Chapter 10

1.6K 35 2
                                    

BEATRIX' POV

----

After an hour, nakarating na din ako sa village namin sa wakas. Actually, nagpahatid lamang ako kay Ziah sa labas ng village to keep our secrets from her. I feel bad to lie to a friend like Keziah and Erosz, but I don't have a choice. I have to lie, for me to not get hurt from Xander, pero kahit naman magsinungaling ako, sinasaktan pa din naman niya ako.

Tumigil muna ako sa paglakad at humugot ng malalim na hininga ng nasa harapan na ako sa aming gate, kinakabahan. Subalit, napakunot ang aking noo ng makitang nakasara ang entrance door ng aming bahay.

'wala kaya siya?'

Napatingin ako sa aking relong pambisig at nakitang pasado 9:00 am na ito, marahil wala na dito si Xander at pumasok na ito sa kompaniya niya.

'Tama! siguro nga ay pumasok na ito sa kompaniya.'

Nakahinga ako ng maluwag sa isiping wala na nga si Xander diyan sa loob kaya naman kampante kong binuksan ang aming gate at pumasok na sa kabahayan.

Marahan kong binuksan ang pinto at sinilip siya sa loob baka sakaling nandito pa siya subalit madilim sa loob gawa ng mga nakababang mga kurtina. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala siya, kaya naman dire-diretso akong pumasok sa loob at akmang aakyat na sana sa taas nang may magsalita mula sa aking likuran.

"Bakit ngayon ka lang?" ani ng isang malamig at baritonong boses.

Napatigil at nanlamig ako sa aking kinatatayuan ng marinig ang malamig na boses nito mula sa aking likuran. Darn! Dahan-dahan akong napalingon sa pinanggalinan ng boses na iyon, and there I saw him coldly staring at me while holding a glass of wine in his right hand.

"X-xander." kinakabahang sambit ko sa pangalan nito.

"Saan ka galing?" malamig pa din ang boses na tanong nito habang dahan-dahang humahakbang palapit sa aking kinatatayuan.

"S-sa k-kai..bigan ko l-lang." utal na sambit ko at pasimpleng nag-iwas ng tingin.

Nakakatakot ang bukas ng mukha nito, walang emosyon subalit napakadilim niyon na tila ba gustong-gusto niyang manakit.

"Kaibigan? Is it Erosz?" walang emosyong tanong nito.

Napatungo ako at marahan na umiling. I am afraid to say any words dahil baka hindi niya iyon magustuhan at maibato pa sakin ang basong hawak nito. I don't want to trigger his anger. He's in furious state, i can see his wrath-face as he met my gaze.

However, no matter how mad he is right now, i still don't want to tell him about what had happend to me yesterday, because I know he wouldn't believe on me.

"Did you sleep with Erosz, huh?!" nangangalaiting aniya, at hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtagis ng bagang nito at ang mahigpit na hawak sa baso sa kaniyang kamay. "Kaya ba hindi ka na nag-abala pang umuwi at sagutin ang mga tawag ko?!" malakas na sigaw niya na siyang dumagunggong sa buong bahay. "ANSWER ME!!"

"aaaahhhh!" bahagya akong napatalon sa gulat dahil sa malakas na pagsigaw nito at matapang na sinalubong ang nag-aalab sa galit nitong mga mata.

"N-no... I-is not what y-you thi--"

"That's bullshit!!" malakas na sigaw niya at marahas na ibinato ang basong hawak niya sa aking paanan.

Mariin akong napapikit ng may tumamang mga bubog sa aking binti at mga paa na naging dahilan ng pagdurugo nito subalit ipinagsawalang bahala ko lamang ang sakit at nanatiling sinalubong ang mga mata niyang puno ng galit at panghuhusga sa akin.

I Am Secretly Married To My Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon