Chapter Ten (Wakas)

11 6 4
                                    

Isang linggo pagkatapos bumalik ni Loren sa poder ni Mrs. Juco ay nakatanggap siya ng telegrama mula sa isang taong nagngangalang "Agustin Gatchalian." Ayon sa sulat ay nakabilanggo na sina Don Rufino Gatchalian pati na rin si Brando Paredes at maaari na siyang bumalik sa hacienda nang walang inaalalang anumang aberya.

Upang masigurong hindi gawa-gawa lang ang telegramang iyon ay naglakas-loob siyang tawagan si Aling Menmen sa hacienda. Dito niya nalaman na hindi pala niya tunay na ama si Don Rufino. Nang kamkamin nito mula sa tunay niyang ama ang pagmamay-ari ng hacienda ay pinalayas nito ang lahat ng mga taong pinagkatiwalaan ng mga magulang niya.

Si Brando Paredes, na panganay na anak ng matalik nitong kaibigan, ang naging kanang-kamay nito sa lahat na nanlilinlang at pagmamalupit na ginawa nito sa mga taong ang tanging ikinabubuhay ay ang pagtatanim ng tubo at pag-asa sa lupang pagmamay-ari ng pamilya ng kanyang ina.

Dahil sa nalaman ay dali-dali siyang nag-alsa-balutan pauwi sa Pangasinan. Nasasabik din siyang malaman ang buong katotohanan, bukod pa sa sadyang nakukulitan na siya kay Divina sa walang-sawang katatanong nito tungkol sa totoong namagitan sa kanila ni Roman. Ayaw na niyang pag-usapan pa nila ang lalakı. As far as she was concerned, wala nang dahilan para pag-aksayahan pa niya ito ng panahon. Marahil ay lilipas din ang nararamdaman niya para dito.

Matatag ang pag-asa niyang darating ang araw at makakabangon din siyang muli sa matinding kabiguang dinanas niya sa pag-ibig nito. Payat at humpak ang mga pisngi ng tunay niyang ama si Agustin Gatchalian-nang makaharap niya ito sa wakas.

Nakababatang kapatid pala ito ni Don Rufino. Sina Marlon at Adelie ay hindi niya mga kapatid, kundi mga pinsang-buo lang. Nagdamdam nang husto ang kanyang ama nang mamatay ang kanyang ina noong sanggol pa lang siya mula sa isang sakit na hindi maipaliwanag maging ang mga dalubhasa. Nawala ito sa sarili at napabayaan na nang tuluyan ang pamamahala sa hacienda na minana ng kanyang ina sa mga magulang nito.

Sinamantala iyon ng ganid na kapatid nito. Sa loob ng dalawampu't tatlong taon ay naging bilanggo ang tunay niyang ama sa sarili nitong pag-aari. Inilagak ito ni Don Rufino sa basement ng isang lumang bodega sa likod ng malaking bahay. Nagkaroon lang ito ng kagustuhang makatakas nang malaman nito sa nagbabantay rito na nauna na siyang nakatakas.

Ngayon ay dalawang linggo na niyang kasama ito sa bahay. Bumabawi sila sa mga taong nasayang. Bagaman natutuwa siyang nag-iba na ang takbo ng kanyang kapalaran, nalulungkot pa rin siya tuwing sumasagi sa isip niya ang naging katapusan ng relasyon nila ni Roman.

"May problema ka ba, Lorena?" tanong ng kanyang ama pagkatapos niyang abutan ito ng isang basong gatas.

Sinikap niyang ngumiti. "W-wala naman po. Bakit naman po ninyo nasabi' yon?"

"Napapansin ko kasi na parang laging malayo ang iniisip mo. Madalas kang nakatanaw sa bintana. Minsan naman, parang nawawala ka sa sarili mo. Kung anu-ano ang isinasagot mo sa mga itinatanong ko sa iyo. Baka ikako miss mo na ang mga kaibigan mo sa Maynila. O kaya naman ang pag aaral na iniwan mo roon. Magsabi ka lang, anak. Puwede tayong lumuwas anumang oras."

Hinawakan niya ang kamay nito na nakapatong sa armrest ng rocking chair. Butuhan man iyon, walang anumang hinalikan niya iyon.

"Naninibago lang po siguro ako sa mga nangyari, Daddy. Sabihin na lang nating nasa adjustment stage pa lang ako, Paano naman kasi, buong buhay ko, hindi ko inakalang mababago pa ang kapalaran ko. Akala ko, hanggang kusina na lang ang magiging papel ko. lyon pala..."

Biglang lumungkot ang mukha nito, dahilan upang hindi na niya maituloy ang sinasabi niya.

"Kung hindi ako nagpabaya noon, sana ay hindi ka dumanas ng kalupitan mula sa tiyuhin mo. Ang daming panahong nasayang, Loren. Kung maaari ko lang sanang ibalik ang panahon."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Promise of TomorrowWhere stories live. Discover now