BEATRIX' POV
Natapos na kaming kumain at nakapagbihis na din kami ni Xander kaya naman ngayon ay papalabas na kami ng bahay at sumakay na sa kotse niya.
Pinaandar na niya ang sasakyan at umalis na kami. Tahimik lang ang biyahe namin kaya naman naisipan ko munang buksan ang radio nito.
"what are you doing?"
"bubuksan yung radyo"
"and?"
"magpapatugtog ako."
"no. Its noisy."
"psh, kaya nga ako magpapatugtog kasi ang tahimik natin para kahit papano may ingay naman tayong madidinig."
"no. Don't want.. That would be not a good idea.. I hate noise, you know."
"psh, edi wag! Bahala ka diyan..mabingi ka sana sa sobrang katahimikan." pabulong bulong ko at humalukipkip pa at ibinaling ang tingin sa kalsada.
"you sayin'?"
"psh."
"fine! I'll let you use it. But tune down the volume, yeah?"
Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"ok"
Binuksan ko na ang radyo at saktong nagpapatugtog ang istasyon nila ng mga kanta.
Tahimik lang akong nakikinig ng mga music hanggang sa hindi ko na namalayang nakaidlip pala ako.
___
"hey you, sleepy head.. wake up..we're already here."
Naalimpungatan ako ng mapansing may yumuyugyog sa balikat ko kaya naman dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sakin ang mukha ni Xander na siyang yumoyugyog sa akin.
"uhmm".
"hey, wake up..we're here..c'mmon, fix your self."
Umayos naman ako ng upo at tumingin sa salamin at inayos ang nagulong buhok ko. Nang matapos na ako ay lumabas na ako at sinundan si Xander sa direksiyong tinatahak niya. Medyo malayo layo ng konti ang nilalakad pa muna namin, hanggang sa tumigil ito at agad na naupo sa damuhan na siya namang aking ginawa. Naupo ako sa tabi niya at pinagmamasdan ang kaniyang ginagawa.
Inilagay nito ang mga puting bulaklak sa isang tabi at nilinis ang mga dahon na siyang nakakalat sa paligid ng isang.... Lapida.
May isang butil ng luha ang nakatakas sa mga mata ko ng mabasa ang pangalan nito na nakaukit sa kaniyang lapida.
R.I.P
Zandra Divina Q. De Villa
Date of Death: November 8, 1999"hi mom, we're here again.." bati ni Xnader sa ina at hinaplos pa ang lapida nito.
"its been three years na din pala since you left us, i really miss you so much, mom." Mahinang saad nito at ibinaling niya ang tingin sa kaliwa niya at pasimpleng pinunasan ang mukha nito na aking namang nakita.
Alam kong umiiyak siya, ayaw niya lang ipakita sakin.
Its our wedding anniversary and also tita mommy's death anniversary.
Ang malas lang noh? Na talagang sa araw pa ng kasal namin siya pumanaw.
Tandang tanda ko pa noon, kahit nanghihina na siya, pinilit parin niya ang sarili na makadalo sa kasal namin. Pinilit parin niya ang lumakad sa aisle kahit nanghihina na siya, kahit halos buhatin na siya ni Daddy Alexis para lang makapagmartsa siya sa kasal namin. A wedding is supposed to be full of love and joy, pero kabaliktaran ang nangyari. Awa, pag aalala, sakit at luha ang naramdaman namin.
BINABASA MO ANG
I Am Secretly Married To My Heartless Husband
Romance"WARNING!!PLAGIARISM IS A CRIME!!! This story may contain grammatical errors, typos, misspelled words, and other non-adjacent errors. It may also contain indecent language and sensual scenarios that are not suitable for young readers. Moreover, this...