Dinala si Loren ni Roman sa bahay nito. Habang patungo sila roon, akala niya ay simple lang ang tahanang daratnan niya base sa kasimplehang nakikita niya sa pagkatao nito mula pa noong una niyang makilala ito. Kaya ganoon na lang ang pagkamangha niya nang madiskubreng halos mansiyon na ring matatawag ang bahay nito. Ganoon pa man ay minabuti niyang itago na lang iyon sa sarili.
"M-may mga kasama ka ba rito?" alanganing tanong niya nang makababa na sila ng sasakyan. Wala kasing sumalubong sa pagdating nila at madilim din ang kabahayan. Ang mga lamp posts lang sa malawak na hardin ang nagsisilbing tanglaw nila.
"May dalawang katulong naman na nagtitiyagang makisama sa akin dito. Si Minda, ang kusinera at tagalinis ng bahay. Si Josefa naman ang labandera at plantsadora. Kapag wala siyang masyadong gawa, tinutulungan niya si Minda sa paglilinis. Pero huwag mong alalahanin ang dalawang iyon at diihadong tulog na tulog na ang mga iyon ngayon, o kaya ay nagpapakapuyat sa panonood ng mga Tagalog movies sa cable channel."
Nang tingnan niya ang suot na relo ay nakita niyang alas-onse y medya na ng gabi. Hindi niya namalayang halos hatinggabi na pala.
"Ang mga parents mo, nasaan? Kasama mo rin ba sila rito?" tanong niya nang sinususian na nito ang malaking front door.
"Nasa Australia. Doon na sila nakatira ngayon." Wala sa loob na napatango na lang siya. Punung- puno ng samut-saring emosyon ang damdamin niya nang mga sandaling iyon. It was exhilarating to note na naroroon siya at tutuntong sa pamamahay ng kauna-unahang lalaking nagpakita ng interes sa kanya-sa paraang hindi katulad ng ipinakitang interes ni Brando Paredes noong nasa hacienda pa siya at upang maging kabahagi siya ng mga bagay-bagay na mahalaga para dito.
He was actually making her feel as if she was someone really special. Dahil doon, lalong nadagdagan ang pagtatangi niya rito. But then again, she knew withevery fiber of her being na handa siyang suklian ang kabutihan nito sa kanya sa paraang kaya niya. Sana lang, karapat dapat siyang tumanggap ng pagtratong ibinibigay nito at makasapat ang kakayahan niyang suklian ang pag-ibig nito upang maging matibay ang relasyon nila. Ano ang alam niya sa pag-ibig gayong buong buhay na hindi niya naranasang mahalin ng sarili niyang ama? Anim na buwan pa lang daw siya nang mamatay ang kanyang ina.
Pagkaraan ng ilang sandali ay nasa loob na sila ng isang silid na ayon dito ay entertainnment room.
"Make yourself comfortable," anito bago hinarap ang pag-aasikaso ng mga wire at plug ng mga
appliances na naroon."At plano mo ngayong manood tayo ng pelikula rito?" alanganing tanong niya nang makapuwesto na siya sa isang malambot na sofa ilang talampakan ang layo mula sa malaking TV. Mabuti na lang at hindi nito naisipang ipakita sa kanya ang silid nito. Kung hindi ay tiyak na hindi niya alam kung paano magre-react dito kapag naroon na sila. Hindi dahil sa hindi siya naniniwalang tutuparin nilo ang ipinangako nito sa restaurant kanina. Malaki ang tiwala niya rito. Maaaring higit pa iyon sa kasalukuyan tiwala niya sa kanyang sarili.
Ngayong nagkasarilinan na sila ay hindi niya maintindihan ang kakatwang antisipasyong nararamdaman niya. Tiyak niyang isang maling kilos lang nito ay mabubuwag ang lahat ng determinasyong natitira sa kanya. Ngayon na nya tuluyang napatunayan ang katotohanan sa kasabihang "the spirit is willing but the flesh is weak." Sana, pagkatapos ng gabing iyon ay manatili pa ring mataas ang pagpapahalaga niya sa kanyang pagkababae.
Pilyong nakangiti ito nang tumingin sa kanya. "You have a better idea, sweetheart? I will be most willing to concede." Ibinaato niya sa direksyon nito ang nahagilap na throw pillow. Ngunit umabot lang iyon sa paanan nito.
"Ang ibig kong sabihin, hindi ba tayo makakaistorbo sa mga kasambahay mo?" Umiling ito at ipinagpatuloy na ang pagse-set up ng mga aparato. "Soundproof ang kuwartong ito. Kahit magpagulung-gulong pa tayo rito mamaya, walang makakarinig sa atin."
YOU ARE READING
A Promise of Tomorrow
Romance"Totoo sa loob ko ang pag-aalok ng kasal sa iyo. I have never wanted any woman so badly into my life like I wanted you." [ COMPLETED ]