Chapter Six

11 8 1
                                    

"Loren, pwede kitang ipasok sa opisina kahit sa clerical position lang muna para naman hindi ka masyadong napapagod," ani Roman sa kanya.

Tatlong araw na ang nakalilipas mula nang magtungo sila sa bahay nito. Tatlong araw na rin niyang ine-cxpect na hindi na muling magpapakita sa kanya ito dahil sa nangyari noong umagang iyon. Hindi pa siya handa na ipagtapat dito ang lahat-lahat tungkol sa kanya. Nag-aalangan siyang malaman nito na inireto na siya ng kanyang ama sa isang lalaking hindi naman niya mahal. Baka biglang tumabang ang pakikitungo nito sa kanya. Sa tingin pa naman niya ay importante para dito ang opinyon ng mga partidos nila pagdating sa kanilang relasyon. Sinundo siya nito sa eskuwelahan nang gabing iyon.

"Baka hindi pa ako qualified sa ganoong posisyon, Roman. Alam mo naman sigurong high school lang ang natapos ko," nag-aalangang sagot niya.

Lalong hinapit siya nito sa baywang. Saglit siyang napapikit sa init na bigla niyang naramdaman His nearness was always a balm to her aching senses. Pero hinding-hindi niya aaminin kahit kanino kahit na dito-na nahihirapan na ang katawan niya sa pagtatrabaho at pag-aaral nang sabay. At alam niyang malaking kaalwanan para sa kanya kung tatanggapin niya ang trabahong iniaalok nito.

Ngunit hindi pa ganap ang tiwala niya sa kanyang sarili. Ayaw niyang mapahiya ito sa mga kasama nito sa trabaho nang dahil sa pagrerekomenda sa kanya.

"Ano ba'ng sinasabi mo? Huwag mo ngang imenos ang sarili mo't hindi ko naman iaalok ang trabahong iyon kung alam kong hindi mo kaya."

"Hindi ba nakakahiya kay Mrs. Juco?"

"Kung nahihiya ka kay Mrs. Juco, ako na mismo ang magsasabi sa kanya. Maintindihan naman siguro niya ang kalagayan mo."

"Teka muna, Roman. Baka kasi..."

Biglang tumigil ito sa paglalakad. Napatigil din siya.

"Loren, lahat ng tao ay may karapatang umasenso. Hindi por que aalis ka na kay Mrs. Juco ay tuluyan mo nang kakalimutan ang kabutihang-loob na ipinakita niya sa iyo. Puwede ka namang dumalaw sa kanya paminsan-minsan."

"Hayaan nmo at pag-isipan ko," sabi na lang niya.

Nag-aalangan pa rin siya sa iniaalok nito. Bumuntong-hininga ito. "Pag-iisipan mo pa? Loren, naman, hindi ka pa ba naaawa sa sarili mo? Namamayat ka na, kung hindi mo pa napapansin ang sarili mo sa salamin. Pati ang mga mata mo, nanlalalim na sa kapupuyat."

"Gusto mong umalis na ako sa kasalukuyan kong trabaho dahil hindi na ako maganda sa paningin mo. Ganoon ba ang ibig mong ipakahulugan sa sinasabi mong yan?" pabirong sabi niya, ngiting-ngiti rito.

Ngunit sa halip na matawa ay lalong sumama ang timpla nito. Padaskol na hinila siya nito at nagpatuloy sa paglalakad.

"Bahala ka na nga sa gusto mo. Tutal, talaga naman yatang hindi na kita mapipilit kapag napagdesisyunan mo na ang isang bagay. Ang sa akin lang naman ay pagmamalasakit para sa kalusugan mo. Hindi ko gustong dumating ang araw na magkasakit ka dahil sa pang-aabusong ginagawa mo sa katawan mo."

Hinimas-himas niya ang braso nito sa kagustuhang tumigil na ito sa pag-aalboroto. Ayaw niyang nakikitang nagagalit ito.

"Huwag ka nang magalit, please. Promise, pag- iisipan ko nang husto mamayang gabi ang sinabi mo"

Binalingan siya nito. Hindi na masyadong maasim ang mukha nito, bagaman hindi pa rin nakangiti.

"Ibig sabihin, bukas, malalaman ko na ang sagot mo?"

"Bukas na agad?"

"Opo. Bukas na agad. Hindi na kailangang patagalin pa dahil ayaw kong nakikitang nahihirapan ka," matatag na wika nito.

A Promise of TomorrowWhere stories live. Discover now