Chapter Seven

11 8 0
                                    

"Bakit hindi ka na sumubo riyan?" natatawang tanong ni Loren kay Roman. Salubong ang mga kilay nito habang nakatitig sa panotsa na dala ng kapitbahay niyang si Aling Caridad. Ang matandang babae at ang dalawang apo nito ang nagrerenta sa unit na katabi ng unit niya. Nasa abroad ang mga magulang ng mga bata at naiwan sa kalinga nito at isa pang katulong ang pangangalaga sa mga apo nito.

Tuwang-tuwa ito nang malamang taga-Pangasınan siya. Nagaroon din daw ang namayapang asawa nito. Dalawang araw nang dinadalhan siya nito ng kung anu-ano. Kahapon ng umaga ay binigyan siya nito ng tatlong hinog na mangga. Pagdating naman ng hapon ay nagpadala naman ito sa apong si Claudine ng isang mangkok na sopas. At ngayon nga ay may dala itong panotsa.

"Hindi ka ba magkaka-diabetes diyan?" tanong ni Roman na nakatitig pa rin sa panotsa.

Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi tuloy niya napigil ang sariling isiping kuno may magic lang ito ay pihadong ginawa na nitong daga ang kawawang panutsa upang tuluyan nang mawala iyon sa mesa.

"Hindi ko naman uubusin ang lahat ng yan sa isang kainan lang" sagot niya. "Hindi ka ba kumakain ng ganyan?"

Lalong umasim ang mukha nito. "Kumakain naman. Pero wala akong planong kainin yan."

Lalo namang lumapad ang pagkakangiti niya. Kahit hindi ito magsalita ay tiyak niyang hindi ang panotsa ang ipinagsisisihan nito kundi ang maling timing ng pagdating ni Aling Caridad.

"Ano'ng nakakatawa sa sinabi ko?" nandidilat ang mga matang tanong nito.

Umiling siya. "Wala."

"Ganoon naman pala. Bakit ka nakangiti?"

Pinigil niya ang sariling mapahagıkgik. Mukhang ang tuna sandwich naman na nasa plato nito ang pinag-iinitan nito ngayon. Baka maibato nito iyon sa kanva.

"Nakangiti ba ako? Sa pagkakaalam ko ay nakasimangot ako nang lagay na yan," wika niya.

"Bakit ka kasi nagagalit?"

Tinapunan siya nito ng isang hindi naniniwalang tingin, kapagkuwan ay bumaling ito sa lababo.

"Hindi ako nagagalit, At bakit naman ako magagalit?" sabi naman nito na lalo pang tumindi ang pagkakasimangot.

Hindi na napigil ang sarili sa pagtawa.

Bumaling muli ito sa kanya. "Ano nga kasi ang nakakatawa, Loren? Inuubos mo na ang pasensiya ko," sabi nito.

"I-ikaw," hirap na hirap na tugon niya.

"Bakit?" nanlalaki ang mga matang tanong nito.

"Kapag nagagalit ka pala, nagiging kamukha mo yong bulldog na FBI agent sa napanood nating pelikula. Hindi ka na cute, kundi nakakata-cute," wika niya habang tumatawa.

Sukat doon ay walang babalang tumayo ito at binuhat siya mula sa kinauupuan niya. Mabilis na dinala siya nito sa sofa at walang-awang kiniliti nang kiniliti hanggang tuluyan na siyang magsisigaw sa pagpoprotesta.

Sa Mall nagpunta sina Loren at Roman nang sumunod na araw.

Hindi nakatanggi Si Loren nang sabihin sa kaniya na isusuot niya sa opisina.

Tiyak na kay Roman ang magiging bagsak kapag napintasan siya. Hinding-hindi niya hahayaan mangyari iyon kung magagawan pa niya ng paraan

"A-ang dami naman yata niyan," nakakunot ang noong wika niya nang makita ang ilang pares ng mga palda at blusa na kinuha nito mula sa women's section.

"Nasaan ang marami?" yanong nito habang itinataas ang mga hanger na hawak.

Pinaikot niya ang mga mata. "Roman, hindi ko kayang bayaran ang lahat ng iyan. Maso-short na ang budget ko. Hindi pa nga ako nakakapag-umpisa sa bagong trabaho ko," aniya sa mahinang tinig sa takot na may makarinig sa kanya.

A Promise of TomorrowWhere stories live. Discover now