Chapter Two

12 8 0
                                    

"Ano pong order ninyo, Sir?" matamis ang ngiting tanong ni Loren sa bagong-dating na lalaki na customer ng restaurant. Nakatungo ito kaya hindi niya makita ang mukha. Hindi rin niya nakita ang pagdating nito dahil nagkataong abala siya sa pagpupunas ng isang mesang inalisan ng isa pang customer nila. Sinabihan lang siya ni Divina na may bagong dumating upang kumain.

Isang linggo na siyang nagtatrabaho sa restaurant bilang waitress. Ayon kay Mrs. Juco, masyado raw maganda ang mukha niya para maburo lang sa paghuhugas ng pinggan. Maiging siya na raw ang humarap sa mga customer upang mapakinabangan naman ang angkin niyang ganda. Tatlong araw pa lang siya sa poder nito ay itinaas na nito nang limandaang piso ang buwanang sahod niya dahil na-impress ito sa performance niya. Tuwang-tuwa naman siya sa maagang development sa "career" niya. Ipinangako niya sa sarili na mas pag-iigihan niya ang pagtatrabaho upang hindi ma-disappoint si Mrs. Juco sa kanya.

Utang niya sa mabait na amo ang lahat ng seguridad na tinatamasa niya ngayon. Higit sa lahat, nagpapalakas ng loob niya ang madalas na papuring walang sawang ibinibigay nito sa kanya. Hindi lang sa hitsura niya, lalung-lalo na sa kalidad ng trabaho niya.

Sa unang pagkakataon sa kanyang buhay ay
naramdaman niyang espesyal din siya at hindi lang basta-basta utusan.

Nagtaas ng mukha ang lalaki. Nang mapagsino niya ito ay biglang napalis ang ngiti niya. Mabuti na lang at hindi nalaglag mula sa mga kamay niya ang hawak na notepad at ball pen,kung hindi ay tiyak na bibigyan na naman niya ang lalaki ng karapatang pagtawanan siya sa pangalawang pagkakataon. Kung kailan halos burado na sa isip niya ang kahiya-hiyang nangyari noon ay saka pa niya muling nakita ito. Ito ang lalaking nadatnan niya sa men's room nang aksidenteng mapasok siya roon isang linggo na ang nakararaan.

"Isang beef caldereta at dalawang tasang kanin, Miss" nakangiting wika nito. Hindi lang nya masabi kung nakangiti ito dahil sadyang palangiti ito pinagtatawanan na siya nito. Lumunok muna siya bago isinulat ang order nito.

Himalang naigalaw pa niya ang mga daliri niya sa kabila ng tensiyong ngumangatngat na naman sa Sistema niya. Titig na titig pa naman ito sa kanya at ngitng-ngiti pa rin.

"Ano po ang drinks ninyo, Sir?"

"Pineapple juice na lang, please. At isang mineral water."

"Baka gusto po ninyong tikman ang egg pie namin for dessert, Sir?" tanong pa rin niya, bagaman gusto na niyang tumakbo palayo rito. Standard operating procedure kasi sa trabaho nila ang mag-suggest ng panghimagas sa mga customer nilang umo-order ng rice meal. Baka sakalıng mapaoo nila ang mga ito, additional sales din iyon para sa restaurant.

"Sure. Samahan mo na rin ng ege pie ang order ko," wika nito. "But make sure, ikaw ang magseserve sa akin dahil hindi ko iyon tatanggapin dahil kapag ibang waitress ang pinapunta mo rito para mabigay ng order ko," dagdag nito nang makatalikod na siya mula sa mesa nito.

Naitirik niya ang mga mata sa matinding pagkadismaya. Plano pa naman sana niyang ipasa ang order nito kay Divina. Tutal, sa pagkakaalam niya ay mahilig ito sa mga guwapong customer.

Paano nangyaring natunugan ng lalaking iyon ang takbo ng isip niya? Pagkaraan ng ilang minuto ay bumalik siya sa mesa nito upang ibigay ang order nito. "Dito kapala nagtatrabaho. Ibig sabihin, mula sa araw na ito, dito na ako palaging magla-lunch," sabi nito habang inilalapag niya ang pagkain nito sa mesa. Hindi siya umimik. Kiming ngiti lang ang itinugon niya rito. Hindi naman niya ito maaaring sabihang sa kalabang kainan na lang ito kumain at siguradong malilintikan siya kapag nalaman iyon ni Mrs. Juco.

"Ako naman ay diyan sa ipinatatayong building sa kabilang panig ng kalsada nagtatrabaho. Roman Valentino ang pangalan ko. Ikaw?"

"L-Loren," alanganing wika niya. Bakit ba kasi
nausu-uso pa ang kasabihang "the customer is always right?"

A Promise of TomorrowWhere stories live. Discover now