring maglayo sa kanya rito.
YOU ARE READING
A Promise of Tomorrow
Romance"Totoo sa loob ko ang pag-aalok ng kasal sa iyo. I have never wanted any woman so badly into my life like I wanted you." [ COMPLETED ]