Ayon sa relong suot ni Loren ay kinse minutos na late si Roman. Halos wala na ngang tao sa building na iyon sa eskuwelahang pinapasukan niya. Tapos na nang mga sandaling iyon ang pinaka-late na klase.
Abut-abot na rin ang kaba niya dahil ngayon lang nangyaring nahuli ng dating si Roman sa pagsundo sa kanya. Dati-rati, paglabas niya ng classroom ay naroon na ito. Kadalasan ay nakikipagkuwentuhan ito sa naka-duty na guwardiya.
Inilabas niya ang cellphone na ibinigay nito sa kanya. Hindi niya natanggihan iyon dahil gusto rin niyang mayroon silang palagiang communication, lalo na nga at walang telepono sa apartment niya. Bukod doon, baka kapag tumanggi siya ay magtampo na naman ito sa kanya.
Ayon dito, luma na ang cellphone na iyon at hindi na nito ginagamit kaya ibinigay na nito sa kanya. Nalaman lang niyang recent model iyon ng cellphone nang makita ni Lucy na hawak niya iyon at bigla nitong itinago ang ginagamit nito. Nang tanungin niya ito kung bakit, sinabi nitong baka raw pintasan niya ang cellphone nito.
Upang paglubagin naman ang loob nito, napilitan siyang sabihing hiniram lang niya iyon kay Roman. ldadayal na sana niya ang numero ng nobyo nang biglang mag-ring ang aparato. Agad niyang sinagot iyon nang makita ang pangalan ni Roman narumehistro sa screen
"H-hello?"
"Loren, pasensiya ka na kung hindi kita masusundo ngayong gabi. May emergency kasing nangyari dito sa job site. Pinapunta ko na riyan ang isa sa mga foreman ko. Igor Castañeda' ang pangalan niya. Malamang ay parating na siya riyan. Siya na lang ang maghahatid sa iyo sa apartment. Tatawagan na lang kita mamaya, okay?" paliwanag nito.
Tatanungin pa sana niya ito kung maayos ang kalagayan nito ngunit nawala na ito sa kabilang inya. Siguro nga ay talagang nagmamadali ito at hindi na nakuhang magpaalam nang maayos sa kanya. Hindi naman siya naghintay nang matagal. llang sandali lang ay pumarada na ang owner-type jeep nito sa tapat niya.
"Sakay na, Loren. ipinagbilin ka ni Sir Roman sa akin." nakangiting wika ng lalaking nasa driver's seat
Sa tama ng ilaw na nagmumula sa building, nakita niyang nakasuot ito ng isang unipormeng may logo ng kompanya. Iyon na nga marahil ang lalaking inutusan ni Roman na susundo sa kanya. Pero gusto pa rin niyang makasiguro.
"I-ikaw ba si Igor Castañeda?" tanong niya.
Sumaludo ito. "Yes, Ma'am. At your service, Ma'am."
Nang marinig ang sinabi ng lalaki ay mabilis na siyang lumapit upang makasakay.
"Ano ang emergency na nangyari sa job site?" agad na tanong niya nang makaupo na siya sa passenger seat.
Binuhay muna nito ang makina bago sinagot ang tanong niya. "Mayroon kasing naaksidenteng bagong
trabahador. Nalaglagan siya ng lata ng pintura mula sa topmost level ng building. Mabuti na lang at sa paa lang siya tinamaan. Minor lang naman ang injury nya, malayo sa bituka. At dahil si Sir Roman ang may hawak ng project na iyon at ayaw na niyan na maulit ang ganoong mga aksidente, nagpaiwan siya para personal na mag-supervise." Napatangu-tango na lang siya."Kumusta na ang Ate Adelie mo?" mayaa mayay tanong nito.
Napamulagat siya. Paano nito nalaman na kapatid niya si Adelie?
"Hindi mo na ba ako natatandaan?" muling tanong nito nang hindi siya sumagot.
Sa pagkakataong iyon ay nilingon na niya ito para mabistahan nang mabuti ang mukha nito. Ngunit kahit anong gwiin niyang pilit sa utak niya ay hindi niya matandaan ang mukha nito. Sigurado siya na hindi niya ito kilala. Ngayon lang niya ito unang nakita.
"Hindi mo na nga ako natatandaan," kapagkuwan ay umiiling na sabi nito.
"B-bakit kilala mo ako?" sa wakas ay nakuha niyang itanong.
YOU ARE READING
A Promise of Tomorrow
Romance"Totoo sa loob ko ang pag-aalok ng kasal sa iyo. I have never wanted any woman so badly into my life like I wanted you." [ COMPLETED ]