MAGDAMAG na hindi nakatulog si Loren dahil sa pag-aalala. Mataas na ang sikat ng araw ay dilat na dilat pa rin siya. Mula kaninang alas-singko nang madaling-araw ay tatlong beses na siyang muling sumubok na makausap si Roman sa cellphone nito. Ngunit katulad nang nagdaang gabi ay hindi siya makakonekta sa numero nito. Tumawag na rin siya kay Minda. Ayon dito ay hindi pa rin umuuwi Si Roman. For heaven's sake, kailangan niyang makausap si Roman!
Nasa ganoon siyang kalagayan nang makarinig siya ng sunud-sunod na katok sa pinto. Napapitlag siya at awtomatikong napatayo mula sa kama. Parang kasimbilis ng bullet train na tinungo niya ang pinto upang pagbuksan ang kumakatok. Baka si Roman na iyon.
"Dinalhan kita ng pandesal. Masarap ang mga ito. Paborito nga ng mga apo ko," nakangiting bungad ni Aling Caridad nang pagbuksan niya ito.
Kimi ang ngiting isinulkli niya rito. "M-maraming salamat po. Hindi na po sana kayo nag-abala pa. Nakakahiya na ho sa inyo."
"Para ano pa't magkapıtbahay tayo?" nakangiting sabi nito.
"Pumasok po muna kayo. Dito na po kayo magkape. Nakapagpainit na ako ng tubig kanina," yaya niya rito, bagaman ang totoo ay gusto na niyang makawala sa presensiya nito dahil maraming mga bagay-bagay ang gumugulo sa isip niya. Mabuti na lang at hanggang sa kahuli-hulihang sandali ay nanaig pa rin sa kanya ang idinidikta ng kagandahang-asal.
"Huwag na. Papasok na ang mga bata sa eskuwelahan. Isinaglit ko lang talaga ang mga iyan para sa iyo," wika nito, sabay nguso sa supot ng pandesal na iniabot sa kanya kanina.
"Kayo po ang bahala, Aling Caridad. Maraming salamat na lang po uli."
"Walang anuman, Loren."
Halos kasasara lang niya ng pinto nang muling tumunog ang doorbell. Agad niyang binuksan ang pinto. Baka bumalik si Aling Caridad at may nakalmutang sabihin. Ngunit hindi ang matandang babae ang nabuglawan niya kundi ang nakangiting si Divina.
"Kumusta ka na, bruha?" todo ang ngiting bati nito sa kanya nang makapasok ito sa bahay. Walang pasintabing sinugod niya ito ng mahigpit na yakap. llang saglit pa ay tuluyan na siyang napahagulhol sa balikat nito.
Mabilis nitong inilayo ang sarili sa kanya. "Ano 'ng nangyari? Bakit ka umiiyak? May ginawa bang masama si Roman Valentino sa iyo?" tarantang tanong nito.
Puro iling lang ang naisagot niya. Mabilis na isinara nito ang nakabukas pang pinto, pagkatapos ay iginaya siya patungo sa sofa.
"Ano ba talaga ang nangyari at nag-iiyak ka nang ganyan?"
Sa paputul-putol na salita ay inilahad niya rito ang mga sinabi sa kanya ni lgor Castañeda nang
nagdaang gabi."A-ano ang plano mong gawin ngayon?" nanlalaki ang mga matang tanong nito nang matapos ng kaniyang pagsasalaysay. Tila maging ito ay hindi makapaniwala sa mga sinabi niya.
"Gusto kong magkausap muna kami ni Roman. Kung maniniwala siya sa akin, siya lang ang tiyak kong makakalutas sa problemang ito." Tumaas ang isang kilay nito.
"Ano'ng ibig mong sabihing kung maniniwala siya sa iyo?" Lumunok siya dahil tila may bumara sa kanyang lalamunan.
"Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang lahat ng pinagtapat ko sa iyo, Vina. Ang masakit pa, kung kailan nagdesisyon na akong sabihin sa kanya ang lahat ay saka naman dumating si igor Castañieda. Pagkatapos, ngayon nga, hindi ko makontak si Roman simula pa kagabi. May nangyari daw sa job site kahapon at hindi niya maiwan. Hindi ko rin matawagan pati ang cellphone niya."
Tumayo ito at nagpalakad-lakad sa kabuuan ng sala. "Kahit alam kong mali ang ginawa mong paglilihim sa kanya, Loren, hindi na kita sisisihin. Nariyan na yan, hindi na puwedeng baguhin. Ang pinakamagandang magagawa natin ay mag-isip ng magandang solusyon sa problema mo."
YOU ARE READING
A Promise of Tomorrow
Romance"Totoo sa loob ko ang pag-aalok ng kasal sa iyo. I have never wanted any woman so badly into my life like I wanted you." [ COMPLETED ]